CHAPTER 7

4 0 0
                                    

Shout out nga pala sa mga readers.
HI sa inyo :)

At dahil dyan, late na talaga ako.

Kumatok ako sa office ni sir.
"Come in" narinig Kong sabi ni sir.
"Good morning sir, hehe late po ako." Alanganing bati ko.

Nagulat ako nung ngumiti si sir, akala ko kasi magagalit sa'kin.

"It's OK, as I remember ngayon ka lang nalate. Pero alagaan mo pa rin yung good record na mayroon ka, OK ba yun?" Nakangiting sabi nya.

"Yes Sir, thank you po" kaya best boss talaga sa akin 'yang si Sir Fred, sobrang bait.

Tumango lang ito at nag paalam na akong babalik sa trabaho.

Still counting.
Ilang days na lang mag babakasyon na si Sir.
Haisst nalulungkot ako na excited.

Huh? Bakit?

Linggo na bukas.
Pahi-pahinga rin pag may time.

Maaga akong gumising para makapag almusal, mag sisimba kasi kami ni Mama.

Kami na lang Ni Mama ang magkasama sa buhay. Grade 6 ako nung namatay ang Papa ko.
Pasalamat na lang kami ni mama dahil nung nabubuhay pa si papa ay may naipon silang pera , dahilan para makapag tapos ako ng pag-aaral.
Nag business c mama ng kainan gamit ang naipong pera ni papa.
At di nag tagal ay lumago.
Nag open uli kami ng isa pang kainan, na matatagpuan sa kabilang kanto.
Kumuha na lang kami ng mga tao para sa naturang kainan.

"Morning ma!" Tumayo ako at kumuha ng isa pang mug para sa kape ni mama.
At nag Simula na kaming kumain.

Nagkakwentuhan.
Nagkatawanan.
Bihira lang din kasi kami ni mama makapag bonding dahil may pasok ako at sya naman ay nag aasikaso rin ng tindanan.

Tapos na kaming mag simba.

"Tara Ma! Malling tayo." Hinatak ko si Mama pasakay ng jeep para Hindi na makatanggi.
Dun na rin siguro kami kakain ng lunch.
Date with my Mom :)

@ Mall

Kanina ko pa tinititigan yung lalaking nasa loob ng shop na nasa harap ng kinakainan namin ni mama.
Di ako sure pero Hindi ako pwedeng magkamali. S'yang sya nga yun.

"Anong ginagawa nya dun?"
"Huh? Sino?" Nawindang ako sa tanong ni Mama, tsaka ko lang narealize nai-shout out ko pala, dapat sa isipan ko lang yun eh.
"Wala Ma" nag focus na lang ako sa pagkain.
Nakita ko si Mama na umiling.

Ano kaya'ng ginagawa nya dun?
Eh puro cosmetics product yung mga nandoon.

Tumingin ako uli sa direksyon kung saan ko sya nakita. Mas klaro yung itsura nya ngayon. Sya nga walang duda,
Ang nag iisang Zachary Falcareal.

Girl friend nya? Sa isip-isip ko.
Maya-maya lang kasi may lumapit dito na babae at yumakap sa leeg nito.

"Parang Unggoy, lumambitin pa, baka nga girlfriend nya." Di ko na naman namalayan na isatinig ko na naman pala.

"Kilala mo ba sila? Bakit parang G na G ka?" Nakatingin na rin pala sa kanila si Mama.

G na G means Gigil na Gigil. Haha

"Hindi Ma, akala ko kakilala ko, Hindi naman pala." Pag sisinungaling ko.

"Ma, tignan mo yung lalaki, gwapo ba?" Tanong ko Kay Mama.
"Oo naman, kung tititigan mo talaga aakalain mo s'yang isang model o kaya artista." Sagot naman nito sa tanong ko.
"Eh yung Babae, ano sa tingin mo? Maganda ba? Parang Hindi sila bagay noh?" Haha, ambisyosang palaka talaga ako. pinangunahan ko na si Mama, Malay mo naman sumang-ayon sa sinabi ko.
"Hmmpf" tumingin uli sa kanila si Mama bago uli nag salita
"Maganda naman yung babae, tapos bagay din naman sila, tignan mo ang cute nilang tignan" nasa kanila pa rin yung tingin ni Mama.
"Whatever." Sagot ko, dahilan para mapabaling ang atensyon ni Mama sa akin.

Binigyan nya ako ng nakakalokong tingin, at kakaibang ngiti.

Haysss ang Mama ko talaga, nag iisip na naman ng kung anu-ano

@ the OFFICE

Last day na pala ngayon ni Sir, matagal-tagal pa bago sya babalik sa trabaho.
Bukas si Zachary na ang bago Kong boss, buti na lang dalawang buwan lang yun.

"Hi sir!" Pag tapos kong kumatok sa pinto ng office ni sir , sumenyas sya sa akin na pumasok.
"Sir, may appointment po kayo ngayong 2:00 ng hapon. Kay Mr. Tan." Sabi ko agad kay sir pag pasok ko.
"Yeah si Mr. Tan, si Zach na lang yung papupuntahin ko bukas, please cancel the appointment, tayo muna ang mag usap, marami akong ibibilin sa'yo." Sabi nito habang may mga ginagawa sa mesa. Some paper works.
"OK po sir." Nag paalam ako saglit para tawagan and secretary ni Mr. Tan na icancel ang meeting, at kung pwedeng bukas na lang.
Hindi naman ako nahirapang kausapin ang secretary Ni Mr. Tan at nagkasundo kami sa araw at oras para sa appointment.

Bumalik na ako agad sa office ni Sir Fred para masimulan na namin ang aming pag uusap.

Ito ang mga ibinilin sa akin si Sir.

1."Cassy, bukas na ang start ni Zach, please Guide him."
2."samahan mo sya sa mga meetings nya, para alalayan. Please Do me a favor"
3."wag kang mag papaapekto sa mga kalokohan ng batang yun. OK?"
4." Wag kang mahuhulog sa kanya, I know my son. Parang anak na rin kita Hindi mo deserve ang mapag laruan, OK ba yun Cass?"

Babaero pala talaga ang kumag na yun.

@ the House

Kanina pa ako nakauwi.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa harap ng cabinet at nag hahanap ng damit.

Damit para saan?
Para bukas? Para sa pag pasok ni Zach?
Bakit ako nag aabala?

Hayy naku itong katawan Kong ito traydor talaga, lumalandi na naman.

Ilang oras din akong namili.

Pak na pak ang napili Kong skirt, talbog lahat sa akin bukas. Haha
Eh bakit ba? Alam ko naman na Hindi lang ako ang nag hahanda noh? Alam ko sila rin.

Ang pagkakaiba ko lang sa kanila, Hindi ako excited, promise Hindi ako excited..

Ang tagal ng oras , gusto ko ng hilain para mag umaga na. Hahahaha

Sabi ko naman sa inyo eh, Hindi ako excited.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let Me Think About ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon