Chapter two
Mula kahapon pa ako sa upuang kinahihigaan ko sa gilid ng kalsada kung saan minsa'y may nagkagulo. Wala nga kasi akong mapupuntahan. Sa kabila ng ingay ng busena ng mga sasakyan nakatulog parin ako na nakatingin sa mga bituin sa langit at pagkagising ko sikat na ang araw.
Dahan-dahan akong bumangon at nag-inat ng katawan. Naroon parin yung aklat, hindi ko pa iyon binubuklat mula kahapon ng makita ko iyon sa gitna ng kalsada.
Tumayo ako, gusto kong maglakad-lakad. Marami nang tao sa paligid. May kanya-kanyang pupuntahan, may papasok sa trabaho, papasok sa paaralan, may mamamasyal, ako lang siguro ang walang kasiguraduhan kung saan patutungo.
Katulad kahapon wala ni isang nakakapansin sa akin. Sino ba naman kasi ako sa kanila, sarili ko nga di ko kilala. Sunod sa agos lang ako, hindi ko naman talaga alam ang pupuntahan ko. Gusto ko lang maglakad-lakad. Naglakad ako sa kabilang ibayo ng kalsada.
Walang anu-anong sumakay ako sa loob ng humintong bus, pasarado na nga yung pinto, muntik ko nang makalimutang kaya ko palang tumagos sa mga bagay-bagay. Marahil iyon na lamang ang advantage ko sa kalagayan ko. Kaya kong gawin kahit ano ng walang ibang nakakapansin.
Naghanap ako ng bakanteng mauupuan, halos okupado na lahat pero may isang upuan sa hulihan. Tahimik lang akong naupo.
Napansin ko ang babaeng katabi ko na nakamasid sa labas ng bintana. Natatakpan ang mukha nito ng mahaba at maitim nitong buhok kaya di ko makita ang mukha nito.
Hindi ko na lamang ito pinansin, isinandal ko ang ulo ko sa backrest ng upuan at ipinikit ang mga mata. Ilang minuto pa'y biglang huminto ang sasakyan.
"Excuse me!" Anang malumanay na boses. Hindi naman siguro ako yung kinakausap nung babaeng nagsasalita kaya nanatili lang akong nakapikit.
"Excuse me Mister, makikiraan po!"
Sino ba naman ang makikipag-usap sa kaluluwang kagaya ko.
Nagulat ako ng may biglang umalog sa binti ko, saka ko lang idinilat ang mga mata ko at nakita ang mala-anghel na mukha ng babae.
"Makikiraan po sana ako Mister!"
"Huh?"
"Bingi ka ba o ano? Sabi ko bababa nga ako at padaanin mo ako!" Naiirita nitong sabi.
"Y-you can see me?" Manghang sabi ko.
Napansin ko ang mukha ng dalaga parang namula sa hiya pagkatapos malamang lahat ng tao nakatingin sa kanya. Malamang, ano na lang ang iisipin ng mga tao sa kanya na mag-isang nagsasalita.
Nagpumilit itong dumaan kahit gusto ko itong pigilan.
"Wait Miss!" Maski ako'y gulat din. Ito lang kasi ang taong nakakakita sa akin. Ito na ang pagkakataon na matulungan ako.
Mabilis itong nakababa pero sinundan ko ito. Agad itong nakasakay sa kasunod na bus at tumalon na lang ako para makahabol sa paandar na sasakyan. Nahanap ko siyang nakaupo sa gitna katabi ang isang matabang ginang, mabuti na lang bakante ang upuan sa likod nito. Mukhang hindi ito mapakali sa kinauupuan marahil dahil sa presensiya ko. Hindi ko naman ito masisisi, sino ba naman ang matutuwang makakita ng multo. Hindi ko naman intensiyong takutin ito. Ito lang ang pag-asa ko na matulungan ako.
"Miss, I'm not here to hurt you!" Sabi ko. "As you can see I'm a ghost and you're the only strange person that can see me."
Wala itong imik.
Pagkatapos ng ilang minuto huminto ulit ang sasakyan at walang lingon itong lumabas na parang walang narinig. Sinundan ko lang ito pagkababa ng bus. Para akong stalker sa kakasunod rito pero wala nang ibang makakatulong sa akin kundi ang babaeng yun lang. Ayokong maging ligaw na kaluluwa sa buong buhay ko, I mean kaluluwa ko pala.
Hindi ko alam kung ilang kilometro ang nilakad nito pero sinundan ko lamang ito. Alam kong alam nito na sinusundan ko ito dahil nagmamadali ito. Pumasok ito sa isang compound. Sumunod lang ako rito papasok. Umakyat ito sa baitang at huminto sa pangatlong palapag. Nasa labas ako ng pintuan kung saan pumasok yung dalaga kanina sa bus. Papasok na sana ako alam ko naman kasing tatagos lang ang katawan ko sa kahoy na pintuan ng maliit na apartment subalit hindi ko magawang makapasok. May bagay na nakaharang sa pinto na hindi makita.
Kinalampag ko ang humaharang na bagay sa pintuan pero hindi ko man lang magalaw. Parang barrier na nakaharang para hindi makapasok ang mga katulad ko.
"Miss, I just want to talk to you! I'm not a bad apirit,
Nagpatuloy lang ako sa pagkalampag. "Please let me talk to you," pagpupumilit na sabi ko.
"Sino ka? Bakit mo ako sinusundan kanina pa?" Sa wakas nagsalita rin ito.
"I'm Jack!"
"Isa kang kaluluwa, bakit ka nandito? Please lubayan mo na ako!"
"Miss, hindi kita sasaktan, nandito lang ako para humingi ng tulong,"
"Hindi kita matutulungan, please umalis ka na, wag mo na akong takutin!"
"I won't unless you come out, kausapin mo ako, alam mo bang ikaw lang ang taong nakakakita at nakakausap ako? Walang ibang makakatulong sa akin ikaw lang!" Sabi ko.
Sandaling itong tumahimik at dahan-dahan nagbukas ang pinto at bumungad sa akin ang maputlang mukha nito. May hawak pa itong malaking krusipiho na nakakatawa tingnan. Matapang ito kung tutuusin na pagbuksan ang isang multong kagaya ko. Pero halata namang maraming bisis na itong nakatagpo ng katulad ko.
"Jack Daniel Alvarez?" Hindi makapiniwalang sabi nito.
A/N: Naeexcite na ako sa mangyayari, ano kayang mangyayari ngayong kilala pala si Jack nung babaeng may third eye? Abangan po ang susunod na Chapters.
P.S. Sana wag kalimutang mag comment, I swear malaking bagay yan sa akin. Namomotivate po akong magsulat pag may comments.
BINABASA MO ANG
The Life After Death
Mystery / ThrillerIs there such thing as life after death? Totoo bang may naghihintay sa ating bagong yugto ng buhay? Alamin ang kasagutan sa mga pahina ng aklat na ito.