"Describe your Ideal Man." Mahinang pagkakasabi ni Samantha.
Nandito kami ni Samantha sa Library, kasi 1 hour pa naman vacant namin. Imbis na pagbabasa ng libro ang dapat ginagawa namin dito ay pagsasagot sa Slam book ni Samantha ang pinagkakaabalahan namin. Book din naman ito, kaya keribels lang.
Hello, I am Zoe Maxene Padilla, 4th year high school na ako, pero hanggang ngayon NBSB pa rin ako. Pero may mahal ako, si Kian Zeyk Bernardo ka batchmate ko. Sya ang naging inspirasyon ko sa mga awards na nakukuha ko. Mahal na mahal ko sy-----
"Hoy Bes! Kinakausap mo na naman sarili mo. Sagutin mo na yung tanong ko!" Kahit inis na inis na sya hindi nya magawang sumigaw, baka kasi palayasin kami dito ng librarian.
"Bes sandali lang iniisip ko nga sagot dun sa tanong mo, baka nga sa sobrang dami ng sagot ko hindi na magkasya dyan sa slam book mo." Natatawa kong sabi sa kanya habang uma-acting na nagiisip.
"Bes, gusto ko sa isang lalaki yung mabait, may takot sa diyos, mapagmahal sa pamilya, gwapo, may sense of humor, yung katulad ng isang Kian Zeyk Bernardo, yung perfect!" Kinikilig talaga ako pag naiisip ko na naman si Zeyk. Grabe lahat na ng gusto ko sa isang lalaki na sa kanya na. Ako na lang kulang sa buhay nya! Ang korni ko no?
"Lagi ka na lang Zeyk, i love you Zeyk, akin lang si Zeyk! Naku bes! Wala atang araw na hindi mo mababanggit yung pangalan ni Zeyk."
Kahit kailan talaga napaka bitter ni Samantha. Kakatapos lang kasi makipagbreak sa Ex nyang malandi ee! Umiinit nga dugo ko dyan, pag naaalala ko kung paano nya sinaktan bestfriend ko!
"Bes ang gusto ko talaga sa mga lalaki yung loyal, sanay tumupad sa mga pangako, yung HINDI TAYO IIWAN AT HINDI TAYO IPAGPAPALIT SA SUGPO!"
Napatakip agad ako ng bibig, kasi parang napalakas ata boses ko."TAMA!" pagsangayon ni Samantha na nagulat din sa sinabi nya.
Napatingin kami sa paligid at lahat ng atensyon ng mga estudyante na kanina ay busy sa pagbabasa ay napunta sa amin. Pati ang librarian namin ay pinanlakihan kami ng mata sa ginawa namin. Habang nililibot ko ang mga mata ko sa mga estudyante ay napako ang paningin ko sa isang lalaking nakatingin din sa amin. Naistorbo ata namin sya sa pagbabasa ng book about photography.
"Ok lang ba kayo Zoe?" Tanong nya sa akin na nangingiti.
Sya si Kian Zeyk Bernardo yung mahal na mahal ko. Ang gwapo nya talaga. Matalino din sya. President sya ng Photography Class namin. Kapag pumapasok sya sa school hindi mawawala ang camera nya, lagi syang may dalang camera kahit saan man sya pumunta. Dahil sa mga achievements nya, kilalang kilala sya sa buong campus.
"Samantha mamamatay na ata ako, ay este tara na pala. Uy bilisan mo." Hinihitak ko na sya palabas.
"Ms. Cheng pasensya na po, hindi na po mauulit. Aalis na po kami." Sabi ni Samantha sa librarian namin habang hinihitak ko sya palabas.
"Aray! Baka makalas na kamay ko sa pag hawak mo. Wait baka madapa naman tayo Bes! Uy Zoe Maxene madulas yung tiles."
Napakadaldal naman kasi ni Samantha, nakakahiya kaya sa kanila yung ginawa namin, mas lalong nakakahiya kay Papa Zeyk!
"Hayyy s--sa wa--kas nakalabas din tayo. Grabe nakaka--hiya Bes!" Mawawalan na ako ng hininga sa sobrang bilis namin tumakbo. Ay! ako lang ata yung tumakbo, parang nakaladkad ko na palabas si Samantha.
"Aaa--ray Bes, pa--patayin mo ba ako muntikan ng masubsob yung maganda kong mukha, wala kang maipapampalit dito alam mo yan! Sakit ng buong katawan ko!"