CHAPTER 5

3 0 0
                                    

OFFICE HOUR

Wala pa rin si Sir Fred?
baka late?
Hmmmmpf
OK lang yun sya naman ang may ari eh. Parang tangang sabi ko sa sarili ko.
Makapag Simula na nga lang sa trabaho ko.

Maya-maya pa bumukas na ang pinto
At iniluwa nito si Sir Fred.
"Good morning Sir!" Nakangiting bati ko Kay sir.
Tsaka ko lang napansin, dalawa pala and niluwa ng pinto.
Sino pa ba? Only Binay.. He he joke
Sino pa nga ba?
Eh di ang bruhong anak ni Sir,
Pasalamat sya at gwapo sya, dahil kung Hindi baka nakonyatan ko talaga sya.
Wehhhh? Kaya mo?
Hehehe, syempre Hindi... Mabait ako noh.

Aheemm! Tumikhim muna ako bago ko binati ang pangalawa.
"Good morning sir!" Hindi ako makatingin ng direcho sa kanya. Shit na malagkit..

"Cassy, meet my son, Zachary. Zach, si Cassy, she's my secretary." Pakilala sa amin ni Sir.
Pinag papawisan ako, ano bang gagawin ko. Ibebeso ko ba sya?
Ooopsss! Cassy malandi ka talaga. Pwedeng kamayan mo muna, tsaka close ba kayo para ibeso-beso mo sya?

Ito talagang kontrabidang isip ko. Tsk tsk, makakaisa na sana eh.

"Hi Sir Zach , nice to meet you po" pakitang tao ako.. Sabay lahad ng kamay.
Hindi naman ako napahiya kasi nakipag shake hands din sya at nag greet sa akin.
Mabait naman siguro. Baka wrong timing lang yung pagkikita namin nung nakaraang araw. I Hope so.

"Cass, papuntahin mo silang lahat sa conference room, sabihin mo emergency meeting kaya biglaan, ipapakilala ko na rin sa kanila itong gwapo Kong anak." Utos sakin in sir, na mabilis ko namang sinunod.

@ Conference Room
Halos lahat andito na. Hindi ko alam kung Saan ako pupwesto, kung Hindi lang ako secretary ni sir baka nasa isang sulok lang ako at nakikinig. Grabe naman kasi tong lalake na toh. Hinahatak yung mata ko papunta sa mukha nya. Charot, nanisi pa.

Hindi ako makakilos ng maayos, magkatabi kami ng inuupuan habang nakatayo naman si Sir at nag sasalita. Hindi ako makapakinig ng maayos, sa gilid kasi ng mata ko nakikita ko yung gwapo nyang mukha.
Nilibot ko yung paningin ko.
Pinilit Kong Hindi matawa sa mga nakikita ko. Karamihan ng mga babae lalo na yung mga walang asawa, palipat-lipat ng tingin, nandun yung titingin sa nag sasalitang si Sir Fred, sabay lilipat ng tingin sa lalaking katabi ko.
Hindi ko na napigilan, natawa na talaga ako dahilan ng pagka baling ng atensyon ng katabi ko. Agad kong pinigil ang tawa ko baka kasi hindi lang sya yung makarinig, mabuti na lang mahina lang yung kumawalang tawa sa bibig ko kanina, kung makikita nyo lang kasi talaga yung mga itsura nila. Hahaha

Pag baling ko sa ibang atensyon, nakita ko si Eunice.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaasar. Iba yung tingin nya sa katabi ko. Ang lagkit, sobrang lagkit. Gusto mo I-describe ko kung gaano kalagkit?
Kasing lagkit lang naman ng Hindi ka naligo ng limang buwan. Ganerrrn.
Ang OA ko noh?
Pero promise gusto ko syang sigawan ng
"HOYYY EUNICE, MATUTUNAW NA YANG TINITITIGAN MO, HINDI KA PA NAKIKINIG KAY SIR" nakakagigil sya. Ang hard ko noh?

eh kung sigawan mo kaya yung sarili mo.
"HOY CASSY, PAKIALAMERA KA, PAKE MO BA KUNG TINITITIGAN NYA YUNG KATABI MO, HINDI KA RIN NAKIKINIG SA SIR MO." -kontrabidang isipan nga naman o'.

Ibang klase talaga tong lalake na toh.
Ngayong sya na ang nag sasalita, tutok na tutok ang mga mata ng mga kababaihan, maliban sa akin.
Kasi yung mata ko nasa mga kababaihan, tinitignan ko sila isa-isa kung panu nila tingnan si Fafa-- uh I mean si Zachary.

Tapos na yung meeting
Kanya-kanya ng balikan sa mga area nila, yung iba may #hangover pa. Hahaha, Hindi maka move on.

Akala ko kung sinong kumalabit sa akin, si Nina lang pala, sa kabilang room rin ang office nito kasama nina Charm. "Cass, ang swerte mo naman nakatabi mo sa upuan yung anak ni sir, ang gwapo nya sobra, mabango ba?" Kaloka naman, nakatabi lang swerte na? Langya tinanong pa ako kung mabango ba.
"Hmppf sakto lang." Sabi ko nalang para matapos na yung ganung usapan. Haha

Kanina pa nakatitig sa akin tong si Elly eh, ano kayang problema nito.
"Bakit, anong problema?" Concern Kong tanong sa kanya.
"Wala naman, ngayon ko lang narealize ang ganda mo pala" nakatitig pa rin toh saken.
"Sus! Bolahan tayo dito ha." Biro ko sa kanya. Pero nagulat ako nung Hindi sya tumawa, seryoso syang nakatitig sa akin.
Iwinasiwas ni Nica yung kamay nya sa harap ng muka ni Elly.
"Hello? Andito kaya kami."
"Alam ko, tara kain na tayo" nakangiting turan ni Elly.

Iba ngayon si Elly ah. May something,
Parang seryoso talaga sya kanina.
Ano kayang drama nun?
Sa isip-isip ko habang nginunguya ang pagkain.

"Ang tagal naman , ilang linggo at araw pa para araw-araw na nating makita si sir Zach" tila kinikilig na sabi ni Karen.
"Wag mo kasing antayin para bumilis" sagot naman ni Elly na bagamat nakangiti makikita mo pa rin sa mukha ang kaseryosohan
Ano kaya talagang meron dito?




Let Me Think About ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon