March 26, 2016.
Mainit. Yung kulang nalang tumira na ako sa fridge -____-
Pasalamat nalang talaga ako at may load yung pocket wifi HAHAHA ipinush ko kasi sila na loadan. Deym. I'm their only brat princess, you know HAHAHA pero actually di ako brat. It's just ginagawa naman nila yung mga bagay na gusto ko kasi pati sila nakikinabang din HAHA
So, scroll scroll lang ulit ako. Ganyan naman kapag single. Kilig kilig sa love story ng iba. Yung tipong sila, kung anu-anong goals kuno. Tapos ikaw SINGLE GOALS parin HAHAHA Pero at least marami naman akong abnormal friends- SYETE family HAHAHA mahal ko sila kahit na magkaka-iba ako. OO. Iba't iba ang katangian namin, kaya kapag kami nagsama-sama, sabog ang daan HAHAHAHA yun yung FRIENDSHIP GOALS ko. Pagdating naman sa bahay, aba syempre! Hindi papatalo ang prinsesa! May dalawa akong knight in shining armor which is yung dalawang kuya ko at ang hari't reyna sa bahay namin na sila Papa and Mama. FAMILY GOALS ko rin yun. Isama ko na rin mga kamag-anak ko. Kapag kami nagsama-sama, ay sobraaaaaaaaaaaaang saya!
Pero hinding hindi mo rin naman maaalis sakin na maging malungkot. Wala kasi akong lovelife. Thug. Iniisip ko nga yung sinasabi ni mama na "Hindi ka naman ka-pangitan kaya mag-ingat ka lagi" HAHAHA pero bakit? Oo. Masasabi ko rin na maganda ako. Mahaba buhok ko, matangos ilong ko, matangkad ako, hindi nga lang kaputian HAHAHA Pero kung maputi daw ako, maganda daw talaga ako. Black beauty kumbaga. Pero bakit wala parin si THE ONE?
Okay okay. Alam kong baka malapit na siyang dumating, or na-traffic lang. Pero bakit ang tagal niyaaa? Ano ba yan HAHAHA
So back to reality. Ayun. Scroll down, scroll down. Facebook. Twitter. Instagram. Tapos balik ulit sa Facebook. Tapos twitter nanaman. Tapos Instagram. Woooh! Ka-banas.
Nang na-bored ako, naisipan ko nalang matulog. Nung makukuha ko na sana tulog ko, bigla naman nambulabog si mama. Naku namaaan! Timing eh! Ang ganda. Grabe -_______-
"Uy, neng. Pauwi daw sila Hapon galing ng Japan!" sabi ni mama. Well si Hapon si Jayr. Half-Japanese kasi kaya Hapon tawag namin. Pupil siya ni mama ng grade 5 bago dalhin sa Japan ng mga magulang niya. ka-close ni mama lolo't lola niya pero hindi maasyadong close sa parents. Matagal na kasi sila sa Japan. Bihirang umuwi sa Pinas.
"Oh tapos?" sagot ko naman.
"Pinapapunta ako ng bahay nila. Eto oh nag-chat."
Tapos pinabasa sakin ni Mama yung chat nung Mama ni Jayr. Ayun nga, uuwi daw sila sa April 2. Ako naman, wala lang HAHAHA excited ako sa chocolates na ibibigay kay mama HAHAHA
X-X-X-X-X-X-X-X-X-X
SKIP TO APRIL 2, 2016
X-X-X-X-X-X-X-X-X-X
So eto na nga yung araw na uuwi sila. Actually wala akong background sa family ni Jayr eh. 12 y/o na siya ngayon at yung kuya at kapatid niyang bunso lang ang kilala ko. So, excited din akong makita yung kuya niya HAHAHA Gwapo kasi yun.
Gabi ng araw na yun, pumunta kami sa bahay nila sa Bonuan. Eh ang nandun lang si Lolo Nestor, Lolo nila Jayr. Medyo trinatrangkaso pa nga eh.
Sabi niya, wala daw dun si Lola Violy (Lola nila Jayr) kasi sinundo daw sa airport pero ngayon daw sila uuwi. Kaya umuwi na kami ng bahay.
Kinabukasan, bumalik nanaman kami. Gabi na ulit kami naka-punta kasi ginawa pa namin reports ni mama sa school nila. Ang nadatnan namin sa bahay nila eh sila Jayr tapos silang magkakapatid. Una kong nakita yung pinsan nila, si Teresa. Tapos may babaeng teenager din. Tapos nakita ko na si Jayr. Tapos Graaaaabeeee! May gwapo akong nasulyapan men! Di ko alam pangalan niya!!! Pero ang alam ko, kuya siya ni Jayr!!! Hindi lumabas si Kuya Vincent so si Jayr nalang ang kinausap ni mama. Kamustahan here, kamustahan there. Pero di parin maalis sa isip ko yung gwapong yun! HAHAHA Maya-maya pumasok siya ng bahay nila. Edi lumabas din ako ng gate ng bahay nila. Tapos nung nakitang kong lumabas nanaman siya ng bahay, pumasok nanaman ako. Nakita kong tumingin siya sakin tapos medyo ngumiti HAHAHAHA Kileeeg be! HAHAHA

BINABASA MO ANG
My Summer Story
No FicciónIt was a little love but not at the wrong time. Maybe someday, if ever our tracks meet again, then maybe that's the perfect time for the two of us. THIS IS THE STORY OF MY SUMMER. NON-FICTIONATED. ALL EVENTS ARE TRUE :)