Chapter 3 ◇

13 1 0
                                    

Theia


"Pshh. Okay. Oh, eh ano naman kung med'yo magkakilala na tayo? Bakit anong gagawin mo? Naistorbo ko pagdadrive mo sa malapit sa talipapa kaya tulad ng mga cliche' stories gagawin mo 'kong slave? No! No no no!" sabi ko habang nakapameywang pa.



"Nga pala, kanina mo pa di sinasagot ang tanong ko ah. Bakit ba ako lang nanditong pinarequest mong server?"




Tumayo s'ya kaya tumayo na din ako.



"Pake mo? Gusto ko eh." kibit balikay n'ya.


"Gusto mo?? Abno ka ba? Hoy! Di lahat ng gusto mo nakukuha mo. Tatawagan ko na lang si Marge para s'ya na ang magserve sa'yo dito.




"Anong cliche' stories pinagsasabi mo d'yan. Basa ka kasi ng basa ng mga libro. Di mo naman naiisip yung nasa utak ko makapagconclude. Tss. Tara na nga." hinila n'ya ang braso ko at lumabas ng VIP.




"Te-teka sa'n tayo pupunta. Hala. Uyy!" halos madapa na ko sa bilis n'yang maglakad. "uy! M-marge, tulong naman oh. Baka kung san ako dalhin ni serrrrrr~!" pero tuluyan na n'ya kong nalabas ng resto



Pero infairness pinagbuksan n'ya ko na pinto...pero tinulak ako paloob dito. Lanya 'to. Gentleman na sana eh.



Umikot s'ya at sumukay ng kotse.



"Hoy! Sunget, san ba tayo pupuntaaaa?" tinatry ko talaga s'yang asarin baka pababain ako. Okay ng balibagin n'ya ko palabas basta makalabas lang ako.




"Shut up." tas pinaandar na n'ya yung kotse.




B'wisit di effective!




"Lalalalalala! San tayo pupunta, Zian? Lalalalalalalalaala!!! ♪" asar ko pa.



"Manahimik ka kung hindi hahalikan kita." banta n'ya. Hala! Baklang manyak!


Wala akong nagawa kundi magpout at manahimik. Kainis! Kainis! Kainis!





Lintek na yan. Namiss ko yung night shift ko. Kung alam ko lang na di rin ako makakapagtrabaho edi sana nag siesta na lang ako -_- eto kasing abnormal na 'to na nagdadrive sa glid ko hilig manghatak. Halata namang ayaw n'ya sa'kin noh?



Narinig kong huminto na ang makina ng sasakyan n'ya at bumaba. Halata namang di n'ya ko pagbubuksan kaya bumaba na rin ako kahit gusto ko pang magpa aircon sa kotse n'ya.





Nakakita ako ng tulay. Hindi s'ya hanging, hindi rin s'ya kahoy. Simento s'ya para makatawid ka sa ilog. Tapos dumudugtong yung tulay sa bukid tapos sa di kalayuan ay mayroong gubat. Naagaw ng pansin ko yung parang sunog at giba-dibang establishemento. Halatang sunog nga ito. Pero buo ang hagdan patungo sa tuktok nito. Sira lang kaunti yung sa tingin ko ay butas para sa bintana.




Nakita kong naglalakad na si sungit doon. Kaya sumunod ako. Pumanik kami sa tuktok at umupo doon. Kitang-kita ang tanawin at kalawakan ng bukid at gubat. Happy place n'ya siguro 'to.




"Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko pagbasag ng katahimikan dito.




"Are we friends?" O_O friends? Like kaibigan?






"Ha? Bat mo naman natanong?" di nga s'ya nagtanong ng maayos kung pwede makipagkaibigan eh.



"Tch." mukha syang dissapoitnted kaya naawa naman daw ako.







"Sasama ba ko sa isang estranghero? Kapag pinagkatiwalaan mo na ang tao, kaibigan mo na yun. Paramg binibigyan mo na din sya ng chance makapasok ng buhay mo." mukhang umaliwalas and mukha n'ya ng tumingin s'ya sakin kaya napangiti ako.



"Really?" gulat n'yang tanong. "Ganon pala magkaroon ng kaibigan."





"Huh? Ngayon ka lang ba nagkaroon ng kaibigan?" curious kong tanong.






"Sadly, yes. Well, my mom is my bestfriend pero s'ya lang. Wala ng iba. You're my first."





"Weh? Kegwapo at sikat mo na 'yan wala kang kaibigan? Bat naman ako naisip mong kaibigan?" nakakunot ang noo kong nakatingin sa kan'ya habang s'ya ay nakatanaw sa malayo. Kapansin-pansin ang makapal n'yang kilay at mahaba n'yang pilikmata sa side view.





"Last night. I was here. Drunk. Dun ko narealize na, sa lawak ng mundong toh, mag-isa ko. Then I saw you again, a while ago. Your noisiness kinda irritates me. But I think I need some noise in my quiet world." Nosebleed eker.



Humiga s'ya at ganoon din ako.






"Edi sana nagdala ka na lang ng speaker rito para maingay. Ginawa mo pa akong music player." His brows furrowed saka tumingin sa'kin. "Joke lang. Bat walang kang naging kaibigan?"




"I was homeschooled during my elementary life. And never made friends in high school. Takot sila sa'kim dahil mayaman at masungit ako at lagi pang nakabusangot ang mukha." napatango ako sa nasasago ko.



"Madali lang naman makipagkaibigan eh. Saka oo nga, parang wala kang social life. Kahapon lang kita unang nakita eh. Eh hindi naman ako active sa social media, di naman ako nanonood ng tv at nagbabasa ng dyaryo." natahimik kami saglit.



"Tiga rito ka ba talaga?" tanong n'ya. Napatingin naman ako sa kan'ya





"Huh? Dahil ba maputi at kutis mayaman ako at natural na kulot at brown ang buhok? Matagal ko ng nakukuha 'yang tanong na 'yan. Di ko rin alam kung bakit. Sabi ni mama eh pinaglihi daw n'ya siguro ako kung saan. Di na n'ya matandaan kung anong pagkain.''





Napatango naman s'ya at tumingin sa langit na punong puno ng bituin.




Sobrang tahimik ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatayo ako.




Kuya Kiro calling...



"Kuya?" tanong ko pagkasagot sa tawag n'ya.




"Nasan ka? Dumaan ako sa resto para ibigay sana sa'yo tong regalo ng manliligaw mo."




"Manliligaw? Alin dun? Kuya, alam mo namang maganda ako at madaming nanliligaw sa'kin. HAHAHAHHAHA" halakhak ko dahil sa kahanginan kong icompliment ang sarili ko.





"Eww. Panget mo kaya. Merong regalong teddy bear at sulat tapos kinain ko na 'yung chocolate hihi."





"Kuya talaga katakawan!"



"Umuwi kana hinahanap ka na nila Papa sinabi ko ng wala ka sa resto dahil hinanap kita rito sa bahay at nagtanong sila mama."


"O sige. Malapit na naman eh. Ciao."
tinignan ko si Zian. Umupo na s'ya at tumingin sa'kin.


"Ah, sunget. Pinapauwi na 'ko mauna na ako ha."



"Hatid na kita." offer n'ya.




"Ay naku. Wag na. Samahan mo na lang ako palabas nitong bukid." ayoko s'yang dalhin sa bahay dahil baka ientertain pa s'ya nila mama. Mukha namang kilala na nila ito. Dahil si Kuya nga ay kilala s'ya eh.

Tumayo na s'ya at bumaba kami doon.

Ang dilim na. Baka nga nag-aalala na sila mama. Patawid na kami at nangangapa lang ako sa dilim. Plus, malabo pa ang mata ko.





At nangyari na nga ang cliche' part. Nadulas ako pera nasalo n'ya ako sa baywang.


"Careful."



nginitian ko s'ya

"Salamat."











#TheCupidsBulletFriends

The Cupid's Bullet  [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon