#004 When in Omegle: Guy from QC

26 0 0
                                    

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

You both like UST.

Stranger: 19m, QC.

You: 18 F

Stranger: Hi :)

You: Listen here. Hindi ako nandito para maghanap ng kasparks. Kung iniisip mong mauuto mo 'ko, nagkakamali ka.

Stranger. Woa. Easy ka lang.

You: Eh kasi naman, halos lahat ng nandito, parang walang alam gawin kung 'di makipaglandian. -.-

Stranger: Ay ganon hahaha eh di hindi ka pala makikipaglandian sakin? haha joke lang

You: Mag DC na lang kaya ako? Para matuloy mo yang plano mong makipaglandian. Tutal ganyan naman kayong mga lalaki eh. Naghahanap lang ng landi.

Stranger: Grabe naman si ate. Good boy kaya to :)

You: Wala nang good boy sa panahon ngayon. Kung good boy man, mang uuto lang rin yan.

Stranger: Nakakahurt ka na ah. :(

Stranger: Malay mo, may mga matitino pa.

Stranger: Di mo lang pinapansin kasi laging nag-uusok sa galit yang brain cells mo

You: Eh di wow sorry na.

Stranger: Saan ka nga pala nag aaral?

You: UST

Stranger: Oh? UST din ako eh! :D

You: Ahh k

Stranger: Brrr akala ko 39degrees ngayon. Bat parang naging -6degrees ata

You: Haha

Stranger: Yes naman napatawa ko si ateng masungit hahaha

You: Haha weh :p

Stranger: Anong course mo po, ate?

You: Maka ate naman neto!

Stranger: Anong course mo po, kuya? :D

You: Leche. DC ko na to

Stranger: JOKE LANG PO! Sorna

You: k

Stranger: ano nga course mo?

You: Psych

Stranger: Ahhh, kaya naman pala

You: Bakit?!

Stranger: Wala ._.

You: Ahh k ikaw? ano course mo?

Stranger: Comm arts :D

You: Ahhh okay

Stranger: di mo ba tatanungin kung kamusta ako ngayong araw na to? :D

You: hindi

Stranger: Ah okay :D :(

You: Bakit ka nandito sa omegle?

Stranger: Bakit hindi? :D

You: Napakachildish kasi kung dito ka naghahanap ng sparks. Bakit hindi ka lumabas ng bahay at makipagkilala sa mga totoong tao? Hindi lang yung computer kaharap mo at kung sinu sino lang pala nasa likod neto? Malay mo pala, bakla ako.

Stranger: Bakla ka ba?

You: Hindi

Stranger: Eh yun naman pala eh :D

You: Heh.

Stranger: Shy type kasi ako eh

You: di halata

Stranger: onga. Shy type ako. Dito lang ako nakakakulit

You: Aahhh k

Stranger: cold ulit

You: Init nga eh

Stranger: Nag iinit ka? :o hala pano pa kaya pag nagkita tayo?!

You: LANGYA!!!!!

Stranger: joke lang po ._.

You: Hindi magandang biro. DC ko na to, wala nang kwenta tong pinag uusapan natin

Stranger: Wait! Can I at least get your number?

You: wtf no

You have disconnected.

Crush Kita (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon