DOUBLE UPDATE YAY!!!!!!!
Zach's POV
Napagdesisyonan ko na...........
Wag sabihin kay Hazel ang nangyare kasi buhay naman nya yun at hindi na ako makikisawsaw dun bahala na silang dalawa dun. WALA AKONG PAKE! Oo na bitter na kung bitter bakit eh kayo din naman pag nasasaktan nagiging bitter eh.
Siguro di naman ako ganito palagi pero ngayon papakabitter muna ako
Bumaba na ako at nagayos ng sarili di ko pinansin si Hazel baka makahalata sya
Pumunta na akong school at di pa naman time kaya pumunta muna ako sa mini park ng school at umupo sa isabg bench dun at nagisip....
Makikipagbreak ba ako o hindi?
Masakit kapag nakipagbreak ka pero mas masakit kung papatagalin mo pa to. Pero ako ang nanligaw alangan naman ako makipagbreak ginusto ko to eh. Pero kahit alam mong niloloko ka nya tinuloy tuloy mo pa kasi sobrang sakit na iwanan ang taong mahal mo.......
Hayyss ang dami kong problema ngayun. Makainom na nga lang mamaya paguwi.
Lunch break na at nakita ko si Audrey na nakatalikod at parang may binubully syang babae kaya lumapit ako at tiningnan kung sino yung binubully nya. Di ko akalain na mah ganung side pala si Audrey.
Nung pagkakita ko kung sino laking gulat ko nung makita ko si Hazel na nakaupo nga dahil tinulak sya ni Audrey
Madaming basag na itlog sa buong katawan nya at may harina na rin ang uniform nya nagtago muna ako sa likod ng mga tao kasi nagkakaguluhan na din sila dito eh
Umiiyak na si Hazel at wala akong magawa kundi tumingin sa kanila at baka kapag tinulungan ko sya eh mapaghinalaan ako na two timer
Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Hazel at lumapit kay Audrey at sinampal si Audrey ng dalawang beses.
"Yan ang para sayo,para sa pagpapahiya mo sa akin!" Sigaw ni Hazel kaya lumapit na ako kay Audrey at hinila ko palapit sa akin at hinarap si Hazel
"Bakit mo ginawa yun sa GIRLFRIEND KO?!" Di ko na napigilan at nasigawan ko sya kaya yun natigilan sya at naririnig kong umiiyak si Audrey kaya inakap ko sya
Sumama ang tingin ni Hazel sa akin
"Tinatanong mo kung bakit?!?!?! Hindi mo ba nakita ang pagpapahiya ni Audrey sa akin?!?!??!? Hindi siguro kaya kung makasigaw ka dyan parang ako pa yung may kasalanan!!!! Taena ako napahiya at nasaktan ako pa yung mali!!!" Sigaw ni Hazel sa akin at nag walk out nakita ko si Tyler na paparating at pinuntahan ang girlfriend nya or should I say isa sa mga babae nya tss..
Umalis na din kami ni Audrey dun at pumunta sa mini park. Pero tbh nasaktan ako sa mga nasabi ni Hazel kanina. Siguro dahil ako nga naman ang mali. Haysss kinomfort ko na lang si Audrey at hinatid sa bahay di na lang kami papasok ngayung hapon.
Audrey's POV
Hahahhahahahhahaha ang galing ko talaga umacting kanina yung pagiyak ko sobrang pilit lang yun.
Mabuti nga dun kay Hazel napahiya na at nasigawan pa patikim ko pa lang yan sayo Hazel *evil laugh*
======================
Yay double update!! Sinipag si otor guyss kaya mag pamisa kayo. De joke lang hahahah.. Next update siguro sa Saturday kasi walang pasok nun. Bye muna see you sa sabado!!
Ms.Author
BINABASA MO ANG
Secretly Married To The Campus Heartthrob
Teen FictionNakakainis!! Yung tipong may boyfriend ka na tapos biglang sasabihin ng magulang mo na makipagbreak kasi may arranged marriage na magaganap!!.... At dahil mabait akong anak sinunud ko sila Tapos malalaman mo na campus hearthrob sa school yung mapapa...