Chapter 4

13 0 0
                                    

"Prinsesa Francine??" Narinig kong sabi ng isang babae. Maliit lang yung boses kaya napadilat ako. Pero wala naman akong makita na tao sa paligid.


"Sinong nandiyan?" Sambit ko.



Nakakapanibago yung lugar. As in iba talaga. Nakakabighani yung lugar parang yung Fraia, yung pinapanood ko sa anime.


Narinig ko nanaman yung maliit na tinig. "Prinsesa Francine nandito po ko sa may bulaklak na kulay pula." Agad ko naman na hinanap at nakita ko naman agad.


Laking gulat ko ng makita ko na yung nagsasalita ay isang babae na maliit na may pakpak. Parang paro-paro na tao. First time ko makakita non kaya napatili ako. "Ahhhhhhhhhhhhhhh!!! Halimaaaw!" Sigaw ko at narinig ko pa na tinawag nanaman niya akong Prinsesa Francine???



The next thing I know andito ako ngayon sa isang kwarto. Infairness maganda, color pink at green, tapos may mga bulaklak tapos nakita ko nanaman yung taong paro-paro. Whaaaaat??? Nanlaki nanaman yung mata ko at nagtatakbo ako palabas pero bigo ako dahil hindi ko makita ang pinto palabas.



"Wag kang lalapit sakin! Wag ka lalapit! Paglumapit ka susunugin ko yang pakpak mo. O kaya ibabalik kita sa pagiging uod!" Pagbabanta ko dito.



Tumawa lang siya. Ang cute, oo ang cute niya tumawa kaya medyo nawala yung takot ko.



"Prinsesa Francine ayos lang po ba kayo? May sakit po ba kayo?" Sabi nito habang tumatawa at nakatakip pa sa bibig niya.



Nakakapagtaka. Ako? Prinsesa Francine? "Wait! I'm not Francine. I'm Kate, Kate Villaflor!" Whole name na para wala ng next question pa. Pero mali ako.



"Sino pong Kate, prinsesa?" Nagtataka niyang tanong at lumipad papalapit sa muka ko.



Bigla akong napaisip. Prinsesa Francine? Tapos yung lugar parang Fraia at kung hindi ako nagkakamali ang kausap ko ay isang fairy. May iba dito, may iba. Napasoj ba ko sa loob ng c.d?



"Sandali nga anong lugar 'to?" Tinanong ko na ito ng makasiguro.




"Masyado na kayong nagpapatawa prinsesa." Umikot-ikot naman ito habang lumilipad. Parang peg ko din lumipad. "We are in Fraia, remember?"



Nagulat ako ng mag-english Ito. That was jaw dropping! Sabi kasi don sa nabasa kong manga isang language lang ang ginagamit nila mga fairy.




Bigla siyang nagsalita ng mapansin na tulala ako. "Prinsesa hindi niyo rin po ba natatandaan ang ginawa niyong spell sakin? Kayo po ang dahilan kung bakit dalawang language ang alam ko."



"Hindi, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam." Sabi ko at maiyak iyak na ako. Gusto ko ng bumalik sa Earth. Ok maganda nga dito pero nakakapanibago, wala si Alice, wala yung family ko pati yung iba kong mga kaibigan.



Fraia (Kingdom of Fairies)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon