Chapter 1 : Slap of Reality
What's going on?
Umiikot ang paningin ko kahit nakahiga ako, at sobrang sakit din ng ulo ko. Gusto kong bumangon at pumunta sa toilet kasi nasusuka ako but I can't get up. Napapikit ako ng mariin dahil nanlalabo ang paningin ko. When I opened my eyes, I realized I was lying on the floor.
Ang dark colored na carpet ko ang sumalubong sa mata ko pagmulat ko nito. I shifted my head as my gaze roamed around the room. Nagkalat ang mga bote ng alak sa sahig and my room's a mess.
What happened?
I tried to get up, kahit hinang hina ako dahil sa pananakit ng ulo. Agad akong napahawak sa noo ko ng maramdaman ko ang pulso ko sa right temple ko. Napasobra na naman ako ng inom kagabi.
Napabuntung hininga ako habang sinusubukan kong tumayo. I managed to stand up without getting myself slumped back on the floor. Pagewang-gewang akong naglakad papunta sa banyo at mabilis na naglock.
Humarap ako sa toilet bowl at inalabas lahat hanggang sa nahirapan na akong huminga.
Tumayo ako at humarap sa salamin, agad na nanlabo ang mata ko habang pinagmamasdan ang itsura ko.
I'm still wearing the same clothes that I wore yesterday. Alam kong mukha akong basurang tignan kahit di ako manalamin. Nagkalat ang mascara sa mukha ko, at mukha rin akong di kumakain dahil sa laki ng ipinayat ko.
Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko. Don't, please.. I don't want to cry. Please
Agad kong pinalis ang luha bago pa man ito kumawala sa mata ko. Agad akong naghilamos at nagsipilyo. Pero wala pa rin akong ganang lumabas, kahit maligo at magpalit.
Bumalik ako sa kama at nahiga. I just stared at my ceiling, trying to contemplate if I should live today or not. Napakagat ako ng labi ng maramdaman kong maiiyak na naman ako.
Simula nang mangyari yun, naging ganito ako. Nawalan ng interes mabuhay, nawalan ng purpose.
I used to be a girl who does everything to make her dreams come true.
To be successful, to repay my parents for raising me, get married to the man i love, build a family of my own, and to have my own version of happily ever after.
But in a blink of an eye, my dreams were all taken away from me.
Nawalan ng gana mag-aral, tumigil at walang ibang ginawa kundi magmukmok.
Will i ever achieve anything if i don't want any of it anymore? It hurts so bad, the pain's trapped inside me and it won't let me go.
Magkakaron pa ba ko ng pagkakataon na magkaroon ng sarili kong pamilya? I don't think so, the man I wanted to marry has left me without saying goodbye.
How about my happily ever after? Will I get it if i die right now?
Tumitig ako sa lapag at nakita ang basag na bote sa di kalayuan. Unconsciously, i got up and reached for the broken glass. At walang pagdadalawang isip kong hiniwa ang kaliwang pulso ko.
Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pagtulo ng dugo galing sa sugat na ginawa ko. Big enough for me to die after an hour or two?
Nahiga ako ulit at ipinatong ang dumudugo kong kamay sa unan. I closed my eyes while remembering my memories with Ash.
BINABASA MO ANG
Mindy : Forgetting You
Teen FictionSa isang iglap, nawala ang lahat kay Mindy nang mamatay ang boyfriend niyang si Ash sa isang aksidente. Naglahong parang bula ang mga pangarap niya, nawalan ng ganang mabuhay at hindi alam kung pano ipagpapatuloy ang lahat. Magawa niya kayang kalim...