Chapter 5

3 0 0
                                    


Sabay sabay kaming nagdinner nila daddy kinagabihan. Sa kwarto niya lang kami dahil hindi narin niya kayang tumayo pa. Sinusubuan ko siya ng soup na ginawa ko.

"Daddy, magpagaling ka ha. Para naman makapamasyal tayo." Nakangiti kong sabi kay daddy. Tumatango lang siya sa mga sinasabi ko.

Maya maya ay nakarinig nanaman kami ng kalabog mula sa kabilang kwarto. Kanina pa ako naiinis dahil ang ingay ingay. Ano ba kasing meron dun? Pinuntahan na iyon ni mama Mau kanina at nung tinanong ko siya ay ngumiti lang siya.

Isa pang kalabog ay hindi ko na napigilang mapatayo. Inilapag ko ang bowl na hawak ko sa side table ni daddy. Narinig ko ang pagprotesta niya at umiling, tila sinasabing wag ko ng pansinin yung kung ano mang ingay na yun.

"Dad, sisilipin ko lang." Dumiretso na ako palabas ng kanyang kwarto at hindi na hinintay ang kanyang sagot.

Dahan dahan akong lumapit sa pinto na pinangagalingan ng ingay. Huminga ako ng malalim at isinandal ang tenga dito. Wala na akong naririnig na kahit ano.. No, wait I heard some deep breaths. Parang malapit lang din siya dito sa pinto. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan, di ko alam kung bakit.

Hinawakan ko ang door knob at nagpasyang pumasok. Hindi pa man naiikot ng lubos ay may tumawag na sa akin mula sa likod na siyang naging dahilan ng pagkagulat ko.

"Pim,"

Hinarap ko si mama Mau. Naka poker face siya nung una ngunit unti unting tumaas ang gilid ng kanyang labi. Bigla akong kinilabutan sa paraan ng pagngiti niya.

"M-Ma," I stuttered.

Tumango siya.

"What are you doing here hija? Hinahanap ka ng daddy mo." Aniya.

"A-Ano po," tinuro ko ang pinto sa likod. "Sisilipin ko po sana, ang i-ingay kasi." Pagdadahilan ko.

Bahagyang nawala ang ngiti sa kanyang labi dahil sa sinagot ko. Nabigla ako sa biglaang pagbabago niya ng mood, ngunit mabilis lang iyon dahil ngumiti ulit siya sakin.

"Tara na, puntahan natin ang daddy mo." Pag iiba niya sa usapan.

Tumango na lang ako. Sinundan ko siya sa kwarto ni daddy ngunit naglalaro parin sa utak ko yung katabing kwarto. I wonder what's in there. Bakit bawal pumasok? Nakakapagtaka na talaga. My curiosity is killing me!

Pinapili ako ng kwarto ni mama Mau nang patulog na kami. Kung yung kwarto daw ba sa baba o yung isang kwarto dito sa taas. Pinili ko ay dito sa taas upang malapit sa kwarto ni daddy. Hindi naman siya tumanggi at pinahatid na niya sa mga katulong yung mga gamit ko.

Nang makapasok ako sa loob ay umupo muna ako sa malambot kong kama. Bilog ito at mayroong napakalaking headboard sa ulunan. May dalawang pinto na sa tingin ko ay ang cr at ang closet. Pumasok ako sa cr at chineck ito, namangha ako sa laki at ganda nito, may jacuzzi! Kumpleto ang toiletris.

Lalabas na sana ako upang makapag ayos ngunit nakarinig nanaman ako ng kalabog mula sa kabilang kwarto. Nagsalubong ang kilay ko at hinarap ang dingding na humahati sa aming silid.

"Ayoko."

Napapitlag ako nang may narinig akong nagsalita. Malalim at mahina ang boses niya, obviously it's a guy. Sumandal akong maigi sa dingding na may tiles.

"P-Pero ser, papagalitan po ako ni m-ma'am." Yung katulong.

Di nagtagal ay nakarinig na ako ng pagbasag. Nanlaki ang mata ko nang marinig ko yung katulong na nagsisigaw.

"H-Hindi po ako m-makahinga s-ser Cholo!" Sigaw nung katulong. Parang hinahabol yung hininga.

Napatakip ako ng bibig ko. Siguro dito lang din sa dingding na pinagsasandalan ko iyon kaya medyo malinaw kong naririnig.

"I don't care. Ang kulit mo eh." Narinig ko ulit na sabi nung Cholo.

Maya-maya lang din ay nakarinigna ako ng pagbukas ng pinto. Boses ni mama Mau ang narinig ko.

"Cholo, put her down." Mahina ngunit mariing sabi ni mama.

Kumunot ang noo ko. Ano ni mama iyon? Sa pagkaka alam ko ay walang anak silang naging anak ni dad?

Sunod kong narinig ay ang pagbagsak ng katawan. I heard the maid groaning in pain. Nanlaki ang mata ko at lumabas na ng cr.

Pagkalabas ko ay tinitigan ko ulit iyon. Wala na akong naririnig, parang sound proof yung mga dingding dito sa kwarto ko ngunit sa dingding sa cr ay hindi.

Nag ayos na ako ng sarili ko at nagpalit. Inilagay ko yung mga gamit ko sa walk in closet. Nang matapos ay humiga na ako sa kama ko. Di rin nagtagal ay dinalaw nadin ako ng antok dahil sa pagod.

He's a MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon