2nd Chapter

7 1 0
                                    

Ang heart natin, parang bag lang 'yan, pwedeng ma-snatch...

- - - - -

Inis akong lumabas ng campus.



Biglang may mga nagsiakbay sa akin...

sina Karen at ang iba ko pang classmates.


"Ikaw, Maivie. Hindi mo man lang kami ipinakilala sa poging kasama mo kanina,"
wika ng isa sa mga besties ni Karen.


Hindi ko naman talaga kilala 'yung mokong na 'yun.


"Grabe! Bagay talaga kayo. Ilang months na kayo?" dagdag ng isa.


What?! Ano bang iniisip ng mga 'to? Ang bilis naman nila maniwala kung kani-kanino!


"Walang kami. Hindi kami magkakilala," inis na wika ko.


"Deny ka pa diyan. Eh, kanina nga, bitbit pa nga niya 'yung mga gamit mo. Ang sweet niyo kaya..." kinilig na sabi ni Karen.


Pati ba naman, ikaw, Karen?


"Sige na nga, hindi ka namin pipilitin pero kailangan mong sumama sa amin. Mag-SSB kami, doon na natin ituloy chikahan about diyan. At isa pa, lumalalim na ang gabi, ang lamig ng simoy ng hangin, bagay samahan ng mainit na coffee," panghihikayat nila.


"Pasensya na. Kailangan ko na talagang mauna sa inyo."


"Sige, basta, next time, Maivie ha. Magkakaroon tayo ng story-telling about sa nangyari kanina. Ingat ka."


And, yeah...

I'm alone again walking here by the streets.

Madilim na, kaya medyo nakakatakot maglakad ng mag-isa papuntang sakayan ng dyip.

Sa terminal pa kasi ang sakayan papunta sa amin kaya malayo-layo pa ang lalakarin ko...


Nang biglang...



*zsszhhhhnnnnggggg*


"HOY!! IBALIK MO 'YANG BAG KO!!!!!!"




Ang bilis ng mga pangyayari...


Hindi ko na naabutan pa ang kumuha ng bag ko.


Naroroon pa naman 'yung pamasahe ko pauwi.


Malayo-layo pa naman 'yung bahay naming mula rito.




Nanghina ako bigla nang mga oras na iyon.
Napaupo ako sa mga nangyari...


At unti-unting pumatak ang ulan...



Na tila nakikiramay ang langit sa akin.

At nakisabay na rin ang aking mga luha sa pagpatak.



"Huwag ka ngang umiyak diyan. 'Di bagay sa'yo."


...Nagmula iyon sa isang pamilyar na tinig.


Marahan kong iniangat ang aking ulo.



Siya.....
Ang lalaking nakabunggo ko sa hallway kanina...


Hindi ko alam kung maiinis ako nang makita ko siya
o matutuwa dahil noon ko lamang napansin
na pinapayungan niya ako.


Lumakas pa ng husto ang ulan....



"Ano hindi ka papasok? Magpapalamig ka pa ba diyan?"

Sabay turo sa magarang itim na kotse na nasa likod niya.



Lutang ako noong mga oras na iyon.


Ang bilis talaga ng mga pangyayari. Marami rin kasing mahahalagang bagay doon sa bag ko na 'yon.



"Manong, pakihatid po kami diyan sa malapit na Starbucks," wika niya sa driver na naka-elegant black and white suit at isinara ang pinto ng kotse.


"Maraming salamat! Pasensya na sa mga nangyari kanina," mahinang wika ko.

"Ako nga dapat humingi ng paumanhin sa'yo. Nagmamadali kasi talaga ako kanina kaya't aksidente kitang nabunggo."


"Wala 'yun. Tapos na 'yun."


"I'm Kite, by the way. Would you mind if I take you to Starbucks first bago kita ihatid sa inyo?"

"Naku, thank you na lang. Kahit huwag na. Promise okay lang ako."

"Nadaan kitang parang may hinahabol, anong nangyari?"

"Nahablot 'yung bag ko e."


"Sorry...Ihahatid ka na namin sa inyo. Huwag nang makulit. You're Maivie, right? It's nice meeting you."


Mabait din pala 'tong taong 'to.


"Master, we're here," wika ni Manong driver.

"Thank you po, Manong," sagot ni Kite habang inaalalayan ako sa pagbaba.


Honestly, nanghihina pa rin ako sa mga oras na ito.
Umiikot ang aking paningin.


Simula noong maliit pa lamang ako, ganito na talaga ako, sakitin.
Ang aking tita ang nagpalaki sa akin.

Wala akong kinagisnang ama't ina at wala akong ideya kung nasaan sila...


Hanggang sa pagpasok ng Starbucks, inaalalayan pa rin ako ni Kite.
Pansin niya sigurong masama ang pakiramdam ko.


"Magpahinga ka muna diyan. Babalik din ako..."

"Maraming salamat, Kite,"
wika ko habang inaabot ang kaniyang mga kamay.


Sinagot niya ako ng matamis na ngiti.


Bumalik siya nang may bitbit na tray na may dalawang coffee na may kasamang pastries.


May kasama na siyang mga babae sa kaniyang pagbabalik.
...mga pamilyar na babae.


"Naku, Maivie. Napaka-sweet naman pala talaga nito ni Kite," kinikilig na wika ni Karen.

At patuloy pa ring nakayuko ang aking ulo.
Hindi ko masakyan ang mga biro nila ngayon dahil masama talaga ang pakiramdam ko.

"Pagpasensyahan niyo muna si Maivie. Masama kasi talaga ang pakiramdam niya," wika ni Kite.

"Okay lang. Mauuna na rin kami sa inyo. Ingatan mo 'yan kaibigan namin ha."

"Makakaasa kayo."


At tumahimik ang paligid. Nagsialisan na kasi ang maiingay na 'yon.


Matapos kumain, agad akong inihatid ni Kite sa amin.


"Pagaling ka, Maivie. Bye,"
paalam niya.





Napakabilis talaga ng mga pangyayari ngayon...






Na-snatch na nga ang aking bag....


Pati ba naman puso ko, masa-snatch rin?




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

143=You+Me (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon