Chap-15

5.8K 193 3
                                    

Huminto ang kotse nila sa isang tapat ng fast food. Napamulat ang mga mata niya at napalibot ng tingin sa labas.

"Buti at gising kana. C'mon let's eat. Masyadong malayo pa ang pupuntahan natin." Wika ng katabi ni Max.

Ni hindi man lamang nito hinintay ang pagsagot niya at naunang lumabas ng sasakyan.

Nakaramdam ng inis na lumabas siya at sumunod dito.

Ramdam niya ang ginaw sa paligid lalo na't naka-short shorts lang siya. Maaga pa naman at sa tingin niya ay ala-sais pa. 

Kaagad napansin ni Max ang kakaibang tingin ng mga tao sa loob ng naturang kainan. Lahat ay napapalingon at napapasunod ng tingin sa dalagang katabi niya.

Ewan. Pero nakakaramdam talagan siya ng inis ng mga oras na iyon. Parang gusto niyang kabigin ito at dalhin pabalik sa loob ng sasakyan. Ang mas lalong ikinainis din niya ay ang pangdedeadma din nito sa kanya.

Nakabusangot ang mukhang lumayo siya sa tabi nito. Nababadtrip siya!

Sa halip ay padabog siyang naupo sa isang bakanteng upuan.

"What do you want to eat?" Narinig niyang wika nitong nakasunod pala sa kanya.

"Kahit ano. Nawalan na ako ng gana." Aniya. Akala talaga niya ay hindi siya papansinin nito.

Tsk. Kainis!

At bakit big deal sa kanya ang bagay na yon?

"Okay." Parang wala lang din na wika nito na mas lalong ikinangitngit ng ngipin niya.

"I want spaghetti. Yong maraming tomato sauce." Napahabol niyang wika nang talikuran siya nito.

"Drinks?" Muling baling nito.

"Pineapple juice." Aniya.

"Anything? Kailangan nating magtake-out dahil baka mas lalo tayong matatagalan kung hihinto pa tayo at kakain mamaya." Muling wika nito.

"Just spaghetti. And burgers." Walang gana niyang sagot.

"Fine." Anito at pumunta na ng counter.

"You want chicken?" Narinig si Max na wika ng kaharap niya habang sarap na sarap nitong nilalantakan ang piraso ng pritong manok.   

Napailing siya.

"I don't like chicken." Aniya at uminom ng kanyang juice.

"Hhm. Why?" Tila naging interesado nitong tanong.

Aktong sasagot na sana siya dito nang mapansin niya ang iilang kalalakihan na pasulyap-sulyap dito. Taliwas sa inaasahan niya ay ang makita kung paano nginitian ng dalaga ang mga ito. 

"It's just. I don't like chicken. Period." Masungit niyang sagot.

Nagtaas lang ito ng kilay sa naging tinuran niya.

Sa inis niya ay walang pakialam na sinubo mabilis na inubos niya ang kanyang spaghetti. Yes. This one is yummy! Favorite niya ang kumain ng spaghetti lalo na at luto ni Aling Lucy, ang kanilang tagapagluto.

Napansin niya ang pagkagat nito ng pangibabang labi. At paiwas na tumitingin sa kanya.

Napataad kilay siya nang makita ang amusement sa mukha nitong napapatitig sa kanya.

"What?" Di mapigilang tanong ni Max.

Sa pagkakataong yon ay sumilay ang nakakaakit nitong mga ngiting lumapit ang mukha sa kanya.

"W-What are you d-doing?"

Bahagya pa niyang inilayo ang mukha dito sa di maipaliwanag na dahilan ay tila tambol na binabayo ang kanyang dibdib.

Nagkatitigan silang dalawa na wari ay iisa lang ang takbo ng isip nila.

Napatingin ito sa labi niya at gayun din naman siya.

Napalunok siya.

Subalit, bigla na lamang niyang naramdaman ang pagpahid nito sa may gilid ng kanyang labi.

"Kid." Matamis ang ngiting nagbalik ito sa tamang pagkakaupo.

Asar naman niyang tiningnan ito ng masama.

 

              

AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon