Chapter 18

38 2 0
                                    

Chapter 18: 

(Jen's POV)

Monday na kaya nandito lahat ng teachers and students sa gym dahil may flag ceremony. May mga konting sinabi yung secretary ng school, secretary lang kasi ang palagi naming nakikita at yung iba pang mga officer ng school kasi yung prinipal namin na si Ms. DLL at yung Vice Principal eh di pa namin nakikita at wala pang nakakakita sa kanila exept sa secretary. Si Ms. DLL ay palagi raw nandito sa skul pero wala pang nakaka identify sa kanya ganun din ang Vice Principal pero yung VP daw yung parang nagsasabi lang na ganun ang gagawin pero over the phone lang. At ngayon sabi ng secretary na ang sabi daw ng VP sa kanya na sabi daw ni Ms. DLL na magkakaroon daw ng activity sa school ang Little Teacher's Day, yung mga piling studyante na parang magiging teacher sa isang subject pero just one day only.

" I will now call the chosen students who will be one of the Little Teachers" sabi nung secretary, yung iba naman excited raw kasi baka may meet raw sila ng gwapo tss, mga babae nga naman mga malalandi, at yung iba naman excited dahil baka si Gonda daw ay matawag tss, naaalala ko nanaman tuloy yung nangyari nung saturday aish!

" Dominic Gonda" tss, siya nanaman -_____- yung mga babae naman sa gilid ko panay tilian, ay mali halos ata nagtitilian, umakyat naman si Gonda sa stage.

" Jen Fernandez " :D akala niya siguro na hindi ako kasali mwahaha! pero kainis lang mas nauna siyang tinawag kesa sa akin, umakyat naman ako sa stage at nag smirk kay Gonda pero ang loko nag grin! kainis talaga ng mukha niya malas siya!

" Gina Mercado " ahh kasali pala siya, siya yata yung top 1 sa class A sa building nila, magkaiba kasi kami ng building pero magka batch kami mga fourth year high school, maganda siya pero nah! mas matalino naman ako, balita ko rin na slut daw siya pero balita lang di ko alam ang totoo pero I think totoo nga kasi panay lingon niya kay Gonda tss.

" Robert Green " aahh.. kilala ko rin siya, classmate sila ni Gina Mercado sa Class A, matalino, talented at Varsity Basket Ball daw kaya matangkad, hmmm... gwapo siya kaya pala isa sa mga hottest guy dito sa SWA. Balita ko may nililigawan daw siya noon pero nabasted pero hanggang ngayon daw mahal niya parin ang babaeng 'yon at nandito daw sa SWA pero hindi daw nila alam kung sino. Isa siya sa Journalism officer at champion sa Table Tennis.

Dami kong alam noh? malamang baka gawin pang essay sa exam ng teachers namin ang mga balit tungkol dito sa school at mabuti na rin na may alam para di ma o.p.

May balita pa nga na may model daw na dumating dito kahapon at balita sa news paper na may fiance daw siya dito kaya pumunta siya dito, Brian Han ata ang name nung model at yung Fiance naman ay si Venice Standford yung sikat na isa sa hottest girl dito kasama yung barkada niya na sina Jannette Brown at Grace Smith na isa rin sa mga hottest girls.

May tinaguriang nga ring Casanova Queen ang pangalan ay Amber Gilbert, grabe daw yun daig pa ang mga playboy dito sa school, every week may iba't ibang lalaki ang kasama at ang mas malala alam daw nung mga lalaki na flavor of the week lang sila o tinuturing na laruan ni Amber Gilbert wala daw silang pakealam basta mahalikan lang sila nung Amber Gilbert, may balita pa nga raw na may pumunta sa dito sa school na mukha daw foreigner na taga New York, iniwan niya raw yung lalaki doon sa New York kaya hinabol habol siya dito at mukhang patay na patay sa kanya.

Meron pa, artista nanaman na galing ibang bansa tapos pumunta lang dito sa Pilipinas dahil nandito daw ang kanyang ex Girlfriend kung baga mahal niya parin ang babae pero di nila alam kung sino pero may isang babae na pinaghihinalaang yun daw yung ex girlfriend niya at yun ay si Karla S. Chang fourth year High School sa kabilang building rin section D mayaman, palaging kasama ang kanyang bestfriend na si Jaime at ewan di ko alam ang last name, typical high school student sila pareho.

May teacher din na kinakakiligan ng mga babae dito sa school siyempre meron namang hindi at kasali ako doon, hot daw at super gwapo, matalino rin, at mayaman basta para daw package na package na. Sabi sabi ng iba na single daw pero di naman confirm at sabi sabi naman ng iba na may girlfriend daw at meron pa ito mas matindi, may asawa na daw pero di nila kilala kung sino, ewan di ko na alam ang totoo sa mga chismis na iyon tss.

Meron pa may Most Wanted to be bullied dito balita na mahirap lang daw siya pero naka pasok siya dito sa Stone Wall Academy dahil athlete siya sa Taekwando si Dave Martinez kaya ayun naging scholar pero hindi naman daw matalino, balita nga raw na may relasyon sila nung taga class A na classmate nila Robert Green, president daw yun ng Bookworm Club kasi naman daw palagi silang magkasama at binuhat pa raw ni Dave Martinez patungong clinic si Kristen Madrigal yung ka relasyon daw at bestfriend raw ni John Ace yung one of the hottest playboy dito sa school.

Meron ding sikat na magkabarkada si Liana Brown hindi daw sila magka ano-ano ni Jannette Brown, si Liana Brown daw eh may pagka cold at balita na may nanliligaw daw sa kanya dati pero binasted daw sa hindi alam na dahilan at di naman nila alam na kung sino. Si Remy at Moh yung music lover couple sa barkada nila si Sandy at Karl naman ang cookie monster lover. Isa sila sa mga journalism officers, si Liana sa cartooning, Sandy sa broadcasting, si Remy sa news writting, si Karl at si Moh naman ay sa Editorial at sa photo journ rin.

Talented daw silang lima na magkakabarkada at minsan lang sila makipag halubilo sa sa ibang tao, ang pinaka may mainitin daw ng ulo ay si Liana pero di naman daw siya ganun dati.

At ako? ang title ko lang naman eh Number one Rival of Dominic Gonda at sa kanya naman Number one Rival of Jen Fernandez. Sikat din kaya ako noh pero minsan nasasabihan na nerd dahil palagi ko lang naman dala ang makapal kong dictionary eh sa favorite ko naman na magbasa ng dictionary eh pake nila? tss, di porket nagbabasa ng dictionary at matalino Nerd agad? tss.

At lastly ang pinaka sikat na most, creepy, may pagka snob, mahirap basahin ang action and ways niya, isang salita niya lang ma confuse ka na kung anong meaning, expressionless palagi ang mukha, pinsan ni Amber Gilbert ang Casanova Queen, fourth year college fashion designer department, at ang pinaka mysterious Girl sa Stone Wall Academy si L Gilbert. Walang nakaka-alam kung saan siya nakatira, kailan ang birth day niya, cellphone number niya, no love life, mahilig mamulsa, palaging naka yuko pero stand straight maglakad, palagi ring naka earphones.

Lahat ng yun nalaman ko dahil lang sa mga chismis at bulung bulungan na mukha namang di nag bubulungan dahil sa lakas.

Ano na kaya ang magiging resulta? Next week pa naman ang Little Teacher's Day kaya may time pa akong mag prepare alam ko na kung anong subject ako, I'm on Mapeh, Gonda is on Math, Gina Mercado is on English and Rober Green is on Science di na ako nakinig sa iba di ko naman sila kiklala.

Sana naman di kami magkita next week ng Gona na yun kundi titirisin ko talaga siya!!!

The RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon