CHAPTER 3: Husbands

49.3K 855 265
                                    

A/N: THANK YOU po sa mga readers na nagbabasa ng story na 'to :)


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)


'Till next time! Ciao!


=============================================


(Violet's P.O.V)


Pagdating ko sa PUB, agad kong hinanap si Hazel. Namataan ko naman siya may bar counter na umiinom. Naglakad na ako papunta sa kanya. Hindi naman nakaligtas sa akin yung tinging ibinibigay sa akin ng mga lalaking nadadaanan ko habang papunta ako sa may bar counter. Tsh. Men.


"Hey!", masiglang bati ko kay Hazel nang tuluyan ko siyang malapitan.


"VIIIIIIIIIIIIIII!", malakas namang sambit ni Hazel sa pangalan ko sabay yakap sa akin ng mahigpit.


Natatawang ginantihan ko na lang din siya ng yakap. "Wooow. Ang ganda at ang sexy pa rin ng best friend ko a.", puri niya nang humiwalay siya mula sa pagkakayakap niya at pinasadahan ako ng tingin.


I smiled. "Thanks. Ikaw din naman e. Wag kang pa-humble, di bagay sa'yo.", natatawang sabi ko na ikinangisi niya.


"I know. Walang panget sa ating magkakaibigan e.", pahayag niya habang tumatawa din. "And isa pa, kailangan kong i-maintain ang aking sexy figure dahil kung hindi, baka ipagpalit ako ng asawa ko pag naging dambuhala ako."


"As if. Sobrang patay na patay kaya yung asawa mo sa'yo. Kahit siguro maging balyena ka, hinding-hindi ka niya ipagpapalit 'no. Hindi mo pa naman siguro nakakalimutan yung ginawa niya noon wag ka lang umalis sa tabi niya diba?", pagpapaalala ko dahilan para matawa siya.


Kung naging saksi kasi ang mga kaibigan ko sa story ng buhay namin ni Kyle, naging saksi rin ako sa love story nila. At noon nga, may nag-alok kay Hazel ng trabaho sa America. At dahil may malaking misunderstanding sila nung panahong yun ni Lucas, tinanggap niya yung offer para na rin mabigyan muna nila ang isa't-isa ng space. Pero nang malaman ni Lucas yung pagtanggap ni Hazel dun sa trabaho, tinutulan niya agad yun at gumawa siya ng paraan para hindi tumuloy si Hazel sa pagpunta sa America. Lumuhod at nagmakaawa pa siya kay Hazel para wag lang itong umalis, kaso desidido na talaga si Hazel na umalis nung mga oras na yun. Kaya sa sobrang pagka-desperado ni Luke na pigilan si Hazel, hayun at sinigurado niyang nabuntis niya ang kaibigan ko. Kaya sa huli, hindi na rin tumuloy si Hazel sa pagpunta niya sa America.


Pero ilang araw after ng hindi niya natuloy na paglipad sa America, inamin ni Hazel na hindi naman pala talaga niya tinaggap yung offer sa kanya. Pinalabas lang niya na tinanggap niya yun para makita niya kung anong gagawin ni Lucas at para makita rin niya ang sinseridad nito sa kanya. At sa huli nga... things turn out good for them.


"Oh well... ganyan talaga. Masyado akong maganda kaya sobrang nahumaling sa akin ang asawa ko.", ani Hazel na umakto pang sinusuklay ang kanyang mala-Rapunzel hair. Napatawa na lamang ako. "Tara, sayaw tayo?", maya-maya ay yaya niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire's Queen ver.2.0Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon