BIBINGKA (II)

30 0 0
                                    

Sa probinsya magpapasko at bagong taon si Keifer kaya hindi ko siya makakasama ngayong christmas break. Kaya nagrequest siya na ilaan namin ang buong araw ng linggo para sa aming dalawa lang bago siya umalis.

Sinundo niya ako ngayong madaling araw para magsimbang gabi. Napakaraming tao sa simbahan, mabuti na lang at may nahanap kaming mauupuan pa. At talagang ramdam mo na ang christmas spirit dahil sa simoy ng hangin.

Pagkatapos nang misa ay lumabas na kami at habang papunta sa pinag-parking-an namin ay napukaw ang atensyon namin nang maaboy ang bagong luto na bibingka. Nakakatakam.

"Gusto mo?"

"Sige."

Hindi ordinaryong nagbebenta ng bibingka at puto bungbong lang ang pinuntahan namin dahil may mga table and chairs sila, so, basically p'wede kang mag dine in dito. Good thing kasi mas masarap kainin ang mga 'to kapag bagong luto.

Um-order siya ng tig-dalawang bibingka at puto bungbong. Pagkalapag niya nito sa mesa gusto ko na agad lamunin, eh.

"Omygad, all time favorite talaga 'tong puto bungbong." Ninanamnam ko pa pag nguya ko, eh. Wa-poise pero keri lang.

"Ayaw mo ng bibingka?"

"Hindi naman sa ayaw. Mas nag-iistand out lang talaga sa akin 'to."

Ang dami nang naging evolution nitong Puto bungbong. Dati niyog at asukal lang ang nilalagay sa ibabaw, ngayon may keso at condense na. Talaga ngang special! Mas special pa sa special.

"It's good." Ito ang komento ni Keifer nang matikman niya ang bibingka. "Ito pinakamasarap na bibingka na natikman ko."

"Really?" Dahil sa curious ay tinikman ko rin ito. "Yeah, this is good."

Ang sarap! Tama lang ang pagkakaluto at saka nagbabalance 'yung alat at tamis na lasa. Ang dami pang naka lagay na itlog na maalat.

"I changed my mind. Sorry, puto bungbong pero may pumalit na sa'yo."

"Oh, that's sad. Pinagpalit."

"Ang sarap kasi nitong bibingka nila ate. Nakakabago nang pananaw sa buhay." Natawa ako sa pinagsasabi ko, "O tumatanda na lang talaga ako at ayoko na sa mga matatamis?"

"Kahit gaano mo pa kagusto ang isang bagay, kapag nagsawa ka na, mabilis na lang mahanapan ng iba 'noh?" Seryosong tanong niya habang pinaglalaruan ang bibingka na naka tusok sa tinidor nya.

"Hindi naman sa nagsawa. Hindi lang talaga tayo p'wedeng magstay sa isang bagay. Lalo na't marami nang ipinagbago 'yung bagay na naka sanayan mo."

Naging seryoso na ang usapan namin. Puto bungbong at bibingka pa rin ba ang topic namin o iba na? Nagkakalaman na, eh.

"Katulad ng?"

"Ng?" Balik kong tanong kasi hindi ko na gets.

"Anong pagbabago sa bagay na 'yon? Bakit ayaw mo na magstay?"

"Yung puto bungbong kasi dati niyog at asukal lang nilalagay. The classic one! Ang simple pero perfect. Kaso ngayon kasi, may dumagdag nang iba sa kanya. Nilagyan na ng keso okaya minsan condense. Masyado nang sobra. Parang hindi na minsan masarap." Napalunok na ako ng laway ko. Biglang nanuyot ang lalamunan ko, eh. "Eh, itong bibingka, pareho pa rin siya sa naka sanayan."

"Willing ka talagang ipagpalit 'yung bago mong natikman na bibingka kaysa sa all time favorite mong puto bungbong?"

Tinignan niya ako sa mata, hindi na ako naka iwas ng tingin kasi tila minamagnet niya ako. Hindi na siya ngumingiti ngayon at napakaseryoso pa rin. Para naman akong bibitayin.

Ben&Ben Brought Us Here Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon