1st: who is she?

26 0 0
                                    

"Okay sige. Mag-kita kita na lang tayo sa enrollment ha? Sabay sabay tayo" naka-ngiti kong saad kay Jeng at Kari na nasa kabilang table.

Ngumiti sila sakin tapos nag-beso. Agad silang lumayo at nag-paalam matapos nila mapa-tingin sa likod ko.

Pag-tingin ko sa likod ko.. Huminga na lang ako ng malalim.

Tama nga ang naiisip ko, Si mommy nga yon. Hindi kasi komportable sina Jeng at Kari kay mommy. Medyo masungit kasi.. Pero di naman siya kj

"Xzienthia.. Gusto ko makita ang honor list" diretso sa mata kong sabi sakin ni Mommy Xielhin.

Yeap. Xzienthia ang pangalan ko kapag si mommy ang kaharap ko. It's pronounced as 'shincha'. Na-weweirduhan ako sa pangalan kong yan kaya i prefer my second name which is 'Yunice'

Napa-hawak agad ako sa shoulder bag na naka-suot sa balikat ko. Medyo bumilis yung tibok ng puso ko pero hindi ko pinahalata kay mommy iyon.

Mommy ko siya. Bat kailangan kong kabahan sa kanya hindi ba?

Dumiretso na lang kami sa Bulletin Board malapit sa High School Office.

"Top 36 overall?..." Walang emosyon na tanong sakin ni mommy.

"With an average of 89.87?..." Dagdag pa niya.

Lalong humigpit ang hawak ko sa bag ko.

"Hahahaha... I am so disappointed xzie" Tawa ni mommy sakin sabay hawak niya sa bag niya.

Kumunot ang noo ko nung narinig ko yon.

Tinawanan niya lang ang 89.87 kong average. Tinawanan lang niya yung grade na pinag-hirapan ko this school year.

Kahit hindi umabot sa 90 ang grade ko.. I know pinag-hirapan ko yon. Ni minsan hindi ako nangopya. I did everything all by myself.

"Yan ang pinaka-mataas na average na nakuha ko so far" Walang emosyon ko naman ngayon sabi sa kanya.

Totoo naman. Yan pinaka-mataas kong grade since elementary noh! Akala ko okay na sa kanya yan.

Huminga ako ng malalim at pinag-ikutan siya ng mata.

Ayoko maging bastos. Pero para sakin, Wala naman siyang karapatan na i-pressure ako. Wala namang nag-tuturo sakin eh. Ako lahat gumagawa kaya bat niya ko pagagalitan?

"At alam kong may mas itataas pa yan next school year. Diba?" Tanong niya saken.

Ayan na naman siya. Pinepressure nanaman niya ko. I stared at her tapos ngumisi ako. Hindi ako dapat mag-pa-pressure kay mommy. Alam ko yon. Mag-f-fourth year high school pa lang ako this coming school year at para saken, Masyado pa kong bata para ma-pressure ng ganito.

"Whatever mommy, Wag niyo na po ako pressure-in. Susubukan ko iangat ang grades ko. But dont expect too much" Sabi ko sa kanya.

Pag-tapos ay nag-lakad na ako papunta sa gate ng school namin. Kailangan ko nang umuwi.

"Xzienthia... Saglit" Agad akong napa-lingon nung tinawag ako ni mommy at nilapitan.

"Bakit po?" Tanong ko sa kanya.

Napa-tingin ako sa kamay ko nang may na-ramdaman akong palad na naka-dikit rito.

"Ideposit mo na lang yan sa account mo. Uuwi na kami ni Ford sa Australia by next month. Mag-iingat ka dito ha?" Kaswal na sabi sakin ni Mommy.

Bumagsak lalo ang mukha ko at kunot noo akong tumingin sa kanya.

"Mommy.. Ngayon mo na nga lang ako ulit binisita tapos uuwi ka agad?" Iritado kong sabi sa kanya.

My Ravishing Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon