Chapter 4

2 0 0
                                    


"Kapag may nangyaring di maganda or they try to molest you, don't hesitate to call us Pim."

Ganyan ang paulit ulit na paalala ni mommy sakin. Habang si Victor sa tabi ay tahimik at nagsusungit, mukhang may hangover pa sa nangyari noong isang araw sa kanila ni Troy.

Tumango tango ako sa kanyang paalala. Tinawag ang flight number ng eroplanong sasakyan ko ay nagmadali akong sikupin ang mga gamit ko. Napaka higpit ang yakap ni mommy sakin bago niya ako pinakawalan. Pinunasan niya ang takas na luha sa gilid ng kanyang mata. I'm surely gonna miss my mom.

Sa likod niya ay ang nag aalangang si Victor. Hindi na ako nag aksaya ng oras at ako na mismo ang yumakap sa kanya.

"Brother, don't miss me so much." Halakhak ko. Niyakap niya ako pabalik at humigpit ang yakap niya sakin.

"Ate, always call ha." Paalala niya bago ako pinakawalan.

Kumaway ako sa kanila ni mommy habang papasok. Nang mawala sila sa paningin ko ay saka lang ako nagpakawala ng buntong hininga. I hope I could do this. After eighteen years ay nakabalik din ako ng Pilipinas.

Bago ako umalis sa bahay kanina ay tumawag si mama Mau at sinabing susunduin ako ng driver sa airport. Pumayag na ako dahil hindi ko narin naman alam ang pasikot sikot sa Pilipinas.

Pinilit kong matulog sa byahe. Nakakatulog naman ako ngunit hindi iyon inaabot ng tatlong oras. Nag stop over kami sa iba't ibang bansang nadaanan namin. Siguro ay dalawang bansa iyon bago kami tuluyang nagland sa runway ng NAIA. Siguro ay alas tres ng hapon kami nakapag out talaga.

Nang nasa labas na ako ay ilang saglit lang akong naghintay doon dahil di nagtagal ay may lumapit sa aking naka body guard suit na lalaki. Hawak niya ang caupon bond na may pangalan ko.

"Kuya, are you from Peralta family?" I kindly asked even if it's obvious in the banner he was holding.

Bahagya siyang tumango sakin. "Opo ma'am, ako po ang ipinadala ng mama Mauleen niyo para sunduin kayo."

Tumango ako sa kanya. Binitbit niya ang maleta ko at sumunod naman ako sa kanya. Isang makintab na SUV ang pinaglagyan niya ng maleta ko. Pinagbuksan niya ako sa backseat. Dumiretso ako doon at ginawang komportable ang aking sarili.

Dumiretso ang driver sa harapan, katabi ang isang mukhang driver na kapalitan niya sa pagdadrive. Nilingon niya ako sa aking upuan at iniabot sa akin ang kanyang cellphone, tumaas ang kilay ko sa pagtataka.

"Si ma'am Mauleen po, nais daw po kayong kausapin." Aniya.

Tumango ako at kinuha ito sa kanya. Itinutok ko sa aking tenga ang cellphone bago nagsalita.

"Hello ma," bati ko.

"Pim! Kumusta ang byahe? Are you hungry? Daan muna kayong resto or any fastfood chains jan para makakain ka muna." Bakas ko ang katuwaan sa kanyang tono.

"Hindi na po. I'm not hungry naman po, naglunch ako kaninang nagstop over kami." Sabi ko at sumandal. Ini adjust ko ang upuan ko upang bahgya akong makaupo.

Pinaandar na ni Manong driver sasakyan at nagmaneho na.

"Osige. If you need something just tell Berto and Pedring, iyong mga driver jan." Aniya bago nagpaalam.

Ibinalik ko ang cellphone sa driver at nagpasalamat. Umidlip ako sa byahe. Pagkatingin ko sa labas ay wala na akong maaninag dahil gabi na.

"San na po tayo?" Tanong ko aming driver.

Kinusot ko ang mata ko at hinagilap ang cellphone ko upang tignan kung anong oras na, it's already seven in the evening. Ibig sabihin ay apat na oras na kaming bumabyahe.

"San Vicente na ho ma'am. Isang bayan na lang po at malapit na tayo." Sagot nong isa.

Tumango ako at nagpasyang matulog na lang muli.

Nagising na lang ako nang huminto na ang aming sasakyan. Nasa harap na kami ng mansyon.

Nag ayos ako ng sarili bago bumaba. Sumalubong ang ilang katulong upang kunin ang aking mga maleta.

Napatingala ako sa malaking double doors ng mansyon. Mama Mauleen is smiling ear to ear. Ngumiti ako pabalik sa kanya at mabilis na lumapit upang mayakap siya.

"Mama Mau!" Humagikgik ako.

"Oh Paula Imar!" Pinakawalan niya ako at matamis na nginitian. Hinaplos niya ako sa pisngi at pinakatitigan. Bakas na ang mga wrinkles ni mama sa kanyang mukha, kahit naka make up siya ay bakas mo ang pagod sa kanyang mukha.

Oo nga siguro't kabit siya ng daddy ko, ngunit hindi ko naramdamang magalit sa kanya. Simula nang magsama sila ni daddy dati habang dito ako nakatira noon ay hindi niya ako pinabayaan. She treat me like her own daughter. Hindi niya ako pinagmalupitan, ni mapagbuhatanng kamay. Kaya't malapit ang loob ko sa kanya.

"Tara na sa loob Pim." Anyaya niya "Your dad will be happy to see you." Ngiti niya at hinila na ako paakyat ng hagdan.

Napansin ko ang pagbabago ng mansyon. Naging lima ang dating tatlong silid.

Binuksan ni mama ang pintuan ng kwarto ni dad. Nanginginig ang tuhod ko habang pinipihit niya ang door handle.

Pumasok kami sa malawak nitong silid. Kumpara dati ay mas lumawak ito ngayon at mas naging visible ang mga pigurin. Lahat maganda at maaliwalas, pwera na lang sa higaan kung saan hinang hinang nakahiga si dad.

Napaiyak akong lumalapit sa kanya. Nakapikit siya at may oxygen na nakasalpak sa kanyang bibig. Umupo ako sa kanyang tabi at hinalikan ang kanyang noo.

"D-Daddy," nauupos kong tawag sa kanya.

Nakita kong pinilit niyang ibuka ang mata niya ngunit hindi na niya ito mabuksan. Bumuka ang bibig niya upang magsalita.

"Pim, a-anak." Halos bulong na niya itong sinabi.

"Daddy, how are you feeling? I miss you so bad daddy," iyak ko.

Bahagya kong niyakap ang kanyang bewang habang umiiyak. Si mama Mauleen ay nagpupunas din ng luha sa kanyang mata.

"I m-miss you too, my little pony." Hinaplos niya ang buhok ko.

"P-Please just stay a little more longer daddy." Paos ang tinig ko.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. "Oh as I w-want to, I'm afraid I can't g-grant your wish Pim."

Napayuko ako at tuluyan ng napahagulgol.

"Dad, don't talk like that. We need to catch up!" Nanginig ang boses ko.

Nag usap kami ng nag usap ni daddy. Naantala lang iyon nang pumasok ang isang aligagang kasambahay, namumutla ito.

"Ma'am M-Mauleen, s-si ano po," napasulyap siya sakin bago bumaling ulit kay mama, tinuro niya ang kabilang kwarto. Napaigtad kaming lahat nang makarinig kami ng pagkabasag mula sa kabilang kwarto.

Narinig ko ang pagtikhim ni daddy. Ngunit hindi ko iyon pinansin nang nakitang dali daling lumabas si mama Mauleen upang tumungo sa kabilang silid. Kumunot ang noo ko at agad na nagtaka.

What's happening?

He's a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon