"Ate! Ate! Gumising ka na please. Nakakainis naman ee! Uy Ate yung boyfriend mo nasa baba kaya! Uy Ate." Nagising ako sa bunganga ni Lexene, na hanggang ngayon nasa ibabaw ko sya.
Kapag maaga kasing nagigising si Lexene, pinapagising ako ni Mama sa kanya. Para magising ako, aakyat yan sa kama ko, tapos dadaganan ako.
"Lexene naman, napaka aga pa 6:20 am pa lang 8:00 am pa pasok ko" Inaantok pa talaga ako, hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyari kagabi buti na lang 8 am pa pasok ko.
"Ate naman, yung boyfriend mo nga nasa baba hinihintay ka." Naiinis na sya sa akin.
"Sinong boyfriend? Wala pa ako nun san mo naman nalaman yung salita na yan?" Naguguluhang tanong ko.
"Sa classmate ko. Si kuya Kian nasa baba, yung kapatid ng bestfriend kong si Kiana. Yung pogi!"
Nako naman itong kapatid ko, may pagkamalandi! Manang mana sa Ate."OMG! Bat ngayon mo lang sinabi? Dapat sinabi mo na sya pala yung nasa baba!"
Nagmadali akong pumunta sa CR, para makaligo, at makapag ayos.
"Ate pahiram ako ng laptop mo ha? Tawagan ko lang si Papa sa skype, may sasabihin lang ako."
Sigaw nya kasi nasa loob na ako ng CR."Sige! Kunin mo lang dyan sa cabinet ni Ate" sigaw ko din.
------
Tapos na ako sa lahat, papunta na ako sa baba ng marinig ko si Lexene.
"Papa, alam mo ba may Boyfriend na si Ate, secret lang natin yun ha!"
Secret lang daw pero narinig ko."Lexene, anong boyfriend? Papa wag po kayong maniwala dyan kay Lexene"
"Ate diba yung boyfriend, lalaki na kaibigan? Diba boyfriend mo si kuya Kian?" Naguguluhan na si Lexene.
"Ay, Oo boyfriend ko nga sya. Sige Papa baba na ako. Ingat ka dyan sa Dubai ha! I love you Pa." Para matapos na, madami na namang itatanong si Lexene sa akin tungkol sa mga ganun.
"Sige, Ingat anak love you. Ingat kayo ng boyfriend mo." Natatawang sabi ni Papa.
Bumaba na agad ako at hindi nga ako nagkamali si Zeyk nga nasa baba. Kinakausap sya ni Mama.
"Uy Zeyk! Bakit ang aga mo naman? Hindi ko naman alam na pupunta ka pa dito sa amin. Kala ko sa school na tayo magkikita. Nakakahiya tuloy pinaghintay pa kita."
![](https://img.wattpad.com/cover/70357064-288-k895430.jpg)