05

2.3K 172 11
                                    

Dedicated to: QuillGem Hello

『 Chapter 05 』

Sundo

Blue? Pink? Red? Purple? Nude? Black? Damn. I can't decide what color of top I will use for today! Ngayon ang punta ko sa bahay ng mga Villalonzo. Pupunta ako sa kanila ng walang sundo, dahil ang magaling nilang si Zentrous ay napaka gentleman.

Hindi man lang nag-volunteer na sunduin ako! Like boy, what if maligaw ako? Pero as if namang maliligaw ako, I'm not that stupid pagdating sa mga location.

Urgh! Kung may rainbow top lang siguro ako rito ay iyon na lang ang susuotin. Bagay naman sa akin lahat 'cause maganda ako.

Bahala na. Kinuha ko na lang ang kung alin sa tingin ko ang komportable akong makakagalaw.

I sighed in frustration as I closed my colored pink walk-in closet. I sarcastically smiled at myself. Ano bang ginagawa ko at mas'yado ko naman yatang pinaghahandaan ang group— study together na 'to? Hindi naman special ang lalaking 'yon.

Nakapalumbaba kong inisa-isang tingnan ang mga susuotin. Bawat madaanan ng mata ko ay napapangiwi ako. Black denim flare pants and for my top is white v-neck blouse.

Really? Para naman akong may pupuntahang importante niyan?! Dadaan na lang ako sa mall pagkatapos para wala siyang masabi.

A knocked outside my bedroom door stopped me from frowning and glaring at my outfit.

Sumungay dito ang ulo ni Manang Lupe. "May sundo ka, nasa couch sa may garden naghihintay." Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Lalaki,"

Huh? Wala naman akong inimbitahan ngayon at mas lalong wala akong iimbitahan except sa mga friends ko!

"Sige, sasabihan ko na lang na paalisin—" nabasa niya yata ang katanungan sa mukha ko.

"What's his name?" nagbabaka sakaling siya iyon.

"Zentru— Zinctros— ay mali... ano nga iyon?" kumamot siya sa ulo. "Hay naku! Basta Zintrus pagkakarinig ko." Sagot niya. Hindi pa siya kompiyansa sa sinabi.

Ha? Ano namang nakain niya at sinundo ako? Himala namang nandito siya. Napanis ang ngiti ko nang makitang naka-antabay sa reaksyon ko si Manang Lupe.

"Bakit mukhang masaya ka? Manliligaw mo ba, hija? Naku, alam ba 'yan nila Madam?"

I groaned. Gagi, saan kaya siya nakakuha ng ganiyang idea? Muntik na akong masuka e.

I cleared my throat. "Pakisabi na lang na hintayin ako at mag-aayos lang." Utos ko. "And manliligaw? He doesn't even fit in my standards, Manang." Sita ko sa kaniyang imahinasyon at mabilis naman siyang tumango at natatawang nagpaalam na aalis na.

Mariin kong tinitigan ang sarili sa salamin. "Why do they keep saying that? As if namang magustuhan ko 'yon. Not in my watch." Pagkakausap ko sa aking sarili.

Matapos ang lahat ng aking kaartehan sa katawan ay muli akong tumingin sa salamin. "Napaka ganda mo talaga." Mas lumawak ang ngiti ko bago tuluyang lumabas.

"And where do you think your going, Lilac?" salubong sa akin ni Mommy. Nakapamay-awang siyang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "At sino 'yong ini-entertain ng Dad mo sa garden's couch?"

Napa-ismid ako sa lakas ng boses niya. "Ang aga aga mo naman pong manermon, Mommy." I chuckled softly. "May group study po kami. Kahit tanungin mo pa ang adviser namin tungkol dito. Wala rin po akong gagawing iba maliban sa pag-aaral kaya ikalma niyo po ang puso niyo... nasa maayos pa naman po ang utak ko para sa mga makamundong bagay." I assured her. "Don't worry about me, Mom, hindi po ako gagawa ng kalokohan na magpapa-disappoint sa inyo ni Dad." Dagdag ko pa.

My Forever Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon