"Asan parents mo?.." Ayan ang bungad ng isang misteryosong clade na nasa harapan ko.
Nag-bago bigla ang nakilala kong clade kahapon lang. Ewan ko, Nag-tiim bagang ako bago siya tapunan ng tingin.
"Clade nangaasar ka ba?.. Malamang wala sila dito. Diba nakwento ko na yan sayo? Kaya nga---"
Hindi pa man tapos ang sasabihin ko, Bigla na siyang nag-salita. Kaya nag-salubong ang mga kilay ko.
"Kaya ngayon na natin itutuloy yung dapat na gagawin natin kanina?.." Mataas ang isang kilay niya habang sinasabi niya yon. His eyes are staring at me naughtily.
Kung kanina ay sobrang na-komportable-han na ako sa kanya, Ngayon ay hindi na. Unti unti na kong nag-tataka sa mga kilos niya.
Hindi ko muna iyon inisip, Baka kasi ginu-good time lang ako ng baliw na to kaya kakagat muna ako sa trip niya.
"Yeap. Simulan na natin, Oke?" Naka-ngiti kong sabi sa kanya.
He bit his lower lip slowly habang nag-nonod. Napa-lunok ako don.
"San mo ba gustong gawin?.. Dito sa sala?, Sa table ng kitchen?, Sa kwarto mo?, Sa----" Tinawanan ko siya dahil sa pag-papa-husky niya ng boses niya.
Nag-tunog bass bigla to kaya na-tawa ko. Siguro kung hindi ko naisip na pinag-titripan lang niya ako ngayon eh panigurado na kinikilabutan na ako ngayon.
"Ano bang sinasabi mo?.. Edi sa banyo" Naka-tawa ko pa ring sabi sa kanya.
Medyo napa-nganga siya tapos tumingin sakin ng matalim. "Sa banyo?.." Pag-papaulit niya.
I smiled at him. Para siyang baliw sa trip niyang to. Akala ba niya matatakot ako? Psh! At isa pa.. Malamang sa banyo talaga namin gagawin. Alangan naman mag-laba kami sa kama ko diba?
"Yeap.." Sagot ko na lang.
"Bat ayaw mo sa kama?" Seryosong tanong niya sakin.
Na-samid ako don bigla at nag-pigil agad ako ng tawa. Humawak ako sa dibdib ko para mapigilan yung tawa ko at tinignan ko siya.
"Pag sa kama natin ginawa yon, Eh mababasa lang ang bed sheet ko." Sagot ko sa kanya.
Hinayaan ko ang sarili ko makipag-playtime sa kanya. Nakaka-tawa tong trip niyang to at di ko to inaasahan kaya naman natawa ako sa sarili ko at lalo na sa kanya.
"Tara na clade, Sayang oras eh" Sabi ko sa kanya tapos pumasok na ko ng banyo.
Kukunin ko na sana yung labahan sa kwarto ko kaso nang umakma akong lalabas ay hinigit niya agad ang wrist ko.
Naka-titig siya sakin. His eyes.. Kahit madilim kagabi, Iba ang mata niya kagabi. Hindi ganito ka-light ang pag-kabrown.
Marahan siyang ngumiti. Ang gwapo gwapo niya talaga. Mas lalong nabigyang buhay ang pilikmata niya sa paraan ng pag-titig niya sakin ngayon. Medyo napa-simangot pa nga ako nang napansin kong nawala ang ibang nunal niya sa mukha.
Dumi lang ba ang mga inakala kong nunal kagabi sa mukha nya?
Kinagat niya ang ibabang labi niya at kinulong ako sa mag-kabilang bisig niya. Naka-hawak siya sa likod ko sa may bandang baywang.
Hindi na kinakaya ng katawan ko ang pag-nginig na nararamdaman ko ngayon kaya sinubukan kong tumakas sa kanya. Pero hindi sapat ang lakas ko para magawa yon.
And there, I sighed. "Okay fine clade. Talo na ko sa trip mong to. Pakawalan mo na ko para magawa ko na yung kanina ko pa dapat ginawa. Okay?" sabi ko.
He smiled at that. Akala ko bibitaw na siya pero lalo akong nagulat ng hinalikan niya ang leeg ko.
Namilog ang pareho kong mata at nang-hina ang buong katawan ko. Is this clade? Mali ba ang pag-kakakilala ko sa kanya?
