Chapter 2

30 1 0
                                    


"Mindy! Saglit nakalimutan mo to!" si ate sabay abot ng isang lagyanan ng bagong undies sakin. Hindi naman ako dun titira para padalhan niya ako ng ganito karami. Napairap ako sa kawalan.


"Ate naman. One week lang kami dun. Hindi ako lilipat ng bahay para padalhan ng ganyan karami."


"Oo pero kahit na. Malay mo magkaron ng emergency, pano pag bigla kayong naextend? Diba?"


"Okay ate sige na. Dadalhin ko na." pagsuko ko, inilagay ko na ang bigay niya sa loob ng travel bag ko. They insisted na magdala ng maleta, pero grabe naman. Hindi naman ako lilipat sa Baler.


"Sure ka na ba sa pagpunta mo dun? Wala na talagang atrasan Minds?" nag-aalalang tanong ni ate na nakaupo na sa dulo ng kama ko.

Humugot ako ng hininga at humarap sakanya.


"Oo ate. Naisip ko na, siguro kailangan kong pumunta dun para makawala na rin ako sa nakaraan." tipid siyang ngumiti.

Apat na araw ang pahinga namin sa Gabay, at sa apat na araw na yun ginugol ko halos lahat ng oras na gising ako sa pag-iisip kung sasama ba ako o hindi.

Biglang pumasok sa isip ko, yun ang huling lugar na pinuntahan ni Ash. Gusto ko rin yung mapuntahan, gusto kong malaman kung anong meron saa lugar na yun at yun ang napili niyang lugar para magpropose.

Mahirap dahil magbabalik ang mga alaala niya sakin. Pero sa tingin ko okay lang yun, alaala na lang ni Ash ang tanging meron ako.

Mapait na lugar ang Baler, dun siya namatay at tuluyang nawala samin. Pero hindi mawala sa isip ko na, gusto ko ring makapunta sa lugar kung san siya nawala.

Baka sakaling, dun ko mahanap ang ibang piraso ng puso ko na nawala rin simula ng pagkamatay ni Ash.


"Siguro nga, kailangan mong pumunta dun." pagsang-ayon ni ate. Tinanguan ko siya at bumalik muli sa pagiimpake.


"Mindy! Dinalhan kita ng mga t-shirt. May mga di pa ako nagagamit dito." pumasok bigla si kuya sa kwarto ko sabay abot sakin ng isang tambak na shirt na halos tumakip na sa mukha niya.

Sumimangot ako. Narinig ko ang paghagikhik ni ate.


"Kuya. Isang linggo nga lang ako dun." bahagya siyang nakatingala habang nakatingin sakin. Nahaharangan kasi ng damit.


"Pero, madalas kang kumuha ng mga shirt ko ng walang paalam kaya naisipan kong baka gusto mong humiram." hindi ko makita ang bibig niya pero sigurado akong nakanguso na naman siya.


"Oo nga pero saka na lang pagbalik ko kuya, mabilis lang naman ako dun. Seven days lang." i tried to sound cheery but failed, lumungkot kasi ang mukha niya.


"Wala si kuya dun para i-hug ka pag sad ka baby Minds. Dala ka na para pag suot mo para ka na ring hug ni kuya." napairap ako, now he's baby talking me again.

Lumapit ako para yumakap, with a whole pile of clothes between us. Para tuloy kaming ewan na nagyayakapan sa gitna ng mga damit.


"Okay sige, hiram ako ng dalawa."


"Tatlo na para may I love you ka galing kay kuya." ipinatong niya ang tatlong shirt sa kamay ko at nakangiti akong tinignan pagkatapos. Napailing ako ng ulo.

Mindy  : Forgetting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon