Chapter 2:Find out

32 6 0
                                    

Drivian's POV'

Pag-akyat ko sa puno kung saang katapat lamang ng terrace sa kwarto ko,ay dahan-dahan akong pumasok sa sliding door at binuksan ang dim light sa gilid ng kama ko.

Unti-unti kung tinanggal ang jacket ko at hinubad ang sando ko na kung saang tube ko nalang ang natira na pang-itaas ko.

Iniluhod ko ang kaliwang tuhod ko at hinila ang isang pahabang case sa ilalim ng kama ko at isinet ang passcode upang mabuksan ito.

Lalagyan ito ng mga armas ko gaya ng kunai,katana,dagger,baril at iba pa.Hindi ko maikaka-ila na personalized lahat ang armas ko dahil lahat sila ay may tatak na Black Dragon at may naka-ukit na 'DC' ang bawat handle na nag sisimbolo na ako si Devil Crown... 

Ngunit wala kahit sino ang nakaka-alam kung anong simbolo ng Black Dragon sa mga armas ko maliban sa isang taong pinag-kakatiwalaan ko.

Ibinalik ko sa loob ang mga baril na ginamit ko kanina at kinuha ang isa sa mga matulis na kutsilyo ko,pumunta ako sa cr na katabi lamang ng walk in closet ko.

Pero bago ang lahat inihanda ko na ang bimpo,palangana na may tubig,beer,alcohol,bulak at syempre the last but not the least ang aking kutsilyo.

Siguro nagtataka kayo kung saan ako kumuha ng beer? Well may maliit akong case sa ilalim ng bathtub ko kung saan nakalagay ang tatlong malaking bote ng beer na alam kong magagamit ko in case of emergency na gaya nito.

Umupo muna ako sa nakasaradong toilet bowl bago binuhusan ng beer ang kanang braso ko at agad na ipinasok ang knife dito.Halos mapapikit ako ng maramdaman kong lalong sumakit ito ngunit hindi nagtagal ay matagumpay kong nailabas ang bala dito.

Nilinisan ko muna ito sa alcohol gamit ang bulak bago ito binendahan at lumabas ng cr upang kumuha ng red T-shirt sa closet ko red talaga napili ko dahil baka in case na biglang dumugo ito.

Akmang ililigpit ko na ang mga ginamit ko ng biglang may magsalita sa likod ko.

"Are you done? "

Cold na tanong nito kaya automatic akong napalingon dito.

"K-kuya?"

Sh*t!!!! as in f*cking sh*t!! bakit hindi ko namalayan ang presensya nya?!

"Do you think you can hide this to me forever? "

Walang emosyong tanong nito.Sh*t! what should I do?

"Kuya,l-let me e-explain"

Nauutal na sagot ko ngunit masasamang titig lamang nito ang natanggap ko.

"You don't have to explain because this stuff done.explain.to.me.everything "

Mariing lintaya nito habang nakatingin sa mga ginamit ko kaya hindi ko maiwasan ang mapalunok.

"Tell me Drivian Hashlet,when did you lied to me? "

F*ck! He called me in complete name.

"When?! "

Halos mapapitlag ako sa biglang pagsigaw nya.For the first time in my entire life sinigawan nya ako at hindi ko maikakaila na nakakatakot sya dahil ibang-ibang sya sa mahinhin,mabait,makulit at maunawain na Kuya Derion na nakilala ko.

"Answer me Drivian when? "

Mahina ngunit delikadong tanong nito.

"Four years ago"

Nakayukong sagot ko.Halos mahimatay ako sa gulat ng biglang mabasag ang flower vase sa tabi ko.

"F*ck!!!! "

Sigaw nito at sunod-sunod na pinagsusuntok ang pader.Madiin kong ipinikit ang mga mata ko at pilit kong pinigilan na maluha ang sarili ko dahil hindi ko kayang nakikita na nagkakaganito si Kuya ngayon dahil sa akin.

Did I just wake up the sleeping devil inside him?

Not really ordinary (The battle is on)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon