JEFF
"JEFF! Salo!!!" sigaw ni Khad.
Sinalo ko ang disc at tumakbo ako papunta sa may goal at pinasa ang disc sa isa ko pang ka team na naghihintay sa may paanan ng goal.
At ayun oh!
"GOOAALL!!" sigaw ko.
Pansamantala kaming naglalaro ng frisbee ngayon sa open field ng aming school. Mamimiss ko talaga 'toh.
"Nice game guys!" nag apir kami ni Khad na bestfriend ko at ng iba ko pang ka team sa frisbee.
"Uwi na ako guys. Monthsary kasi namin ngayon ni Celine" sabi ni Jordan. Isa sa ka team ko sa frisbee.
"Sus pare, nagka syota ka lang nagiging KJ kana!" biro ni Brandon sa kanya. Sa totoo lang, hindi talaga namin ka team si Brandon pero open naman kaming makipaglaro sa kung sino mang gusto sumali sa amin ngayon.
"Oo nga pare. Kaya nga ayaw kong magka syota eh" sabi ni Mark.
"Weh? Ang sabihin mo, torpe ka kaya hindi mo kayang makalapit man lang. Hahaha" asar ni Brandon.
"Naaaakkoooo. Sakit yan tol" sabay akbay ni Kelvin sa kanya. "Dapat suyuin mo. Mag ga-graduate na lang tayo, hindi ka pa rin dumadamoves"
Papunta kami sa gazeboo na malapit sa field para makapagbihis na rin dahil pawis na pawis na kami.
"Eh teka, sino ba yung sinasabi mong babae?" tanong Kelvin ni Mark.
Tumahimik naman si Mark kaya naging pulutan siya ng sigawan dito sa amin.
"Eh sino pa ba? Eh yung babaeng palagi niyang tinitingnan sa malayo. Hahaha. Si Jaikah!"
Natahimik ako. Mabuti na lang at nakatalikod ako dahil inaayos ko ang mga gamit ko sa bag kaya hindi nila nakita ang reaksyon ko.
'si Jaikah....'
"HAHAHA! Paano ba naman, hindi naman daw yan type ni Jaijai eh kaya kahit magbago pa yan, jologs pa rin. Haha" rinig kong sigaw ulit ni Brandon. Tsk! Kahit kailan talaga si Brandon napaka sakit magsalita.
'pero ikaw.. ang laki ng pinagbago mo'
'pero ikaw.. ang laki ng pinagbago mo'
'pero ikaw.. ang laki ng pinagbago mo'
Nagbago ba talaga ako? Naalala ko ulit ang sinabi kanina ni Jaijai sa counter. Hmmm, lumipat talaga ako para makausap ko siya pero bad trip naman!
Dahil lang ba hindi na kami katulad ng dati? Hindi naman siguro Jai. Hindi ako nagbago .. Umiiwas lang ako kasi ikaw na mismo ang nagsabi na umalis ako. Ikaw na mismo ang nagbigay ng dahilan para sumuko. At saka, ayaw kong magka agaw kami ng kaibigan ko kaya ipapaubaya na kita sa kanya.
"OOYY! Ano ba! Tigilan n-niyo nga ako. H-hindi kaya si Jaikah!" sigaw ni Mark ng matapos akong mag ayos.
"Hindi daw. Eh ba't nauutal ka? At saka tingnan mo nga oh, pulang pula ka na HAHAHAHA!" asar ni Brandon at saka nagtawanan na silang lahat maliban sa akin. Sa totoo lang, naaawa ako ni Mark. Kasi parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya.
HINDI MAN LANG MAKALAPIT. .
"Ooyy! Zane! Ikaw pala" biglang sabi ni Brandon.
Huh? Anong ginagawa ni Zane dito?
"Aaah. Uhmm, kuya? Pauwi na kayo?"
'Kuya' ang tawag ni Zane kay Brandon. Medyo close kasi sila dahil magka klase sila noon pang 1st year.

BINABASA MO ANG
15 days for a Wish
Teen FictionNamiss niyo na ba ang HIGSCHOOL moments? Yung mga nakakahawang tawanan, unlimited chikahan, never ending na utangan, forever damayan at very supporting "drama-para-mapansin-at-mabulgar-ka-ng-crush-mo" moments niyong magbabarkada? Aayyyeeeehh! Nagses...