Chapter 19

29 2 0
                                    

Chapter 19: 

(Jen's POV)

Little Teacher's na at ang topic ko lang naman ay... about sa love love na yan kuno, kainis naman yung Mapeh teaher namin sa Mapeh tungkol pa sa love yung ibinigay na topic eh sabi ko na nga na wala akong experience jan sa pag-ibig na pag-ibig na iyan pero insist siya ng insist kakainis nga tss pero wala akong magagawa eh teacher eh.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAH! kinakabahan ako dahil sa topic ko nandito kasi kaming lahat mga little teachers sa faculty dahil binibigyn kami ng mga advice para i handle yung mga section na mga pasaway. At eto namang si Gonda talagang ang taas ng self confedence ng loko kung maka evil smile sa akin eh para bang sinasabi by the looks of him na 'kinakabahan-ka-ano?-tss-looser!' kainis! hindi ko na lang siya pinatulan at tumalikod na ako, kainis talaga ng lalaking iyon kahit kailan! ewan ko kung bakit ako inis na inis ng ganito sa kanya basta kainis siya sa paningin ko kahit na ang iba naming kasamahan na mga nandito sa faculty eh panay tingin sa kanya sabay bulungan na ang gwapo niya at ang loko naman eh todo smile pa tss -____-

" basta students do your best " sabi nung secretary. Malapit na palang matapos kainis naman kasi itong si Gonda panay tingin sa akin ng nakakaloko sinabayan pa ng ngiting nang-aasar.

" okay your dismissed " sabi niya kaya naman nag sialisan na kami.

Pumunta na ako sa first period ko at ako naman eh talagang feel na feel ang pagiging teacher naka formal dress kasi ako ngayon, knee level lang na foral dress na V ang neck line at sleveless at simpleng naka I.D ng school, yung ibang babae is with all the wedges at killer heels pero ako? nah! doll shoes lang okay na, may dala akong bag ng laptop dahil wala lang trip ko lang, tapos dala-dala ko ang book namin sa fourth year na Mapeh,

Eto na nasa labas na ako ng room ng class B at phewh ninenerbyos ako pero eto na.

" Good Morning class" sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob. Nagsitayuan naman sila at binati ako.

" ako nga pala si Jen Fernandez from class A Building 4-1" sabi ko. Ang fourth year kasi ay may iba't ibang building. Kung sa elementary is per grade level is may dalawang building. Sa high school is ganun din, every year level is may dalawang building. Sa college is every year level is may maraming building according sa mga courses. Kayo na lang ang bahalang mag imagie kung gaano kalawak ang Stone Wall Academy, isali niyo din sa pag iimagine ang mnga offices, MGA gymnasiums, POOLS, training areas, gardens, parking lots at marami pang iba. It takes me one year para lang maka bisado ko 'tong school at mabuti na lang at dito ako nag elementary with Gonda teka, bakit na damay si Gonda dito? tss.

" diba ikaw yung Number one rival ni Dominic Gonda?" eh? ganun ba talaga ako kasikat? hohoho

" uhm... definetly yes " sabi ko. Tss, bakit ba kasi ganun ang tittle ko? diba pwedeng one of the Intelligent Girl in Stonw Wall Academy?

" okay so, may ipapagawa muna akong activity sa inyo, madali lang naman 'to. Draw in a short bond paper a thing that symbolizes your feelings right now, only 30 minutes " sabi ko kaya naman agad na ginawa nila ang activity. Hahaaayy... ang boring naman, maya't maya pa mga 10 minutes pa ata simula ng binigay ko ang assignment ko tapos agad na may natapos?

Kinuha ko yung papel lalaki nagbigay pero pagtingin ko sa papel yung pangalan is pambabae. Amber Gilbert ang nakalagay tss, siguro inutusan niya yung alaki tinatamad siguro, yung lalaki naman eh naka akbay sa kanya ngayon tabi sila sa may left side second to the last row galing sa likod.

Ang drawing naman is heart shape na color black, huh? ang weird pero I think bored siya sa kasama niya ngayon.

Tinignan ko ang relo ko at tamang tama 30 minutes na.

" pass your papers now" sabi ko kaya naman nagsimula na silang mag forward ng mga papel.

Ng makuha ko na lahat tumayo na ako. Eto na sasabihin ko na ang topic ko na hindi ko man lang na experience at wala akong balak because study first!

" ang topic ko is all about love " sabi ko kaya naman nag si hiyawan naman sila lalo na yung mga babae kung maka sigaw parang mag fre-freak out na.

" sino ng naka experience ng love dito?" sabi ko kaya naman woah! lahat ata nag raise ng hands pero meron akong nakita na tumayo, si Amber Gilbert, saan kaya siya pupunta?

" excuse me pero kailangan kong lumabas" sabi niya na para bang nagmamadali.

" sige you may go out" sabi ko kaya agad siya lumabas ng room at dali-daling sumakay ng elevator. Nabigla naman ako dahil biglang tumayo at lumabas din si Kevin Salvatore ata yun, yung patay na patay raw na foreigner na iniwan ni Amber Gilbert sa New York. Pinabayaan ko silang dalawa na umalis kaya naman yung ibang babae sa room eh panay bulungan naman. Di ko na lang sila pinakealaman kaya naman nag proceed na ako sa topic ko, so habang tumatagal naman okay naman yung pag di-discuss ko ng may biglang pumasok.

The RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon