WAR (II)

26 0 0
                                    

Ang hassle naman today, bakit bigla pang umulan? Bigla tuloy nagtraffic, sana maka abot pa ako on time kasi paniguradong marami nang tao doon sa venue.

May concert ngayon ang Ben&Ben at marami silang special guest, balita ko nga ay sanib pwersa raw lahat ng mga banda rito kaya excited akong malaman kung sinu-sino ang mga 'yon.

"Excuse me." Pasintabi ko sa mga nakakasalubong kong tao pagkababa ko sa grab.

Naglakad na ako papunta sa gate ng pang VIP and I saw Keifer standing there. Busy siya sa pagcecellphone kaya nang malapit na ako sa kanya, bigla ko siyang kiniliti sa tagiliran at ngumiti.

"Uy!" Bati ko sa kanya.

"Hindi naman nakakakiliti, eh." Hinawakan niya 'yung part na tinusok ko. "Masakit."

"Sorry na!"

At dahil umuulan, pinapasok na agad kami sa loob. Hindi naman ako ang magpeperform pero sobrang lamig ng kamay ko sa kaba. Nakaka-excite na ewan. For sure goose bumps every performance.

And I'm so thankful na sinamahan ako ni Keifer dito. Nagulat na lang ako 'nung tinag siya ni Dj sa tweet ko, ni hindi nga siya nagreply doon pero active naman sa pagreretweet ng mga kung anu-ano. Sabagay, knowing Keifer, mukhang wala siyang interest sa concerts lalo na't Ben&Ben pa 'to.

Almost 2 months na kaming magkakilala, continues na din ang paglabas namin every friday night or saturday. Everyday naman kaming magkachat or text para mag-update kung anong nangyari sa amin sa buong araw.

Hindi ko in-expect na aabot kami sa ganitong punto. Sa totoo lang, hindi na dapat ako pupunta rito kasi ayoko talagang mag-isa, as what i've said. Wala rin naman si Jino na lagi kong nakakasama. Nagulat na lang talaga ako nang i-surprise niya ako ng dalawang VIP ticket two days ago.

"Ganda ng stage set up."

Paglingon ko sa kanya ay naka tingin lang siya sa harapan at palinga-linga sa paligid na tila nagmamasid.

"First time mo pumunta sa concert?"

"Yes."

Grabe naman 'tong tao na 'to. At least na experience na niya ngayon. "You should thank me. hahaha" Pagbibiro ko. "Ma-eenjoy mo 'to promise."

"Hindi naman ako fan ng Bennyben." Apila niya.

Imbes na mainis ay natawa ako sa sinabi niya. Napatingin siya sa akin na mukhang nagtataka pero hindi ako agad makapagsalita dahil tumatawa pa rin ako, maluha luha na nga.

"What?"

"Bennyben? Who's that?" Hindi pa rin ako natigil. "Ben&Ben kasi."

"Whatever." Binigyan niya lang ako ng nakakainis na tingin. Mukhang naninindak pero walang effect dahil laughtrip pa rin.


"May iba namang band so kahit na." Sabi ko pagtapos kong tumawa.


"I know."

At nagstart na ang concert. Ang opening number nila ay ang bandang Muni-muni. Ang ganda ng mga songs nila, lalo na 'yung Sa Hindi Pag-alala. Ginawa ko 'tong senti song tuwing gabi. Paano ba naman 'yung chorus nila. "Kakalimutan na kita. Heto na..." At tumalab naman, hindi ko na masyadong inaalala si Jino.

Second band is The Juans. Intro pa lang ay tilian na ang mga tao, eh. Lalo na sa part na "Pinagtagpo pero hindi tinadhana" na line. Sadyang gano'n lang talaga, may mga makikilala tayong tao para magbigay ng lesson sa buhay natin. Hindi natin sila mapi-please kapag dumating ang araw na lilisanin na nila tayo.

Ben&Ben Brought Us Here Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon