Painting (Portrait Part 2)
A short story by Toshiro Kouga
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Totoo ba talagang walang lihim na hindi na bubunyag?
Hanggang ngayon malaking tanong parin sakin ang lahat. Pero sabi nang iba, minsan daw may lihim na mas magandang nakatagong lihim nalang habang buhay.
Simple lang ang buhay ko. Mahilig ako sa kulay at iba pang mga bagay na nagagawa nito. Marahil dahil na rin sa pamilya na meron ako.
Nasa third-year high school ako nang una akong maka tangap nang papuri dahil sa mga likha ko. Sabi ni Papa, exceptional daw talaga ang talento nang pamilya. Mula kay Lolo hanggang kay Papa at hanggang sakin.
Hindi ko inaakalang magiging ganoon ka ganda ang gawa ko. Nawalan na ako nang pag asa nang napansin kong wala ang kulay asul na oil paint sa bag ko. Buti nalang, meron ang katabi ko. Nakakatuwa ang pangyayaring yon dahil wala syang dalang paint brush. Mukang sobrang kaba kaya hindi sya masyadong nakapag handa. Nataon namang may dala akong extra kaya naman napahiram ko sya. Masarap syang kausap at para sa isang lalake, napaka sensitibo nya. Kahit nagkukwentuhan kami e nagagawa ko paring mag pinta. Nakakatuwa dahil napapatawa nya ko. Sa simpleng ngiti nya lang, parang safe na safe ako sa kinauupuan ko. Napansin ko rin ang galing nya sa pag sketch nang gumawa muna sya nang outline sa canvas. Nakakatuwa syang pagmasdan dahil siguro sa nginig nang kamay nya.
Hindi ko namalayan ang oras simula nung nagsimula ang kompitisyon. Kahit maraming tao ang nanonood samin e parang kaming dalawa lang ang may karapatang mag usap. Natapos ang kompitisyon nang nakangiti kaming pareho.
Hindi ko inaasahang ako ang mapipili sa uneng pwesto. Siguro dahil sa gana ko nuong araw na yun. Naging pang lima ang gawa nang lalaking katabi ko. Maganda ang gawa nya kahit medjo lumayo sa tema pero ikinatuwa ko nang nakita kong naka ngiti parin sya. Pag baba ko nang stage e lumapit kaagad sya sakin para sabihing congratulations. Napangiti nanaman nya ako pero hindi na ko nagkaroon nang pagkakataon para makausap ulit sya dahil sa biglaan nyang pag alis. Mula noong araw na yon, hindi na ako tumigil sa pagtatanong nang tungkol sakanya. Medjo nakakahiya man sa parte ko dahil isa akong babae pero hindi ko makakalimutan ang pakiramdam ko nuong araw na yon.
At umaasa akong magkakaroon kami nang pagkakataong mag usap ulit.
Lumipas ang taon at marami akong nalaman tungkol sakanya. Pasimple akong nag tatanong sa mga kaibigan nya. Hindi ko lubos akalaing hindi kami magkakaroon nang pagkakataon na mag usap hangang sa graduation ball. Nakakapag taka dahil nasa iisang campus lang kami. Siguro, dahil sa malaki ang eskwelahan.
Noong gabing yon, akala ko makakapag usap na kami. Kung hindi dahil sa clasmate ko na lasing at naka tabig sa bowl nang fruit salad e hindi sana magkakaroon nang gulo. Napansin ko pa noon na natapunan din sya. Gusto ko sana syang lapitan kaso parang umiinit ang ulo nya sa nangyari kaya't nag pasya na akong wag nalang.
Lumipas ang bakasyon at nalaman ko sa kaibigan nya kung saan sya mag aaral. Nataon din naman na available din ang kursong fine arts sa eskwelahang papasukan nya kaya't nag pasya na rin akong doon mag enrol.
Minsan mapag biro ang tadhana. Nang minsang nailaglag ko ang I.D ko e siya pa ang naka pulot. Hindi ko alam ang sasabihin ko nang makaharap ko sya. Parang huminto nang sandali ang oras. Tumingkad ang kulay nang bawat bagay sa paligid. At sa pagkakatong yon, hindi ko akalain na maduduwag ako at bigla nalang aalis matapos magpasalamat.
Nung gabing yon, nag disisyon ako na ititigil ko na ang kahibangan ko at kalimutan nalang ang lahat. Siguro dahil sa naramdaman kong takot nang makaharap ko sya. At siguro, hindi ko na kayang maramdaman ulit ang takot nang rejection.
Lunes, nang maramdaman ko ang pinaka malaking pagtataka sa buhay ko. May sketch portrait sa upuan ko sa unang klase ko nang umaga. Napangiti ako dahil muka ko ang naka guhit sa larawan. Tumingin ako sa paligid pero wala akong makitang kahit sino. Siguro, dahil maaga pa at laging maaga ako nang thirty minutes bago mag simula ang klase.
Hindi lang yun ang huling beses na nakatanggap ako nang portrait sketch. Nasundan pa ito nang nasundan. At sa tuwing makakatanggap ako nang larawan e para bang umaangat ang pagkatao ko, gumaganda ang araw ko at para bang may nagsasabi saakin na hindi ako nag iisa. Mula kasi nang mamatay si Papa, e para bang nag iisa nalang ako. Sobrang busy si Mama sa opisina at wala naman akong kapatid.
Pangalawang sem ko na sa kolehiyo nang ipakilala sakin nang pinsan ko na si Trishia si Raymond. High-school classmate sya nang pinsan ko at kasalukuyan silang nasa Architecture department. Magaling gumuhit si Raymond at siguro dahil sa titig nya sakin, minsan iniisip ko na sya ang secret admirer ko.
Ilang araw pa ang lumipas nang ipakilala nila ako sa isa pa nilang kaibigan. Hindi ko alam kung anong gustong palabasin nang pangyayari pero bakit sya pa? Kinakalimutan ko na sya at ayoko nang maramdaman ulit ang mga bagay bagay na naramdaman ko dati. Pero sa pagkakataong yon, nakita ko ulit ang tingkad nang kulay nang paligid, ang pansamantalang pag tigil nang oras, at ang takot.
Lunes, unang klase ko sa umaga nang maabutan ko si Raymond sa loob nang klase ko na may hawak na painting. Parang binuhusan ako nang malamig na tubig nang makita ko ang pirma sa painting na katulad nang pirma sa sketch. Naramdaman ko ang pakiramdam na parang iniligtas sa pagkakahulog sa bangin. Sa wakas, nakita ko na sya. Hindi na ako nag iisa. Nasa tabi ko na sya at yakap ko. May kasama na ko.
At yun ang akala ko.......
Lumipas ang ilang buwan. Masaya kami ni Raymond pero minsan iba ang pakiramdam ko. Para bang may mali sa lahat nang nangyayari at nalaman ko ito nang pumirma sya sa isang sketch na ginawa nya para sakin.
Hindi ko alam kung anong ang dapat kong maramdaman nang mga oras na yon. Parang tuluyan na kong nalaglag sa bangin at napunta sa kawalan. Nagkamali ako at hindi ko lubos maisip na binulag ako nang pagnanasang magkaroon nang makakaramay.
Naghiwalay kami ni Raymond at nag pasya akong lumipat nang eskwelahan. Parehong kurso parin ang kinuha ko at tinapos ko ito nang walang pagaalinlangan. Maraming nangyari sa buhay ko pero alam kong nangyayari ito para mas lalo akong maging matatag. Hindi na ko nakakatangap nang sketch na ginawa para lang sakin. Lumipad na lahat nang ala-ala pero hindi ko parin makakalimutan ang mga bagay bagay na minsang nagpa ngiti sakin at nag bigay nang pag asa....
Isang tanong parin ang naiwan sakin at patuloy na gumugulo sa isip ko...
Nasan na kaya sya?....