PROLOGUE
Jack's POV
HINDI ko alam kung nasaang lugar ako, wala akong makita dahil nababalot ang buong paligid ng kadiliman. Naghuhumiyaw ako ng tulong pero tela walang tinig na lumalabas sa aking bibig. Parang umiikot ang mundo ko at nahihilo ako.
Maya-maya may narinig akong kaloskus sa di kalayuan. May mga yabag. Alam kong may tao sa paligid.
"T-tulungan niyo ako!!!!" Nagsusumamo kong sabi. "Please kung sino man kayo, paalisin niyo na ako dito!" Nagmamakaawa.
Isang malutong na tawa lang ang narinig ko na pumapalibot sa buong silid na kinaruruuna ko. Parang nasa loob ako ng isang yungib na kahit sarili mong pag-hinga maririnig mo.
"Sino yan??"matapang kong tanong kahit halata sa tinig ko ang panginginig sa takot.
"Jack, Jack, Jack!!!" Sambit nito sa pangalan ko at humagalpak ulit sa tawa. "Nakakaawang Jack, pag-aari ko na ang buhay mo at wala ka nang magagawa, ito ang kabayaran ng lahat ng ginawa mo!!!hahaha!!!" Sabi ng malademonyong tinig mula sa kadiliman.
Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi ng kung sinong demonyo sa paligid ko. Wala akong ginawang masama at hindi ko ito kilala."magpakita kang demonyo ka! Ano bang kasalanan ko sa 'yo at ginagawa mo to sa akin??" Halos maluha na ako sa magkahalong galit at takot sa aking dibdib. Ngayon palang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko. Yung pakiramdam mo na wala ng pag-asa?
"Jack!!" Sambit nito ulit sa pangalan ko at sa wakas nagpakita na rin ito. Hindi ako makapaniwala na galing dito ang mala-demonyong boses kanina dahil kung tutuusin mukhang anghel ang nilalang na nasa harapan ko. Sa suot nitong itim na tuxedo ay aakalain mong isa ito sa mga tanyag na businessman. Nakatuon lang ang aking paningin sa kulay pula nitong mga mata na kapareho ng kulay ng buhok nito. Animo'y hinihipnotismo ako ng mapupungay nitong mata dahil hindi ko magawang alisin ang paningin dito. "Jack..." Halos pabulong nitong sabi pero malinaw parin sa pandinig ko. "Ginusto mong mangyari ito kaya wag mo akong sisihin sa kinahantungan ng buhay mo!"
"Bakit ko gugustuhing mapunta sa madilim na lugar na ito at tsaka hindi kita kilala!!" Nagpupuyos sa galit ang aking dibdib.
"Wala ka ng magagawa!" At humalakhak ulit ito. Gusto ko sanang sugurin ito ng suntok pero saka ko lang napansin may mga bakal pala sa kamay at paa ko. Nagpipit kong tanggalin ang mga bakal sa kamay ko pero mukhang denesinyo na yun sa kamay ko at hindi matanggal. Wala akong nagawa kundi magsisigaw, umiyak dahil sa kawalan ng pag-asa.
Ito na ba ng katapusan ko? Hanggang dito na lang ba ako? Tatanggapin ko na lang ba ang kapalaran ko?
Umalingaw-ngaw sa buong paligid ang napakalakas kong sigaw na parang asong umaalulong. Nagmamakaawa, nagsusumamo at punong-puno ng takot ang aking dibdib.
![](https://img.wattpad.com/cover/69943851-288-k4314.jpg)
BINABASA MO ANG
The Life After Death
غموض / إثارةIs there such thing as life after death? Totoo bang may naghihintay sa ating bagong yugto ng buhay? Alamin ang kasagutan sa mga pahina ng aklat na ito.