"MAGANDA KA. H'WAG MONG SAYANGIN ANG GANDA MO SA WALANG KWENTANG BAGAY. TANDAAN MO YAN!" Hindi ko man naranasan na dumapo sa aking pisngi ang palad ng aking ama; ngunit ang katagang iyan na nanggaling sa bibig ng aking kaibigan ay naramdaman kong namula ang aking pisngi. tla may kuryenteng bumalot sa aking katawan na naging dahilan nang aking pagkatulala. sagad sa buto ang mga salitang kaniyang binitiwan.
Nang ako'y nahimasmasan. tinanong ko sa aking sarili kung sino ba siya sa buhay ko. Isa lamang siyang kaibigan ng nakaraan. Nagbabalik at ngayon pinapakialaman. Ngunit sa aking pagmumuni-muni sa kaniyang sinabi. Napagtanto kong tama nga siya. Namangha ako. Nagpapasalamat ako. Namangha ako sapagkat kahit nasa malayo siya noon ay sinusubaybayan pala niya ako. Namangha ako dahil sa kabila ng pambabalewala ko ay alam niya lahat ng mga nangyayari sa'kin. Nagpapasalamat ako dahil sa gabay at tulong na binibigay niya para sa akin. Nagpapasalamat ako sapagkat pinupuna niya mga kamalian ko at kaniyang itinatama. Nagpapasalamat ako dahil sa kaniyang busilak na puso at batid ko ang kaniyang magandang hangarin na iangat ako sa aking pagkakasadlak.
May nararamdaman akong kakaiba at hindi ko maintindihan. Nagtatalo ang aking puso at isip sa katanungang hindi ko rin naman masagot. Ano ang estado namin sa isa't isa? bakit niya ginagawa ang mga bagay - tulad na lamang sa suportang binibigay niya moral at espiritwal? Ang mga katanungang iyan ang nagdulot sa aking presensiya at nagkaroon ng balakid; t'wing magkasama kami'y panay ang iwas ko ng tingin sa kaniya. Lagi niyang sinasabi sa akin
![](https://img.wattpad.com/cover/70417724-288-k811ddc.jpg)
BINABASA MO ANG
MASAKIT PERO MASAYA
RandomIto ay kwento ng isang dalagang ina na hindi sumuko sa mga suliranin sa kaniyang buhay.