#003 Heartbreak Story: Nag Assume. Umasa. Nasaktan.

55 2 0
                                    

Alam mo yung pakiramdam na nag assume ka nang sobra sobra at akala mong mahal ka rin ng mahal mo pero yun pala, hindi, kaya nasaktan ka nang sobra sobra? Kung oo, basahin niyo 'to.

~~~

"Engaged!"

"Enemy!"

"Engaged!"

"Enemy nga kasi eh!" 

Nagtatalo kami ngayon ng kaibigan kong si Maira. Nag FLAMES kasi kami habang wala yung teacher. At ang naging results ng FLAMES ng ex niya at siya ay "E" in which sinabi kong Engaged ang ibig sabihin. Pero kumontra itong si Maira at pinagpipilitan na Enemy talaga yun.

"Engaged." biglang singit naman ng katabi kong si Luis.

"Ohhh! Sabi ko sayo, Engaged eh!" sinabi ko naman kay Maira.

"Eh di Engaged." sabi ni Maira nang walang kalaban-laban.

"Okay lang yan.. Kinilig ka naman eh." sabi ko sa kanya.

"Hindi ren. Manloloko yun eh."

"Parang yung past ko, hindi? Eh manloloko rin yun eh. Ginawa ba naman akong panakip butas?"

"Oo na. Sabihin na lang natin na lahat ng mga lalaki, manloloko" panapos na sinabi ni Maira.

"Hindi lahat, girls." biglang satsat na naman ni Luis na nakatingin ngayon sa akin.

"Excuse me, Mr. Satsat.. Hindi ka namin kausap." sabi ko kay Luis.

"And excuse me rin, Ms. Masungit.. Democratic country ito at may karapatan akong sabihin ang gusto kong sabihin nang walang naghuhusga."

"I don't care." sabi ko naman.

"Sungit.." sinabi ni Luis nang mahina.

"Talaga.." sinabi ko rin bilang pangrinig.

"Gusto mong kumain mamayang uwian?" biglang tanong ni Luis.

"At bakit ho?" tinanong ko naman.

"Nagtanong ako, nagtanong ka rin? Oo lang o hindi! Libre ko!"

"Sige ba! Libre mo pala eh!" sabi ko sa kanya.

"Sige.." sinabi niya habang nakatingin sa akin na nakangiti. Inirapan ko naman siya.

Break Time... 

"Oo! Ganun ang nangyari!" sabi ko bilang emphasis at pagtatapos ng kwento ko.

"So may date ka mamaya?!?!?!" sabay sabay tinanong nina Maira, Jane at Abbie.

"Hindi yun date! Libre daw niya kaya pumayag ako!"

Crush Kita (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon