(A/N: sabaw na update. Sinusulat ko 'to ngayon habang bumabyahe kami Bulacan hanggang Tagaytay hihi.)
Theia
"Theia! May assignment ka para sa next subject?" sabi ni Anna. Magkaklase kami sa next class at seatmates kami.
"Meron. Kokopya ka ba?" tanong ko pabalik.
"Hindi naman. Checheck ko lang 'yung gawa ko. Baka mali eh. "
"Ah sige." tas inabot ko na sa kan'ya yung notebook.
Si Anna ang bestfriend ko dito sa isang public school dito sa Sitio Consolacion ang SCU. High school pa lamang kami ay mag bestfriend na kami. Binabalak nga namin sa next school year na magkaklase kami sa lahat ng klase balak namin magparequest.
"Hm, oo nga pala. Nabalitaan ko 'yung nangyari sa inyo Sir Zian! Tapang mo, gurl! Gumawa pa kayo ng scene sa talipapa. Di mo ba kilala yun?" ani Anna.
"Hindi eh...? Kailangan bang malaman?" tanong ko sa kan'ya. Bumunot ng damo sa field at binato kung saan. Nakaupo kami ngayon sa field at dito naglalunch.
"Aba oo! S'ya ang tinuturing na Prinsipe ng Sitio Consolacion, dahil s'ya ang pinakamayaman dito! Sa Maynila talaga s'ya nakatira. Pero nandito s'ya upang magensayo ng pamamahala ng negosyo nila dito. At sila rin ang may ari ng lupa ng talipapa. Kaya parang boss s'ya dito sa buong Sitio Consolacion.
"Oh tapos?" tanong ko habang sinusubo yung kinakain ko
"Ano ka ba! Dapat hindi mo binangga 'yun."
"S'ya kaya muntikan ng makabangga sa'kin! 'To talaga! Mas kumakampi ka pa sa gwapo kesa sa bestfriend mo." irap ko sa kanya.
"Tampo ka naman agad? Hay! Halika na nga baka malate na tayo." nagligpit na kami ng gamit at pinagkainan.
Umakyat na kami sa may classroom. Parang ordinaryong araw lang. Paulit-ulit masyado. Medyo nakakasawa na rin. Wala naman kasing kaexci-exciting sa buhay ko eh. Yung mga tao lang sa paligid ko ang nagiging rason magpatuloy
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa restaurant na pinapasukan ko. Waiter ako. MWF nag seserve ako. Dahil Thursday ngayon ay nagwewelcome lang ako ng costumers.
Maliit lang ang Sitio Consolacion, kaya lumalabas pa ako ng baryo. Nandoon kasi ang pinagtatrabahuhan ko.
"Goodevening, ma'am, sir. Welcome to La Puetre's. Here's the brochure and the menu. Enjoy your meal! Tables for how many po, ma'am, sir?" yan ang nakakasawang line na binabanggit ko araw-araw.
"For two please." sabi nung babae.
"Marge, table for two!" sigaw ko sa kasama ko dito sa may pintuan ng resto. Open-resto kasi pero fine dining naman ang type.
Busy ako sa paglilista at pagcheck ng mga nagpareserve ng tables and ng VIP room kung nakapag dine in na ba sila o hindi.
Reserved tables...
Mr. and Mrs. Dela Fuente ✔4:30pm
Ms. Queen Antonio
Mr. Terrence, Ms. Angela, Ms. Daphne and Mr. Harold ✔5:16 pm
VIP ROOM
Zian Monasterio
Zian? Hmm baka nagkataon lang.
Tumingala ako para tignan kung may nagpark. Sakto naman at may itim na chevry na nagpark. Teka, pamilyar tong kotseng 'to.
omo!
Eto na naman ang slow motion na naman. Ano ba nangyayari tuwing baba s'ya ng kotse n'ya?
"G-goodevening, sir. W-w-welcome to La Puetre's. Here's the brochure and the menu. Enjoy your meal...uh. Tables for how many s-sir?" Binalingan n'ya ko ng tingin
dugdug..dugdug
Ang lakas ng pintig ng puso ko. Kinakabahan siguro ako sa titig n'ya.
"Don't you know me? Tss.. I'm a VIP." kalmado n'yang sabi sa'kin.
Tae! S'ya nga yung nag-iisa sa VIP room. Poshalalers.
"Uh, so sir Zian. Umm.. Marge!" nagbalik tingin ako kay Marge at Zian.
"Ah! This way sir." phew! Sinamahan na ni Marge yung supladong panget doon sa VIP room.
Aksayado sa pera. Pwede naman mag dine-in na lang may pa VIP- VIP pa. Di humble ang kuya n'yo!
"Ah... Theia, ikaw daw server sa VIP!" ani Marge.
"H-huh? Bakit ako?"
"Request ni sir Zian eh.
Ano ba problema nung isang iyon sa akin? Sa pagkakaalam ko wala naman akong utang sa kan'ya. Mga lalaki talaga daig pa babae mag-inarte.
Pagpasok ko sa VIP room laking gulat ko na s'ya lang ang nakaupo doon. Walang servers. Nakahanda na lahat ng pagkain sa hapag.
"Seat." aniya.
"A-ako? Upo?" Turo ko sa sarili ko. Tapos inirapan n'ya lang ako. Sabi nanga ba at bakla talaga 'to eh! Ganito ba pag anak mayaman? Bumabaluktot sa sobrang spoiled?
Tulad ng sinabi n'ya, umupo na lamang ako. Bawas kaso na rin ng galit n'ya sa'kin kung ano man 'yun.
"D-do you need anything, sir?" umiling lang s'ya at kumain.
Isa pang pagtataray neto ah. Bakla na talaga 'tong mokong na 'to.
"Shall I leave, now?" kasi tinutubuan na'ko ng ka uneasyhan dito. Sobrang tahimik kasi. Tunog lamang ng kutsra at tinidor na tumatama sa pinggan ang tanging maririning sa kalawakan ng VIP room.
"May sinabi ba akong umalis ka? Pwede ba, manahimik ka na lang d'yan." sabi n'ya habang umiinom ng lemonade.
"Alam mo 'yung freedom of speech? Magsasalita ako kung gusto kong magsalita. Bakit mo ba ako pinarequest dito?" tanong ko sa kan'ya.
"Alam mo ang tapang mo. Pero walang preno yung bibig mo eh. Lahat ata ng salita na sabi mo na sa buong existence mo eh." sabi n'ya. Tapos na s'ya kumain. Pinunasan nya ang gilid ng labi n'ya kahit wala namang dumi.
"Ano bang problema mo sa'kin? Bakit parang ang laki ng galit mo sa'kin eh ako nga lang nakakakilala sa'yo eh. Tapos sa pangalan lang.
"Wala kang pakeelam kung sino ang gusto kong tarayan. Hindi kita nanay."
aniya."Aba! Ako? Nanay mo? Ayshush! Edi sana lumaki ka ng tama kung ako ang nanay mo." nginisian ko s'ya. Nawala ang ngisi ko ng lalong dumilim ang ekspresyon ng mata n'ya. Madilim at walang ekspresyon na nga ito lalo pang dumilim. May nasabi ata akong mali.
"So, what are you pointing out? Na hindi mabuti ang nanay ko? What your filty mouth ikaw na ang nagsabi. Hindi tayo magkakilala kaya wag kang manghusga." sabi n'ya habang tinitigan ako na parang tinutusok ng kanyang mata ang kaluluwa ko sa sobrang lalim nito.
"H-hindi naman sa ganun. Sorry na. Hindi naman yun yung nais kong sabihin. "
"So, Theia... now that we've talked a little conversation. Siguro naman ay medyo kilala mo na ako not just by name?"
"San mo nalaman ang pangalan ko"
Tinuro n'ya ang dibdib ko kung saan nakasabit ang kwintas na gold na may nakaukit na Theia.
BINABASA MO ANG
The Cupid's Bullet [ON-GOING]
RomanceIsang pagkakamali noon. Naitama ngayon. Posible nga bang bumaliktad ang mundo? Iyan ang storya nila Zian Monasterio at ni Theia Hernandez Na pinagtagpo ng kasalukuyan dahil sa nangyari noong nakaraan. Started: 4/29/16