08

1.9K 152 8
                                    

Dedicated to: titaniatinatangi hellochad  kojicweller  hello!

『 Chapter 08 』

Flashback

Pilit kong pinigilan ang pagngiti dahil sa nakikitang pagkukulitan ng mag-iina. Hindi na nila ako kinulit nang sabihin kong ayos lang ako. Nawala na rin sa isip ko ang nangyare kanina at napalitan ng saya.

Hindi ko alam kung bakit bumabalik sa isip ko ang mga alaalang iyon, gan'ong ibinaon ko na ito sa limot. Siguro ay na triggered lang ang inner self ko.

"M-Mom... h-hindi ko p-po a-alam—"

Nandito kami ngayon sa sala. It's her time to teach me. Wala sila ate at dad dahil bumibili ng groceries with Manang Lupe.

"Bakit?"

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan ng marinig ang malamig niyang boses. I was about to explain my side when she continue.

"Sinabihan na kita na i-review ang mga iyon, hindi ba?!" Tinuro niya ang mga librong nasa dulo ng lamesa. Sampung libro iyon na tungkol sa iba't-ibang uri ng subjects; 'yung iba roon ay hindi ko na maintindihan dahil sa international book. "Tapos simpling tanong lang, hindi mo pa masagot?! Did you really review it or not?"

Habol ko ang hiningang sunod sunod ang naging pagtango sa kaniya. I swear, I did read and understood all of the studies on those books.  Nangangatal sa kaba ang aking damdamin tuwing siya ang nagtuturo sa akin, dahil hindi kami natatapos na wala akong nararamdamang sakit o pasa.

Naglakad siya papalapit doon at kumuha ng isang makapal na libro. Chemistry and Biochemistry. She keeps flipping the pages until she stopped and walked in front of me.

"Who was the youngest British Prime Minister?" she sophisticatedly asked.

"W-Wala pong ganiyan sa inaral ko—"

"Of course! It was just an impromptu question!"

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin niya. Wala sa na pag-usapan namin na magtatanong sila ng kung ano maliban sa inaral ko.

"Pero sabi ni Dad—"

"Ako ba siya? Now, answer my simple question or else..." pinulot niya ang gunting na nasa gilid ng aparador. "I'll cut your hair 'til you answer it right."

"But M-Mommy... I don't know the a-answer—"

Natabunan ang paliwanag ko nang malakas na humalakhak si Mommy.

"I shall start cutting your hair then." She said with a smirk on her lips.

Nanginginig akong umiling. Ang mga luha ko ay agad na nagbagsakan sa takot at awa para sa sarili. Hindi ko alam ang gagawin lalo na't wala kaming kasama rito, kaya walang makakapigil sa kaniya.

"Please... M-Mommy! Don't do this to me— I'll be g-good! Susundin ko po m-mga u-utos niyo... p-please! Don't hurt me like this!" May hinanakit na puno ng pagsusumamong pagmamakaawa ko sa kaniya. "Anak niyo rin naman po ako! Bakit niyo ako ginaganito?"

Sa takot ay nahawakan ko ang isang putol na ruler na pinangpalo niya sa akin, at naibato sa gawi niya.

Matapang siyang natawa sa reaksyon ko at galit na hinablot ang buhok ko.

"Talagang sinusubukan mo ang pasens'ya ko? Sige, tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo!" Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko at marahas na sinumulang gupitin.

My Forever Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon