Pictures On The Wall (Part 3)

23 1 0
                                        


"Zoe Maxene! Zia Lexene! Tigilan nyo muna pagko-computer at pagse-cellphone dyan, nakahanda na ang breakfast at nagbake ako ng favorite nyong chocolate cake"  Sa wakas natapos na ding magluto si Mama! Saturday ngayon kaya eto mga hawak namin ni Lexene mga gadgets. Baka sabihin nyo tamad ako, nagkakamali kayo kasi tuwing wala kaming pasok ako nakaduty sa mga gawaing bahay. Bago ako magpasarap buhay dito, nagawa ko na kaninang maaga pa ang mga gawain ko. Kaya eto gutom na.

-HABANG KUMAKAIN

"Mama ang sarap po talaga ng luto nyo saka po yung favorite ko na cake ang sarap" sabi ni Lexene kay Mama na abot tenga na ang ngiti.

"Naku ang baby Lexene ko parang may gustong hilingin o ipabili sa akin. Ano kaya yun?" Natatawang sabi ni Mama, kilala na kasi nya si Lexene pag may gustong hilingin o ipabili kay Mama lagi nyang binobola o kaya nilalambing.

"Naku Mama! Meron yang gustong ipabili" Walang magagawa bunso ee, pag humiling yan hindi makakatanggi sila Mama at Papa.

"Mali ka Ate! Hindi kaya ako magpapabili. Mama pwede po bang magbake ulit kayo ng chocolate cake? Gusto ko po kasing bigyan yung bestfriend ko na si Kiana. Wala naman pong pasok ngayon saka diba po pinapapunta niya ako sa kanila kasi maglalaro daw kami."

"Ay oo nga pala,tumawag Mommy ni Kiana sa akin kanina. Pero baby Lexene si Ate mo na lang ang maghahatid sayo dun ha! May client kasi ako ngayong umaga na kakausapin. Pero makakapag bake pa naman ako ng cake para sa inyo ni Kiana."

"Ehem!!! Mama hin--di po kas--i pwede ahhmmm ma--sakit po kasi yung puson ko ngayon, opo tama masakit po yung puson ko magkakaroon po ata ako ngayon kaya kayo na lang po Mama."  Nakakainis hindi ko alam kung ano ipapalusot ko kila Mama! Syempre nakakahiya yun, saka masakit pa gusto ko muna makapag move-on. Alam ko wala naman akong papel sa buhay nya, hindi naman nya ako girlfriend pero walang magagawa first love ko sya kaya ganto na lang ako masaktan, hindi ko lang pinapakita sa kanila.

"Ay ganun ba magpahinga ka na, mamaya mo na ayusin ang pinagkainan natin pag medyo nawala sakit ng puson mo. Papahatid ko na lang sya kay Manong Rudy yung tricycle driver na nagse-service kay Lexie pag pumapasok sa school." Nagaalala na sabi ni Mama.

Pictures ON The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon