A/N: PLEASE VOTE AND COMMENT :)) Thanks!
xxbitz ~
-*-*-*-*-*
"Thank you to all my fellow students who voted for me as your student council president, to my teachers who never failed to support me. And to my batchmates who always had my back in this past few months of being president. As we count our remaining days as seniors and as students in this school. . ." blah blah blah
Yan ang mataas na speech sa amin ng aming student council president. Hindi ko na lang pinansin yung iba pang sinabi niya kasi baka maka tulog pa ako dito. Naku! Ayoko kayang magka offense lalo na't ilang araw na lang at baboosh na ako sa Ritz Academy.
Andito kasi kami ngayon sa gymnasium ng school para sa aming farewell party. All highschool levels ito.
"Hoy girl, farewell na oh. Ilang araw na lang at magpapaalam na rin tayo sa ating alma mater. Ano ba? Wala ka bang plano i confess yang tinatago tago mong lihim para sa kanya" sabay nguso sa lalaking naka upo sa tapat namin.
"H-hoy! Ano ka ba Euphe! Wag mo ngang ituro. Mamaya mahuli pa tayo niyan. Nakakahiya." sabay subsub ko sa table.
My name is Jaikah C. Verlin. 'Jai' for short. And the guy my bestfriend, Euphe, was pointing? Well, first love ko siya. Bibigyan ko kayo ng little background tungkol sa amin ng labidabs ko ha?
Una ko siyang nakilala a year ago, when I was a 3rd year naive girl. Tss. Actually may boyfriend ako nun at saka nung unang nakita ko siya sa room namin (classmate kasi kami sa 3rd year) ay parang wala lang. I don't give a damn. But it changed nung 3rd quarter. It was PE time and on that quarter, hindi sports ang activity namin kundi... BALLROOM. Before kasi mag proceed sa senior level, may activity ang school namin called "Tribute to my Hero". Parang magbibigay halaga ka sa parents mo. Sabay open up na rin sa kanila, thank you and sorry. Basta ganun. At eto ang i pe-present namin. Tokwa naman, hindi pa naman ako magaling sumayaw -.- tss
Andun kami sa gym para mag line. Isa sa girls at isa sa boys. And ang pinaka ayaw ko sa lahat? By height lang naman. Urgh. Syempre dahil hindi ako ganun ka tangkad ay doon ako sa medyo unahan.
*FLASHBACK*
"Okay guys! Line up please. by height ah," tawag sa amin ng aming PE teacher. Siya rin ang mag tuturo sa amin kung ano ang isasayaw.
At dahil private school kami at nasa section namin ang medyo maaarte na mga students ay ayun! Nagtutulakan kung sino ang sa unahan mag la-line. Feeling mataas lang nuh? Tsss.
At kami namang *ehem* 'mababait' ay sumunod na naka line sa harapan. Yung iba ay meron ng mga partners. Ako naman ay tumitingin sa mga boys kung sino ang pwede kong maging partner.
Hmmm, si Rey kaya? No. Masyadong nerd.
Eh si Marwin? Hindi rin, masyadong hyper. -.-
Eh si Mark? NO. Awkward kasi bali balita na may crush siya sa akin.
Hmmmmmmm. .
HANAP
~ (*_* )
HANAP
( *_*) ~
"guys please cooperate!" napatingin ako sa unahan dahil medyo sumigaw na yung teacher namin.
And then there he is.. Standing handsomely with his cute--
Ay erase hahahaha. Ang korny naman.
Eto talaga ang totoo.. Pagkakita ko pa lang sa kanya nung time na yun, feel ko na love at first sight ako? Or na lilito lang? Ah basta ewan.
One thing is for sure, the moment I laid my eyes on him that time, parang naramdaman ko na SIYA na? I mean, siya yung gusto kong maka partner --,
BINABASA MO ANG
15 days for a Wish
Fiksi RemajaNamiss niyo na ba ang HIGSCHOOL moments? Yung mga nakakahawang tawanan, unlimited chikahan, never ending na utangan, forever damayan at very supporting "drama-para-mapansin-at-mabulgar-ka-ng-crush-mo" moments niyong magbabarkada? Aayyyeeeehh! Nagses...