Nalalapit na naman ang araw ng kapaskuhan . Marami sa atin ang naghahanda na sa kung ano ang gagawin nila sa araw na 'yon , yung iba ay nagpa-plano na kung saang lugar sila magdiriwang ng kapaskuhan habang yung iba naman ay nag-iisip na ng ireregalo para sa kanilang mga pamilya , kamag-anak , kaibigan at syempre para sa kanilang mga inaanak . Meron namang iilan sa atin na mananatili na lamang sa kanilang maliit na barong-barong dahil wala naman silang sapat na pera na pwede nilang ibili ng kanilang panghanda sa pagdating ng araw ng kapaskuhan.Si Tino ay anim na taong gulang na ngunit hindi niya pa nararanasan ang magdiwang ng kapaskuhan sa buong buhay niya. Sa murang niyang edad ay marunong na siyang magbanat ng buto dala ng kahirapan sa buhay. Tatlong magkakapatid sila tino at siya ang panganay. Bata pa lamang si Tino ay pinangarap na niyang makapag-aral ngunit dahil nga sa mahirap lamang sila walang kakayahan ang mga magulang niya na pag-aralin siya pati na rin ang kanyang mga kapatid kaya naman sa pamamasura na lamang ang bagsak niya .
Sa tuwing dumarating ang araw ng kapaskuhan laging malungkot si Tino dahil panigurado wala na naman silang maihahanda kaya natutulog na lamang sila habang ang iba ay nagsasaya . Ni minsan hindi naranasan ni Tino na magdiwang ng kapaskuhan bukod kasi sa kahirapan sa buhay para kay tino ang kahulugan ng kapaskuhan ay tungkol lamang sa pagsasaya , pag-iingitan ng kani-kanilang mga handa at pagyayabangan ng mga regalo ng mga bata.
Lunes ngayon ng umaga at maagang gumising si Tino hindi para pumasok kundi para magbanat ng buto. Gustuhin man niyang mag-aral ngunit hindi pwede sapagkat mahirap lamang sila at wala silang kakayahan na makapag-aral .Bumangon na si Tino sa kanyang pagkakahiga at agad na lumuhod sa tapat ng isang poste malapit sa kanilang tinutulugan kung saan nakadikit ang isang maliit at sira-sirang larawan ng panginoon na napulot niya habang siya ay namamasura sa tambakan .
Matapos manalangin ni Tino ay agad na siyang tumayo at agad na kinuha ang sako sa ilalim ng tinutulugan nilang kariton . Sanay na si Tino na umaalis ng walang laman ang sikmura kaya hindi na problema sakanya 'yon.
Agad namang nilibot ni Tino ang kalye ng payatas upang maghanap ng mga mapapakinabangan at yung mga bagay na pwedeng maibenta tulad na lamang ng bote , plastic bottles , karton at iba pa. Habang naglalakad si Tino ay bigla na lamang tumunog ang kumakalam niyang sikmura sakto naman na napahinto siya sa tapat ng isang tindahan ng mga tinapay at napatingin siya sa mga tinapay na naka-display doon . Lalapit na sana siya sa isa sa mga tindera doon ng mahinuha niya na wala pala siyang pera pambili nun kaya naman iniiwas niya na lamang ang tingin niya at nagdire-diretso na paalis ng tindahan. Binalewala niya na lamang ang kumakalam niyang sikmura dahil sanay na rin naman siyang walang kain.
Tanghali na pero heto pa rin si Tino patuloy sa pamamasura at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kain. Marami-rami na rin ang nakolekta niyang basura at malapit niya ng mapuno ang dala niyang sako ngunit para kay Tino kulang pa ang mga ito upang makabili siya ng pagkain nilang pamilya ngayong hapunan. Sobrang tirik ang araw ngunit hindi ito alintana kay Tino tuloy pa rin sya sa pamamasura kahit na siya ay pawis na pawis na.
Alas-siyete na ng gabi ng matapos si Tino sa pamamasura kaya naman dumiretso na siya sa isang malapit na junkshop upang ibenta ang kanyang mga nakolekta . " Sunod.! " sigaw ng isang lalaking bantay kaya naman agad na lumapit si Tino at ipinatong sa timbangan ang kaniyang mga nakolekta.
Nang matapos sa pagtimbang ibinigay na ng lalaking bantay ang anim na pu't pitong piso kay Tino dumiretso naman agad si Tino sa isang tindahan upang bumili ng kalahating kilo ng bigas at isang lata ng sardinas iniuwi niya ang mga ito at iniluto sa de-uling nilang lutuan ang bigas at ng matapos siya inihain niya na ito upang mapagsaluhan na nilang mag-anak.
BINABASA MO ANG
Ang Pasko sa Mata ng Isang Bata
Short StoryAng kuwento ng isang bata na minsa'y inakala niyang ang pasko ay tungkol lamang sa pagsasaya at pag-iinggitan ng mga handa at regalo.