ANG KALBARYO.

310 0 0
                                    

Kinabukasan mugto ang matang kinapa ni Coleen ang kama,Nakatulugan niya ang paghihintay sa asawa sa pagbalik nito sa kanilang inokupang kwarto ngunit Hindi sa suite nila natulog si Cyrus.Wala siyang ideya kung saan ito nagpunta kagabi.Bigla ang saya at pagtibok ng puso niya ng pumasok sa kwarto si Cyrus Naka walk in shorts at sando lang ito.Nakapaligo na rin ,samantalang siya ni hindi pa siya nakapagtoothbrush.

'Saan ka natulog kagabi?Alalang alala ako sayo.Hinintay kita hanggang sa dalawin ako ng antok.(Malambing na sabi niya)

'Wala ka na don.Maligo ka na at ng makabalik na tayo sa Pampanga.

'But why? 1 Week tayo hindi ba?

'E di maiwan ka .Kahit habangbuhay ka pa dito tumira okay lang.

(Hindi pinansin ni Coleen ang pasaring na iyon,lumapit siya kay Cyrus at niyakap niya ito)

'Ayoko.Gusto ko kasama kita lagi.You're my husband now.

(Tinulak siya ni Cyrus,dahilan iyon upang mabuwal siya sa kama)

'Maligo ka na nga at ng makaalis tayo.Tandaan mo Coleen Sa papel lang tayo mag asawa!

(Tigagal na naiwan si Coleen.Naiiyak na naman siya ngunit pinigil niya ang pagluha.Pinahid niya ang mata at ngumiti sabay sabing :

"KAYA KO TO.MAPAPALAMBOT KO DIN ANG PUSO MO CYRUS.

Napikot mo ang PUSO ko.Where stories live. Discover now