Alam niyo ba yung feeling na sobrang hiyang-hiya ka sa isang tao na parang gusto mong pumutok bigla na parang bula pero di mo magawa kasi, duh? Imposible naman.
Ngayon, wala akong choice kundi pakisamahan ang boss ko kahit sobra akong nahihiya sakanya. Kinarga niya ako kanina, imagine ah. Marami namang tanod dun na pwedeng mapakiusapan e, bat ba kailangan siya pa kumarga sakin?
Hindi tuloy ako tinitigilan ni Hazel at Gab. Buti na lang yung iba nakukuha sa tingin.
"Natatandaan ko pa yung sinabi niya sayo kanina. Oh my gosh! Mindy, hindi ka tao pag di ka kinilig dun!" panay ang sunod niya sakin dito sa loob ng tent na tinayo para samin.
Medyo madilim pa kaya mahirap gumalaw, wala kasing kuryente dito sa sitio kaya sa isang linggo magtyatyaga muna kami sa mga gasera at kandila. Buti na lang kahit walang aircon o electric fan makakasurvive kami kasi sobrang presko sa sitio.
I'm trying to keep myself busy, inayos ko ang mga damit at iba kong gamit pero hindi pa rin siya natitigil.
"Feeling ko nga halaman ako Haze." inirapan ko siya habang inaayos bag ko.
"What? Are you okay? Ang pogi kaya ni sir, di ka man lang ba nakafeel ng spark dun?"
"Kung ang spark na tinutukoy mo eh yung spark na parang gusto kong masunog ng buhay dahil sa sobrang kahihiyan. Oo sa tingin ko naka-feel ako nun." sarkastiko kong sabi.
Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng gamit ng mapansin ko ang mga padala sakin nina mama. Hindi ko na nacheck kanina dahil sa kamamadali.
Isang bote ng strawberry shampoo ko.
Dishwashing liquid?
Isang pack ng napkin? Right. Thanks mom, nawala talaga sa isip ko to.
Thumbtacks? What on earth?! San ko naman to gagamitin?
Alcohol. Okay, marami na kami nito.
Katol. Okay magagamit namin to at malamok.
Picture ni Kuya na laminated, at may nakalagay sa likod na "Just in case mamiss mo si kuya" Napairap ako sa kawalan, seriously?
"Grabe! Ang sweet naman ng family mo." tinignan ko si Hazel na ngayo'y nakahiga na sa folding bed. Lima kami dito sa tent, lahat kami babae habang nasa kabilang tent naman ang pitong lalaki.
May sariling tent naman si Zayn at Valeen kaya nakahiwalay sila samin. Napabuntung-hininga ako, sila na may lovelife. Kainis, edi ako na bitter.
"Yes. Ang sweet talaga, pinadalhan pa nila ako ng katol." agad naman siyang natawa nang makita niya ang hawak kong katol na Baygon, lavander scent.
BINABASA MO ANG
Mindy : Forgetting You
Teen FictionSa isang iglap, nawala ang lahat kay Mindy nang mamatay ang boyfriend niyang si Ash sa isang aksidente. Naglahong parang bula ang mga pangarap niya, nawalan ng ganang mabuhay at hindi alam kung pano ipagpapatuloy ang lahat. Magawa niya kayang kalim...