Chap-31

4.8K 196 2
                                    

"Sapat na ang ebidensyang nakita ko ngayon. Pero bakit ipinipilit nyo pa rin na paniwalaan ko ang isang bagay na hindi naman niya ginagawa?" Aniya matapos paulit-ulit na nakikita ng mga mata niya ang record video na kuha ng CCTV noon sa loob ng masters bedroom.

Iyon ang patunay na hindi nga ang dalaga ang pumatay sa kanyang dad.

Sa halip ay tinulungan pa sila nito.

Napabuntong-hininga ito.

"Dahil isa pa rin siyang Acapolco. Sila ang pumatay sa iyong ama at gayundin sayo kaya, Apo. Tigilan mo na to. Walang magandang maidudulot kung patuloy mong iisipin ang babaeng iyon." May pagsusumamong wika ni Steffano. Halata ang pagod sa mukha nito.

Napaangat ang tingin niya dito.

No!

Hindi niya pwedeng kalimutan nalang ang lahat! Lalo na at may kinalaman iyon sa dalaga.

Ngayon pa, na alam na niya ang totoo! Sa pagkatao niya at  ang totoong nangyari sa kanyang dad!

Walang kinalaman si Aki sa nangyari sa daddy niya. Wala itong kasalanan! 

"Lolo... I can't! She save my life!" Puno ng determinasyon at may bahid na lungkot niyang sinabi.

Napabuntong-hininga ito.

"Iyon nga lang ba ang dahilan, Maxryn?"

Natigilan siya.

Iyon nga lang ba ang dahilan niya? O, maliban dun ay may iba pang dahilan?

Pahid ang mga luhang sinalubong niya ang mga mata nito.

"I never been so happy since dad passed away. Inaamin ko po. Nakaramdam ako ng galit at pagkamuhi sa kanya sa pag-aakalang pinatay niya si Daddy. Pero, Lolo.... ilang beses niyang iniligtas ang buhay ko. At..." natigilan siya. Biglang naramdaman niya ang kakaibang pintig ng puso niya sa tuwing naiisip niya ang maaaring malalim na dahilan kung bakit hinding-hindi niya nakakalimutan ito.

Kung bakit sobrang naiisip niya ito. At kung bakit namimiss at hinahanap niya ang matamis na labi at mainit na mga yakap nito.

"At?" Pukaw ng matanda sa kanya.

"At... m-mahal ko po siya. Higit bilang  isang kaibigan. I love her, Lolo." May mumunting butil na luhang ipinagtapat niya.

Pakiramdam niya ay bahagyang gumaan ang dibdib niya. Yeah. She love her, so much! At handa niyang isugal ang lahat para lamang dito.

Walang imik na nakatingin lang ito sa kanya. Ni walang makuhang reaksyong nananatiling nakikinig lang ito.

Bumuntong-hininga ito.

"Patawarin mo ako, Apo." Wika ng kanyang lolo makaraan ang ilang sandali.

Ni hindi niya malaman kung para saan ang paghingi nito ng tawad sa kanya.

May lungkot na napaupo at muling ibinalik sa alaala ang mga masasayang araw na kasama niya si Aki.

***

Halos hindi alintana kay Max ang paglipas ng mga araw. Buong maghapon lang siyang nakakulong sa kanyang kwarto o di kaya ay naglalaro.

Ni hindi na rin niya nakakausap ang kanyang lolo dahil parati itong umaalis at busy sa kung anu mang bagay.

Subalit, sinisiguro pa rin naman nito ang kaligtasan niya kaya halos pinupuno ng bodyguard ang kanilang bahay.

Magmula noong ipinagtapat niya dito ang totoo ay tinanggap naman nito kung ano siya. Mahal siya ng Lolo niya. At mahal niya rin naman ito kahit may sama ng loob siya dito.

AGWAPH (Girl×Girl) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon