04

2.4K 172 9
                                    

Dedicated to: S4turnkills innkkxxx hi! 

『 Chapter 04 』

Playboy

Napaigik ako sandali nang maramdaman ang kaunting lamig ng tiles sa mukha ko. Muli akong napaigik mula sa pagkakasal sa aking suot na uniform. Doon ko lang napagtanto ang pwesto namin.

Hawak niya ang kwelyo ng aking uniform habang ako ay nakatalikod sa kaniya at nakatukod ang mga palad sa tiles. Tangina, mabuti na lang talaga at pajama ang suot ko ngayon, dahil kung hindi ay makikita pa ng libre ang legs ko!

Napaka gentleman niya talaga! Sa sobrang gentleman, parang gusto ko siyang yakapin sa leeg, sarap niyang i-headlock. Pero buti na rin kasi muntik lang malapat ang mukha ko at hindi talagang nasira. Kung nalapat lang talaga tapos gano'n pa ang pagka-alalay niya sa akin ay magkakagulo talaga kami rito!

Mabilis ang naging kilos ko dahil sa namataan kong paparating ang mga kaibigan ko. Knowing them, aasarin at aasarin nila ako hanggang sa magsawa sila, at wala akong pake.

"I've told you—"

"Oo na! Ang dami mong satsat, dalian na lang natin para matapos na ang pesteng gawain na 'to." Naiinis na putol ko sa sasabihin niya. Bumalik ako sa paglilinis ngunit sa pagkakataong ito ay nagpalit na kami ng gawain.

Walang imik na naglinis siya, ganoon din ako, kaya walang naging problema. Nakikita ko pa ang ngiting mapang-asar ng mga kaibigan ko at pabalik-balik ang tingin sa amin ni Zentrous.

Mga gaga talaga! Hindi man lang nahiya sa aming kanilang pinagtsi- tsimisan.

"I think mas bagay sila kaysa sa bago niyan."

"Gaga! ano 'yon, susulutin ni Lilac sa bago?!"

"My God! In what universe ka kaya noong alien ka pa naroon bago napunta sa tiyan ni tita Astrid at ipinanganak?"

Tingnan mo 'tong mga ito. Dito pa talaga napiling magdaldalan.

"What if tumulong na us sa kanila para matapos agad?"

"Ano ba?!" Sinamaan ko ng tingin si Xyla na inagaw ang hawak kong mosquitoes spray. Itinutok niya ito sa kakambal niyang si Xylie, ang pinakamalakas na nagdadaldal.

"Baka may ikalalakas pa 'yan, Lie, itodo mo na."

Mahaba ang ngusong lumapit sa akin si Xylie, nagtago sa likuran ko. "At least hindi ako ampon." Parang mga bata talaga.

"Anong ampon? Gaga, we are fucking yuck twins! Kaya kung ampon ako, ano ka pa?"

Nandito na naman sila sa walang katapusang bangayan. Imbes na makinig at awatin ay inayos ko na lang ang mga bangko. Titigil din naman sila.

Kunot-nuong lumapit sa akin si Zentrous. "Are they still in the right mind?" mahinang bulong niya sa akin.

Mahina akong natawa sa tinuran niya. "Nag-aalala ka ba? Don't yah worry, nasa katinuan pa naman sila para magpatayan."

Napabuntong hininga naman siya sa tabi ko. Tapos na kaming maglinis pero ang dalawang kanina pa nagbabangayan ay hindi pa. Kung hindi pa aawatin ng iba ay hindi pa titigil.

Kung kanina ay usapang ampon, na napunta sa pagiging favorite ng parents, ngayon usapang love life naman ang pinagtatalunan nila.

"Bakit pa ako magbo-boyfriend kung mayroon naman na akong mga oppa albums sa mansion?" palabang aniya Xylie sa mahinahong paraan. Mukhang nagiging pusa na ang tigre.

My Forever Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon