Chapter 10:
(Dominic's POV)
Aish! bakit ba nandito ang bubwit na ito?
Agad akong tumakbo papalapit sa lugar nila at agad na sinigawan si Kyle.
" hoy bakit ka nandito ha?" inis kong tanong kaya naman napalingon si Jen na gulat pero biglang nagbago ang expression nito. Patay wrong move.
" hoy! alam mo ba na ilang milya na ang tinakbo para lang matakasan ko ang mga die hard fans mo?! " aish! ang brutal talaga ng babaeng 'to pinag sisipa at pinag susuntok niya kasi ako ngayon as usual naman kilalal ko na siya kaya naman expected ko na ganito talaga ang e rereact niya kaya naman alam ko na kung paano mag depensa.
" tama na yan Jen" aba! ang kapatid ko na 7 years old feel na feel ang pagtawag kay Jen ng Jen lang ah!
" hehehe, alam mo kasi ang kuya mo may kasalanan sa akin dapat ganun ginagawa mo kapag may kasalanan kuya mo hehehe, bakit ka pala naparito Kyle? " tss, ang sarap upakan ng kapatid ko at si Jen naman ang sar--- aish!
" tara Jen punta ka ulit sa bahay maglaro tayo ng teken! " sabi ni Kyle kaya naman agad akong nag react.
" sinong pupunta ha? bawal!" sabi ko sabay cross arms.
" anong bawal bawal ka jan Kuya? bahay ko din yun kaya pwede! tara Jen" sabi niya sabay higit sa kamay ni Jen sabay lakad na.