Scarlett: Ali bebelab
Alina: Oh?
Alina: Nasaan ka ba? Nandito na ang pizza
Scarlett: Nasa cr ako tumatae
Alina: Tangina u
Scarlett: Joke lang hehez
Scarlett: Kasi Ali masakit
Alina: Anong masakit? Tiyan mo?
Scarlett: Ali naman eh
Alina: Ano nga?
Scarlett: 💔💔💔💔💔💔💔💔💔
Scarlett: Ito ang masakit, sira na nga eh
Alina: Yung puso mo or yang pag-iisip mo ang sira?
Scarlett: Umayos ka nga Ali, ikaw na nga lang tong alam kong makakaintindi sa akin eh
Alina: Sorna ✌
Alina: Bakit ba anong problema?
Scarlett: Tinanong ko si Forest
Alina: Ano namang tinanong mo?
Scarlett: Kung ano ang gagawin niya kung malaman niyang may palihim na nagmamahal sa kanya
Alina: Oh tapos anong sinagot sayo?
Scarlett: "I will tell her to stop kasi I cant return her feelings"
Scarlett: Grabe Ali, ang sakit non ah!!!
Alina: Yan kasi tinanong mo pa
Alina: Hali ka na nga ditong bruha ka!! Hinahanap ka na nila
Scarlett: Ayaw ko pa
Alina: Umiyak ka noh?
Scarlett: Ganun na nga
Alina: Hay naku Scar
Scarlett: 😢
Alina: 💪
Scarlett: Ganito pala kasakit magmahal 💔