Chapter 3

9 0 0
                                    

"Kateeeeeeee! Bangon naaa! Tanghali naaaaaaaaa!!!" Sigaw ni Alice kaya agad naman akong napabangon.




"Alice naman nakakagulat ka! Dinaig mo pa yung tunog ng ambulansya. Tsaka sabado ngayon no! Ok lang tanghaliin." Bumalik ulit ako sa pagkakahiga. Tinakip ko yung unan sa tenga ko.




"Hindi pwede! May kwekwento ka pa sakin." Tumawa pa siya ng mahina.

"Ano namang kwekwento ko sayo?" Nanlalatang sabi ko.

"Si Ithan? Kagabi? San kayo galing?" Tanong niya at kahit hindi ko siya nakikita, nakikita ko ang malawak na ngiti niya.



"Wala!" Bumangon ako at umupo sa tabi niya.


"Huuuu? Patingin nga ng wala?" Hinawakan pa niya yung muka ko at iniharap sa kanya.

"Ikaw kasi! Ang tagal tagal mo umuwi. Nagutom tuloy ako kaya lumabas ako at ayon nakita ko siya." Humiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot. Baka kasi magalit sakin si Alice kasi may crush siya kay Ithan.


"Tapos? Ano nangyari? Hinila niya yung kumot. "Bakit ka ba nagtatago diyan? Para kang ewan."

"Nahihiya kasi ako sayo. Baka kasi magalit ka sakin." Kinurot kurot ko nanaman yung daliri ko.

"Wow Kate! Wow talaga! Sakin ka pa nahiya ah? At bakit naman ako magagalit sayo aber?" Tumawa siya ng tumawa na parang wala ng bukas.


"Tumigil ka nga! Syempre may gusto ka kay Ithan tapos-" napatigil ako sa sinasabi ko dahil bigla kong naisip na pano niya nalaman na kasama ko si Ithan kagabi, siya naman tawa pa din ng tawa. "Pano mo pala nalaman na kasama ko siya kagabi?" Nagtatakang tanong ko at inilapit ko ang muka ko sa kanya.

"Ano ka ba! Pagpapalit ko ba yung friendship natin kesa kay Ithan?" Tawa pa din siya ng tawa. Nabaliw na yata?

"Nakaka-touch ka namaaaan!" Inipit ko yung buhok niya sa tenga niya para...




"PERO HINDI MO PA SINASAGOT YUNG TANONG KO!!!" Sigaw ko sa tenga niya. Siya naman gulat na gulat ayon tumigil sa pagtawa. Ako naman yung tawa ng tawa kasi naman ang gara ng itsura niya.




"Nakakainis ka talaga!" Nakakunot pa din yung muka niya.



"Ano sasagutin mo na ba yung tanong ko?" Nakapamewang na tanong ko.




"Kasi hinintay kita umuwi tapos nakita ko sa bintana na kausap mo si Ithan may inabot pa nga sayo eh." Yung simangot niya napalitan ng muka na akala mo eh may ginawa kami ni Ithan.




"Ano bang muka yan? Wag kang ano ha! Ay wait lang! Bakit pagdating ko tulog na tulog ka na?" Tinaas ko yung isang kilay ko.



"Syempre kunwari tulog ako!" Tumawa nanaman siya na akala mo eh wala nanamang bukas.



"Ikaw talaga ang sarap mong sapakin." At kunwaring inakma ko yung kamay ko sa kanya. Bigla naman siyang napaatras. Akala namang itutuloy ko hahaha!


"Oy waaag! O siya sige na maliligo na ko at may practice pa pala kami." Tumayo na siya at pumuntang c.r.


Solo ko na yung dorm, umalis na kasi si Alice kaya agad agad kong kinuha yung c.d na bigay ni Ithan. Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung bakit meron siya nito.


Pagkalagay ko ng c.d tumunog agad yung intro. Pinakilala isa isa yung bida, at pinakita din ang Fraia, ang kingdom of fairies.

Sa pagkakalam ko ang salitang Fraia sinunod doon sa pangalan ng bida. Si Francine, siya yung teenager na mahilig sa anime at sa kakapangarap niya na sana makapunta siya sa Fraia, ayon nakapasok siya sa mundo ng anime.




"Haaay! Sana katulad ako ni Francine. Gusto ko rin pumasok sa anime world." Sabi ko sa sarili ko habang nanonood at yakap yakap yung unan.



Mayamaya lang may biglang kung ano ang sumabog at biglang lumiwanag sa paligid ko.



------
Author's note:

Bitin ba? :D Ano kayang mangyayari kay Kate?? Hmmm! Abangan ang susunod na chapter :) Thank you ulit :))))

-heynaja

Fraia (Kingdom of Fairies)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon