2nd: to the left

17 0 0
                                    

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-tulog at pagiging mulat ng may narinig akong kumatok sa pintuan ko.

"Aish!!!" daing ko bago ako tumayo ng kama ko.

Tinignan ko muna ang orasan ko bago ako lumabas ng kwarto. What the hell? It's 12am! Sino ang kakatok sa pinto ko ng ganitong oras?

Naka-simangot pa ako bago ko buksan ang pintuan ng unit ko. Pero pag-bukas ko ng pintuan ay napawi ang kunot sa aking noo at napalitan pa to ng pag-kagulat sa mukha ko.

"A-anong.... kailangan mo?" tanong ko sa lalaking nasa harap ko.

Lumingon siya sa kabilang unit at nagulat ako noong mabilis siyang tumalon papasok ng unit ko at sinara ang pintuan nito.

"Hoy! Ano bang----"

"Ssshhhhhh..." naka-ramdam ako ng panunuyo sa aking lalamunan noong tinakpan niya ang bibig ko.

Na-amoy ko ang kanyang damit. Shems! Napa-pikit ako sa bango nito.

Pumiglas na ako at pinamewangan siya. Ay nako hindi yunice! Wag kang mag-papadala sa charm ng lalaking nasa harap mo. Baka ma-rape ka ng de oras.

Napa-pigil ako ng tawa sa iniisip ko at binalingan siya ng tingin.

"Bat ka ba bigla biglang pumapasok dito?" reklamo ko sa kanya.

Kahit na gwapo siya, Hindi pa rin sapat na rason yon para pasukin ng walang paalam ang unit ko. Ayan ang ipinapasok ko ngayon sa utak ko.

"Eh... Dumating girlfriend ni jonathan eh. Feeling ko magagalit yon kapag nakita niya kaming nandon. Iisipin non may babae kaming kasama. Mabuti nga't di ka naabutan non sa loob kanina eh. Yun pala yung sinasabi ni nat na girlfriend niya. Pwede pa-tago muna ako dito saglet?" Pag-susumamo niya sakin.

Nginitian ko na lang siya since wala naman pala siyang balak na masama sakin. Hahaha. Hindi ako makapaniwala na naisip ko ang mga iyon kanina.

"Okay. Ano gusto mo? Juice, Kape, Tubig, Iced tea, Gatas, A----"

"Tubig na lang. Hiningal ako eh" pag-putol niya sa sinasabi ko.

Mabilis akong nag-tungo papalapit sa ref at kinuha ang pitsel tapos kumuha ako ng baso at dinala yon sa table malapit sa inuupuan ngayon ng lalaking to.

Don ko lang napag-tanto na hindi ko pa rin pala siya kilala.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko bago ko ibigay ang isang baso ng tubig sa kanya.

"Clade..." sabi niya tapos uminom ng tubig.

Nginitian ko siya tapos binuksan ko yong tv. Para naman hindi maging patay ang paligid namin.

"Totoo pala na forever alone ka dito? Haha. Asan parents mo bat di pa umuuwi?" tanong niya saken.

Tinawanan ko muna ang tanong niya bago ako sumagot. Para siguro sa iba ay kaswal na tanong lamang iyon. Pero para sakin, It's a personal one.

"Hindi umuuwi dito ang mommy't daddy ko. Separated na kasi sila since grade 5 ako. Pareho silang may sarili nang pamilya so ako lang dito" tugon ko na lang sa tanong niya.

Ayoko namang itago yon. Isa pa, Hindi naman ako anak sa labas. Ako ang panganay sa lahat ng mga kapatid ko. Ate ako ni Fritzey, anak ni Tito Ford at Mommy Xielhin. At ate rin ako ni Ryoji na anak ni Daddy Yohan at Tita Rowa.

Nakita kong tinapunan niya ng tingin ang paligid ng unit ko.

"Nakaka-lungkot naman pala. Pero wow! Tv. Washing machine. Rice cooker. Air conditioner. Water dispenser at kung ano ano pa. You have everything" saad niya sakin.

My Ravishing Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon