Chapter 2: Prologue

1 0 0
                                    

Simula palang ng pagkabata ko, gusto ko nang maging artista. Superhero kumbaga. Yung magiiba ako ng pagkatao. Nung pagdating ko ng highschool pinangarap kong maging chef kasi mahilig ako magluto pero nandun parin yung kagustuhan kong maging artista pero sa kasamaang palad, di ako biniyayaan ng gwapong itsura. Kaya eto ako ngayon, pine-pursue ang kursong BS Math. Siguro nagtataka kayo bakit BS Math kahit gusto ko maging chef? Mahal ang kursong kulinary eh. Gusto ko mag engineering kaso baka di ako magtagal dahil puro math lang ang alam kong husay ko. Kaya nandito ako.

So eto na nga.

Matapos ang araw na yun ay di parin ako makapaniwala sa nangyari after ng band practice.

*flashback 3 days ago*
" Whew. Kuhang kuha mo parin Jake!"  Aba syempre. Kelangan eh. Nakakahiya, nanonood si Charis.
"Jake pwede mag request last song?" HALA! REQUEST DAW NI CHARIS?!
"Ah eh anong kanta ba yan? Pasensya ka na di naman ganun kagandahan boses ko."
"Hala pahumble pa! Maganda kaya boses mo!" SHIT. TOTOO BA NARIRINIG KO? PINUPURI AKO NI CHARIS?! NANANAGINIP NANAMAN BA AKO?!
"Ah eh salamat! Haha! Ano bang kanta gusto mo?"
"Ah eh Para sayo. By Parokya ni Edgar. If ayos lang?"
SYEMPRE AYOS LANG! PARA SAYO GAGAWIN KO.
"Syempre ayos lang. Basta ikaw."
"Hah?"
HALA SHIT ANO BANG NASABI KO?!
"Wala wala! Haha! Sabi ko ayos na ayos!"

Bwisit kayo Joseph!!!! Wag kayo magtawanan!!!!!

"Kakantahan mo talaga ako? Yehey!"

No choice. Lets go.

"Lumayo ka na sa akin, wag mo kong kausapin..." 🎶

May malalim na meaning siguro yung kanta para sakanya.. well nandito na eh. Tuloy tuloy na.

*fast forward*

Matapos ko kumanta, napansin kong nakatitig siya sakin at nakangiti. Ibang iba ang ngiting iyon. Para bang para sakin lang iyong ngiti na yun.

"Salamat Jake!"
"Wala yun." Somehow nawala kaba ko.

"YOOOOOOON!!!! MGA GALAWANG JAKE!"
"TEACH ME MASTER!"
"MGA SIRAULO! HAHAHAHA!"

Natapos ang practice namin at magkakanya kanya na kami ng uwi. Sabay sabay kami ni Joseph at Charis sa LRT. Along the way lang inuuwan ni Charis samantalang kami ni Joseph ay nasa iisang siyudad lang pero magkaiba ng barangay.

"Charis, gusto mo hatid kita?" WTF. ANO BA NASASABI KO?
"Wag na. Kaya ko naman magisa. Sanay naman na ako pero salamat parin." sabay ngiti sakin
"Awwww kawawa ka naman. Rejected."
"Ulol" sabay siniko ko si Joseph.
"Sige. Basta magtext ka pag nakauwi ka na ah?"
"Hah? Wala naman akong number mo eh. Hahaha!" Shit nakakahiya.
"Ay haha! Oo nga pala. Gusto mo ba kunin?"
"Ayos lang. Haha!"
*next station Gilmore. Ang susunod na istasyon ay Gilmore.*
"Oh eto number ko. 09276123955"
"Okay. Thank you!" Ayun ulit yung ngiti niya na parang ako lang ang dapat makataggap. Nakainlove siya lalo.
*Arriving at Gilmore station. Paparating sa gilmore station*
"Dito na ako bababa guys. Magjejeep nalang ako since gabi na."
"Sige ingat ka. Text ka ah?" Feeling ko girlfriend ko na siya kahit hindi pa. Ang assuming ko masyado.
"Sige Jake. Ingat kayo."
At tuluyan ng sumara ang pintuan.
"Pre, mukhang patay na patay ka kay Charis ah? Haha!"
"Sus. Tumigil ka nga! Kinikilig pa ako!"
"Yuck. Ikaw kinikilig? Hahaha! Pero ang ganda ni Mae noh?"
"Mae? Yung bestfriend ni Charis na dentistry naman?"
"Oo pre. Ewan. Basta nagagandahan ako sakanya."

Hmmmm may itinatago itong si Joseph sakin.

*Arriving at Araneta Center Cubao Terminal Station. Paparating sa Araneta Center Cubao Terminal Station.*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Director's CutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon