Napikot mo ang PUSO ko.

675 1 3
                                    

BE CAREFUL WHO YOU FALL INLOVE WITH,BECAUSE SOMEONE SOMEWHERE WONT APPROVE.

Just remember that there is no perfect relationship.,You just have go through the motion.

When LOVE strikes you,by hook or by crook you will do such stupid things just to get HIM :))

------

Lahat tayo mararanasan,naranasan ang magmahal at masaktan.Ngunit sa kabila nito patuloy pa rin tayong umaasa na sa kabila ng sakit at hirap na idinulot nila,matututunan at matututunan din nila tayong mahalin sa paraang tulad ng wagas na pagmamahal na iniuukol natin sa kanila.

Iniaalay ko po itong aking Akda sa mga taong TUNAY NA NAGMAMAHAL.Lagi po natin tatandaan 

WHEN IT COMES TO BEING HAPPY,THERE IS NO RIGHT OR WRONG THING.ITS JUST A BATTLE BETWEEN YOUR HAPPINESS AND THEIR JUDGEMENT.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Madaling naidaos ang kasal nila Coleen at Cyrus sa Basilica of the Santo Niño.Simpleng kasalan lang sana ang nais ni Cyrus sapagkat labag sa kalooban niya ang pagpapakasal kay Coleen,Napilitan lang siyang magpakasal dito dahil dapat ay PANAGUTAN raw niya KUNO ito or else ipapakulong siya ng mayamang angkan nito.In short,NAPIKOT lamang siya.

Nakilala niya ito sa eskwelahang pinapasukan ng kanyang nakakabatang kapatid,Naging magkaibigan sila hanggang sa mahulog ang loob sa kanya ni Coleen na humantong sa ni sa hinagap ay di niya naisip na magagawa ni Coleen ang bagay na iyon.

Pagkatapos ng kasal,Nagtuloy sila sa Baguio.sa  South Drive Manor Baguio Hotel kung saan gaganapin ang kanilang Honeymoon.Pagdating nila roon,pabagsak na inilagay ni Cyrus ang maleta.Sabay sabing :

'O ano?Masaya ka na?Nakuha mo na ang gusto mo!

'Cyrus,Im really sorry.Nagawa ko lang naman ito dahil sa pagmamahal ko sayo.

'Ayun.E di inamin mo rin na gawa gawa mo ang lahat?!Pinaniwala mo sila na may nangyari nga sa atin ng araw na nilasing mo ko! Sinira mo ang buhay ko!Pati ang kaisa isang babae na minamahal ko'y nasaktan ng dahil sa kasakiman mo!

Hindi ko intensyon na saktan ka.Ginawan kita ng pabor!Niloloko ka ni Mira!May ibang kasintahan siya maliban sayo!Manloloko ang babaeng yon!

'Shut up Coleen!Kung meron man manloloko sa inyo,Walang iba yon kundi Ikaw!Huwag na wag mong sisiraan ang si Mira.Ito ang gusto mo hindi ba?Ang makasal sa akin,Pwes pinagbigyan na kita pero HUWAG NA HUWAG KANG AASA NA MAMAHALIN KITA DAHIL WALANG MAKAKAPALIT KAY MIRA DITO SA PUSO KO.GAGAWIN KONG IMPYERNO ANG PAGSASAMA NATING ITO!

>,<

Sabay labas at padabog na isinarado ang Pinto.Naiwang hilam sa luha si Coleen.

Napikot mo ang PUSO ko.Where stories live. Discover now