Chapter 4 ◇

13 1 0
                                    

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Naglalakad na 'ko pauwi ng bahay. Pinauwi ko na kasi s'ya ng makarating na kaming kalsada galing sa bukid. Hindi maalis sa isipan ko si Zian. Bakit bigla s'yang bumait o parang naging malapit sa akin?



Kilala n'ya kaya ako? Pero imposible eh. Ngayon ko lang s'ya nakita dito sa probinsya. Pero kilala na s'ya ng iba eh, halos lahat nga eh? Maliban lang sa akin? Ang weird.

Lakad lang ako ng lakad ng maounta na ko sa kanto malapit sa bahay namin. Wala ng tao kaya nararamdaman ko yung sasakyan na mabagal magpatakbo at....sinasabayan ang lakad ko? May naririnig din ako ng yapak ng mga paa.

'Di pa ko tuluyang nakakalingon pero tinakpan na ang ilong ko ng panyo. unti-unti akong nahihilo. Para kong nalalasing sa amoy. Umiikot at nagdadalawa ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇

"Theia! Okay ka na ba...?" Unti-unti kong minulat ang nga mata ko.


Nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako. Pumikit ulit ako at dinama ang malambot na kamo at unan. Hayyy, this is heaven

Dumilat ulit ako bumungad sa'kin ang nag-aalalang brown na mata. Napatitig ako sa ganda nito.



"Ano, Theia? Okay ka lang ba?" Di na 'ko magtataka kung bakit alam n'ya ang pangalan ko. Matanggal na nga 'tong kwintas na 'to. Di naman sentimental eh. Nahanap ko lang sa ilalim ng kama ko sa k'warto ko.

"Ahh.. h-ha? Ano bang nagyari? Nasaan ako?" Nakauniform pa 'ko kaya alam kong galing akong trabaho pero di ko na maalala ang mga sunod na nangyari.

"Nakita kita dun sa kanto. May tatlong lalaking nasa van na muntik ka ng kidnapin. Teka, takas ka sa prisinto noh? O baka anak mayaman ka! Nagdadalawang isip talaga ko tumulong eh. Baka mamaya may atraso ka. Holy sh-" Napahilamos s'ya ng mukha na parang kinakabahan.


"A-ang O.A mo naman." Sambit ko habang tumatayo. "Hindi ko nga alam ang nangyari eh. Kagagaling ko lang nangtrabaho."


"Hm.." minasahe n'ya pa ang baba n'ya gamit yung thumb and index finger n'ya. Napahighik na lang ako sa kacutan n'ya. "May inutangan ka ba? Nang-iscam ka ba? O anak ka ba ng presidente? O.. baka mafia?!" Ala na. Natawa na 'ko. Ang cute n'ya! Hahaha.

"Maybe?" Let's try his kuletness hahahha! (A/N: hi sa mga fan ni Ma'am Althea and ni owwsic!)

"Hala!" Nanlaki ang mata n'ya kaya mas lalo akong natawa. Ang saya pala mantrip minsan. Madalas kasi ako ang napagtitripan ni Kuya Hiro.

"Anong pangalan mo? Ilang taon ka na? Saan ka nakatira? Tara punta tayo presinto para ireport na'tin." Curious na curious s'ya. Mukha s'yang bata hahaha. Kyot!


"Biro lang haha! Ang cute mo eh." Namula naman s'ya at natigil. "A-ah. Nagjojoke lang naman ako. Sa tingin mo ba magtatrabaho pa ako kung nag-iscam ako kasi probably yayaman ako dun. At kung anak ako ng yayamanin?" Mukhang napaisip naman s'ya dun.


Napaisip din ako kung ano nga bang nangyari. Yah! Nanlaki mata ko nung naalala 'ko. Zian...kaibigan...pauwi na...lalaki...van...panyo...nawalan ng malay.

"Ah okay ka lang ba?" tanong ng cutie boy na nasa gilid ko.

"O-oo. Nasan yung bag ko." Tumingim s'ya sa likod at naglakad patungong pinto. Nandun sa gilid yung bag ko.

"Salamat." Hinanap ko ng ang cellphone ko.

209 unread messages
150 mixed calls.



AY! ANUBAYAN AKSAYADO SA LOAD SI ITAY!


Triny 'kong idial sila papa baka hindi na kasi makatulog ang mga 'yon kakahintay sa'kin at baka atakihin na naman s'ya ng sakit n'ya. Konsensya ko ang damay rito.


Hindi pa nabubuo ang tunig ng unang ring pero nasagot na agad. -_-

And 1...

"HARU JUSKO THEIA! NASAAN KA BA? MAGKANO ANG RANSOM?" wow earlier than I expected. At ransom? Alam nilang may kikidnap?




"Pa naman! Usap na lang tayo bukas. Matulog na ho kayo at magkasakit pa po kayo. Pauwi na ho ako. Goodnight, Pa. Labyu sagad!'' Binalingan ko na si cutie boy na nakanguso lang sa gilid ko at hinihintay lang ang tawag. I chuckled, ang kyot talaga haha!

"Ah! Uy! Salamat ah...? Anong pangalan mo?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"Chester." Nag-aalangan pa s'yang ngumiti at nagoffer ng kamay sa'kin.

"Oh, salamat, Chester pero mauuna na ako. Ha. See you when I see you!" Sabi ko. Condo naman ang tinitirhan n'ya kaya madali akong nakalabas. Pasakay na 'ko ng elevator pero sinundan n'ya pala 'ko.


"Hatid na kita. Malalayo 'tong condo sa kanto kung saan kita nakita. Eh, baka dun nga ang punta mo at malayo nga. " kamot ulo nyang sabi.

"Ah. Hindi okay lang. Gabi na at naistorbo pa kita. Sapat na ang naitulong mo sa'king pagligtas kanina." Binigyan ko s'ya ng apologetic and thankful look. Oo, pwedeng pagsama 'yun. Ako pa.

"Hindi. I insist. Mamaya eh. Balikan ka ng mga kumidnap sa'yo." Napaisip naman ako sa sinabi n'ya ayokong magpakidnap ulit. Omayghad. Wala kaming pera hano. Saka pano na lang kung kabataan ko ang kunin nilang kapalit sa ransom oh no! O baka ibenta nila ang bituka ko. O kung ano pang lamang loob ko! Jusmiyo. I kennat. Lord, di pa ko ready. Tumindig lahat ng balahibo ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga iniisip ko.

Nagduda at pag-alala naman ang nakita ko sa mukha no Chester.

"Ayos ka lang? Ano hatid na kita?" Kita ko ding hawak na n'ya yung susi siguro ng kotse n'ya.

"S-sge na nga." Nakakahiya man pero pumyag na ko.

Bumaba kami sa B1 at sumakay sa kotse n'ya. Tahimik lang ako habang nagmamaneho s'ya.


Nakapag-isip ako. homayghad. Dalawang kotse na ng naggwagwapuhang lalaki ang nasakyan ko ngayong araw. Ang landi ko naman ata this day.


"So uh... right, left o deretso?" Tanong n'ya ng mapunta kami sa isang crossing.


"Kumaliwa ka na lang d'yan tapos diretso. Dun may makikita kang mailbox sa harap ng bahay namin. Kami lang naman ang may mailbox dito kaya hindi ka na malilito.

Sinunod naman n'ya at nakarating kami ng safe.




Di ko na s'ya hinayaang pagbuksan ako ng pinto kaya bumaba na agad ako.

"Salamat ha. Ang dami mo ng nagawa agad sa'kin sa isang araw lang. Salamat talaga." Sabi ko with matching korean bow pa.

"Anytime." Tapos ngumiti s'ya sakin."


*ehem*

Homayghad.


◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇

Olla amigos! Still sick kaya sa phone lang ako nag uupdate.  Em trying so hard para lumagpas ng 1,000 words HAHAHA. Hindi kasi ako kasing sipag ng ibang authors :(( sa isang account ko puro 3 slides lang hahahha ;)

tanong lang! Ano magandang characters para dito? Pinoy, korean or kano? Hahaha. ★☆★

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cupid's Bullet  [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon