CHAPTER ONEJack's POV
NAALIMPUNGUTAN ako sa malakas na sigaw sa buong paligid. Mabilis ang tibok ng puso ko na para bang may humahabol sa akin. Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga at tagaktak ang pawis ko sa noo. At ng mapagtanto kong panaginip lang pala ang nangyari ay nakahinga ako ng maluwag.
Tiningnan ko ang katabi na mahimbing na natutulog. Nilapit ko ang mukha ko sa payapang mukha nito at hinalikan sa pisngi. Naramdaman siguro nito ang pagdampi ng labi ko sa kanyang pisngi kaya nagising ang diwa nito.
"Ba't gising ka pa?" Nagtatakang tanong nito. Ang mala-anghel nitong mukha ay hindi talaga nakakasawang pagmasdan. Kahit siguro kaninong babae ay hindi ko ito ipagpapalit. Ang masilayan ko lang ang kanyang matatamis na ngiti ay masaya na ako. Siya ang kalahati ng buhay ko, hindi ko kayang mabuhay kung wala siya.
Handa akong gawin ang lahat para sa babaeng mahal ko. Kahit ang buhay ko pa ang kapalit.
Nginitian ko lamang ito at ginawaran ulit ng halik pero sa pagkakataong ito, sa labi naman na nahuli kong nakaawang. Tinugunan naman nito ang ginawa kong halik at mas lumalim.
"Palagi mong tatandaan, mahal na mahal kita!" Ang sabi ko ng magkahiwalay ang aming mga labi na parehong hinahabol ang hininga. "Kahit anong mangyari ikaw lang ang mamahalin ko,"
Kumunot lang ang noo nito sa mga pinagsasabi ko at tumawa. "Ano ka ba naman, para namang nagpapaalam ka na sa akin niyan eh," pagbibiro pa nitong sabi.
Naaawa ako rito, ano kaya ang mangyayari sa kanya kung sakaling mawala na ako? Siguro sa maikling panahon lang magagawa na niya akong kalimutan. Isang buwan? Taon? Magpapatuloy sa kanyang buhay, mag-aasawa, magkakaanak. Sana ganun nga. Sana maging masaya siya sa magiging buhay niya na wala ako.
"Don't say anything," Inilapat ko ang aking hintuturo sa labi nito at dahan-dahang hinalikan ito. ninamnam ko ang natitira kong pagkakataon na makapiling ang nag-iisa kong pag-ibig. Naglakbay ang mga labi ko mula sa labi niya papunta sa leeg nito, at hanggang sa mapunta kami sa karurukan ng paglalakbay namin. Pagkatapos ay nakatulog na kami ng mahimbing.
*****
NAALIMPUNGUTAN ako sa aking pagkakatulog dahil sa malakas na tunog ng gulong ng sasakyan. Parang may nagbanggaan sa di kalayuan. Mabilis akong tumayo at ininat ang dalawang kamay na pakiramdam ko'y matagal ko nang hindi nagagalaw. Para bang galing ako sa matagal na pagkakatulog. Where am I? Nasa gitna ako ng kalye at may aksidente pa ilang metro lang ang layo. Isang pulang kotse na nayupi sa lakas ng impact ng ten wheeler truck. Nagkagulo ang lahat. Nagkabuhol-buhol na rin ang daloy ng trapiko dahil sa pangyayari.
May nagsisigawan, may duguan at ang iba naman hindi makapaniwala sa nangyari. Nagsilapitan ang mga taong gulantang sa nangyari sa dalawang sasakyang nagbanggaan. Hindi ko na rin napigilang lumapit at tingnan kung ano ang nangyari? Natutulog ako kaya wala akong kaalam-alam sa nangyari. Basta nagising na lang ako sa ingay ng paligid.
Hindi ako makadaan dahil sa dami ng taong nakapalibot sa pinangyarihan. Narinig ko mag-asawa ang nakasakay sa pulang kotse at hindi raw alam kung buhay pa dahil nakayakap ang lalaki sa babae, na parang gusto pa nitong iligtas ang asawa. Tumingkayad ako para makita ng lubusan ang warak nang sasakyan.
Ilang sandali lang dumating ang mga ambulansiya at hindi nila agad nailabas ang mag-asawa dahil naiipit ang mga ito. Sa tulong ng mga rescuers, pinagtulungan nilang tanggalin ang dalawa at inabot ng halos isang oras nailabas nila ang mag-asawa. Parehong nasa kritikal na kondisyon. Sakay sa hospital bed tulak-tulak ng mga nurse.
Mukhang mas kritikal ang lalaki, marami ang sugat nito dahil sa pagtalsik ng salamin ng wind shield ng sasakyan.
"Patay na yata." Wika ng babaeng katabi ko. "Kawawa naman," nakita kong nag-cross sign pa ito.
BINABASA MO ANG
The Life After Death
Mystery / ThrillerIs there such thing as life after death? Totoo bang may naghihintay sa ating bagong yugto ng buhay? Alamin ang kasagutan sa mga pahina ng aklat na ito.