KATHANG ISIP (II)

52 3 0
                                    

"Tang ina niya! May pa back hug pa siyang nalalaman kapag nanunuod kami ng gig, todo linkis kapag nanunuod kami ng sine, pati nga paghalik sa noo at kamay ko hindi pinalagpas tapos sasabihin niya komportable lang s'ya sa akin?"


Tinungga ko ang iniinom kong beer. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo kaya alam kong mailalabas ko na ang mga hinanakit ko. Hindi ako naka iyak kagabi dahil hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang mga nangyari. Buong gabi lang akong naka tulala.

"Aba, nalimutan niya atang babae ako? I might fall because of that gestures. Putang ina. Ano ako spotify? Netflix? Ako lang 'yung pang 30 days trial? Ako muna lalandiin niya habang hindi pa siya sinasagot ng impakta na 'yon."

Kinuha ko naman 'yung shot glass na may lamang tequila at ininom 'yon nang walang halong asin at lemon. Ginawa ko na lang chaser itong beer.

"Girl, dahan-dahan lang baka malasing ka." Pananaway sa akin ni Kathleen at pinilit kunin sa akin ang hawak kong alak.

"Parang kapatid lang daw ang tingin niya sa akin, may magkapatid bang naglalandian? Holding hands while walking? Kingina niya!"

Dito na ako naiyak. Napasapo ako sa noo ko. Ang tanga ko.

"Pinagmukha niya akong easy to get sa mga ginawa niya. Ako naman 'tong si assuming, fall na fall."

Kumalumbaba ako sa mesa habang humahagulgol. Hawak ko sa kabila kong kamay ang boteng pinaglalaruan ko.

"Three years ang na sayang. Hindi nga dapat minamahal ang kaibigan."

Gusto kong makalimot pansamantala sa nararamdaman ko. Kinuha ko ang Cuervo at chinug ko 'to. Mukhang nabigla silang lahat kaya pinilit nilang agawin sa akin ang bote at pinapakalma ako.

"Wala ka namang kasalanan, Peachy. Nagmahal ka lang." Sabi ni Kathleen. "Kung may nagkamali man, siya 'yon. Kasi naging insensitive siya."


"Time will heal... Kumalma ka lang muna d'yan. Hindi alak ang sagot." Dagdag ni Janna.


"Peachy, sorry na. Ako talaga may kasalanan kung bakit ka nagkakaganyan. Sana pala hindi ko na lang sinend sa groupchat natin 'yung mga screenshot ng IG nila." Paliwanag ni Nadia.


"Hayaan niyo na, girls. Let's move on na lang." Sabi naman ni Janna.


"Fuck! I hate this feeling."

Pinunasan ko ang tumapon na alak sa may baba ko at tumayo para pumunta sa dance floor. Alam kong pagewang-gewang na ako kaya naman aware akong may nakakabunggo na akong tao.

"Sorry... Excuse me."

Nagsayaw lang ako sa gitna ng dance floor na parang walang bukas. I don't care kung i-judge nila ako, 'di ko naman sila kilala.

"Peachy. Tama na, balik na tayo sa table."

Dinuro ko si Kath at Janna at sabay tumawa. Pinasayaw ko rin sila kaso pinipigilan talaga nila ako.

"Wag niyo ako awatin, gusto kong sumayaw."


Pinilit kong makakawala sa pagkakahawak nila, kung sinu-sino na nga lang din ang naka sayaw ko. Hanggang sa nakaramdam ako nang hindi maganda. Nasusuka ako.


Tumakbo ako agad sa C.R at dumeretso sa inidoro. Hinahagod ni Janna ang likod ko habang hawak ni Nadia ang buhok ko para hindi humarang sa mukha ko habang nagsusuka.


"Nads, kuha lang ako ng tubig."

"Sige, bilisan mo, ah."


Pagkatapos ko sumuka ay inalalayan ako ni Nadia pumunta sa lababo para maghilamos at mumog. Sobrang wasted ko na. Hindi ko na ma-control ang ginagawa ko. Dumating na ulit si Janna at ibinigay sa akin ang tubig para mainom ko na.


Ben&Ben Brought Us Here Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon