10

247 21 1
                                    

Scarlett's P.O.V

Kakarating ko lang sa school ngayon at kasalukuyang naglalakad ako sa hallway nang muntik na naman akong madapa mabuti nalang talaga at may humawak agad sa braso ko at inayos ako ng tayo..

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung sino ang humawak sa akin...


"Gubat" sabi ko nalang kaya agad niyang pinitik ang noo ko...


"Anong gubat? Baby naman eh" pagmamaktol niya..


Baby?


Okay pa ba siya?


"Problema mong Gubat ka ha?" Inalis ko yung pagkakaakbay niya sa akin..


"Ikaw nag insist nito diba?" Ay! Oo nga pala..


"Sorna nakalimutan ko eh"


"Tsk. You're unbelievable" sabi niya na may kasamang iling...


"Sorry na baby bbuing bbuing" Di ko maexplain ang naging reaksyon niya dahil sa pag aegyeo ko... Grabe naman siya ang cute ko kaya noh...


"Ewwwww wag kang pacute, tss" iniwan niya nalang ako bigla kaya hinabol ko siya, pero teka lang yung back figure niya parang familiar eh...



Parang kapareho niya si Mr. Hoodie ng back view pero asa naman akong siya si Mr. Hoodie..


I was about to poke Forest kaso may biglang nagback hug sa akin..


Shit ng malagkit,


"Babe" tawag sa akin ni Mike.. Geez kinilabutan ako sa tawag niya sa akin at mas kinilabutan ako sa ginawa niyang pag back hug...



Naalala ko na naman naman yung nangyari..



"Mike pwede ba tigilan mo na ako" matigas kong sabi sa kanya kaya bumitaw siya sa yakap, akala ko papaalisin niya na ako kaso bigla niya akong hinawakan sa wrist ng napakahigpit atsaka kinaladkad ngunit nagpumiglas ako, di pa naman masyadong nakakalayo si Forest kay sinigaw ko yung pangalan niya...




"FOREST!!!" agad tinakpan ni Mike yung bibig ko... lumingon si Forest sa amin at agad nanlaki ang mata niya...



Marami nang stupidents na nakatingin sa amin pero wala man lang may balak tumulong sa amin... Mga tanga letche!!



Patakbong lumapit si Forest atsaka dinambahan ng suntok si Mike kaya napatalsik ito sa sahig...



May putok narin ang labi niya.. Gaano ba kalakas ang suntok ni Forest at agad na pumutok ang labi niya?



"Don't you ever go near my girlfriend again" matigas na sabi ni Forest kaya napasinghap ang lahat ng nakarinig...

Hidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon