Chapter 9

10 1 0
                                    


TGIF!! Wooooh! Partey! Partey!

At dahil friday, wala masyadong ginawa dahil may meeting lahat ng teachers at halfday lang ang class. Binigyan lang nila kami ng activities para may magawa kami at hindi pakalat-kalat sa corridors.

Pero syempre makulit ako, kaya lumabas muna ko at nag-cr. Pumasok ako sa isang cubicle, at saktong may pumasok din na mga babae.

"Humanda talaga sakin yung babaeng yun. May araw din sakin 'yon."

Huh? Bakit iba yung kutob ko? At nagsalita pa yung isang girl.

"Bawian mo na kasi habang maaga pa. Lagi ka nalang sinasapawan girl. Wag kang papatalo."

"Dadating din tayo dyan. Wait ka lang."

At tumawa sila parehas ng nakakatakot na tawa. Sino kaya yung mga 'yon? Pamilyar yung mga boses nila. At umalis na sila after nilang tumawa.

Bumalik na ko sa room, halos kasabay ko lang pumasok si Cassi sa room. As usual, tinignan niya ko ng masama. Yung tipong sinasaksak niya na ko sa isip niya. Ganern!

Si Demi naman, busy kaka-sagot ng activities namin. Pinuntahan ko siya.

"Huy! Galaw-galaw baka pumanaw!" Ginulat ko siya. Hahaha!

Epic talaga magulat ni bessy! Hahahaha!

"Papanaw na talaga ko, pag ginulat mo pa ko ng ganun! Loka ka." Sabi niya habang nakahawak sa dibdib niya.

Sorry na bessy! Cute talaga ni bessy! Hahaha!

"Hahahaha! Sorna bessy. Sipag mo masyado eh. Di ka pa ba tapos?" Tanong ko.

"Di pa eh, nahihirapan ako sa ibang solving problem. Jusme, natutuyuan na ko ng utak." Pagmamaktol niya.

Buti pa ko tapos na! Easy peasy.

"Tara na kanina pa nag ring yung bell, sa Monday pa naman ipapasa yan. Kain na tayo bessy, tomjones na ko." Sinasabi ko yan habang hinahawakan ko yung tiyan ko. Gutom na talaga ko!

Napahinto din siya sa ginagawa niya. At tumingin sakin.

"What? May dumi ba sa mukha ko?" Medyo inis kong sabi.

Ooops. PMS mode. Sorry gutom lang.

"Tara na nga bessy, gutom ka na nga. Sungit mo na eh." Sabi niya habang inaayos ang gamit niya.

Naglalakad kami papuntang canteen, nakita namin si Moose na tumatakbo papunta samin.

"Guuuuuys!" Sigaw niya samin, at nagtago sa likod namin ni Bessy.

"Bakit Moose? Bakit ka tumatakbo at nagtago ka pa sa likod namin?" Demi asked.

Nagkibit balikat nalang ako.

"K-kasi.. Hina―hinabol a-ako ng mga babae. Wooh! Tara na dali! Please?" Pagmamakaawa ni Moose samin.

"Eh an―"

"Ayun siyaaa!" Sigaw ng babaeng tumatakbo din papalapit samin.

Naputol na yung sasabihin ko dahil hinila na kami ni Moose palayo sa mga nanghahabol sakanya.

So hinila nya kami papuntang cafeteria. At.. ILILIBRE NYA DAW KAMI! WOHOOOOO! *insert confetti*

Si Moose daldal ng daldal habang si Demi naman hanggang ngayon nagcocompute pa din. Hays, study is life talaga sakanya. And me? Syempre nilalasap ko yung libreng pagkain ni Moose! Food is life kaya!

"Hahahahahaha! Nakakatawa talaga yun!" Sabi ni Moose habang yung bibig nya punung puno ng pagkain.

Wala naman akong maintindihan sa kinekwento ni Moose dahil busy ako kumain. Si Demi naman, nakakumot na yung noo at umiirap pa. Naiingayan na ata kay Moose.

"Pwede ba Moose, can you just please shut your mouth for 5mins? Please! You're so ingay! I can't even concentrate!" Nakahawak pa sa ulo nya si Demi habang sinasabi 'yon. Beastmode na si ate gerl.

Napatingin ako kay Moose at tumahimik nga sya. Parang baliw na nagbibilang pa sya! Hahahahaha! They're look cute together! Hihihi. My OTP.

After 5mins

"Tapos ayun nga kaya nga nila ko hinahabol.. askvsh" Di ko na mintindihan sinasabi ni Moose. Daldal talaga netong lalaking 'to. Si Demi naman halatang naririndi na!

*bzzt.. bzzt*

Kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko.

From: Mom

Anak, uwi ka maaga ha? May ipapakila ako sayo. Hihi.

Tss. May ipapakilala na naman sakin si Mommy! If I know. Hay. Ewan ko ba, instant cupid na naman si Mom sa lovelife ko.

Replyan ko nga.

To: Mom

Mom, I can't. May group project kami nila bessy. Sorry mom. May be next time. I love you.

After ko magreply, sinuksok ko na sa bulsa yung phone ko. Di naman ako nagsinungaling kay mommy, totoong may project kami ni Demi.

"Di ba? That is so unfair! Alam ko gwapo ako pero bakit ganun?" Sabi ni Moose habang awang-awa sa sarili nya. Anong drama neto?

"Walang may pakealam Moose! Pwede ba! Walang may interesado sa kwento mo! Aaargh! Bessy, tara na nga!" Asar na asar na tumayo si Demi at kinuha lahat ng gamit niya.

Tinignan ko ng masama si Moose. Nag-shrugged lang sya.

Hi mga bes! Sorry ngayon lang ulit ako nakapag update. Sobrang kinain na ko ng trabaho ko. Anyways, thank you po sa mga naglalaan pa ng oras to read my story. I know di ko sya kayang panindigan. Pero gusto ko pa din sya ituloy. :( Sorry guys.

Add me on ig: @iamtinkerbely
Add me on fb: Bel Trinidad Villegas
Add me on twitter:@iamtinkerbely

God bless you all! :*

Because of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon